Chapter 13

2.8K 164 11
                                    

Chapter 13
"Destiny"

"Patingin." Lita took the check in my hand. Sinuri niya itong maigi habang may kung ano'ng ekspresyon.

It has been three days since Ham handed it to me. It has been three days too that I am thinking deeply about what I should do about it.

Pahirap din 'tong si Ham. Nakikipaglaro ba siya?

Pakiramdam ko ang sama ko para pag-isipan ng masama ang pagtulong niya. But can you blame me? Ham is too complex for my poor understanding. Kaya may duda talaga ako.

Pero sa kabilang banda, what can be his motive? Wala naman 'di ba?

Maybe it is just me overthinking things. Pero matatahimik ba ako kung tuluyan ko itong tatanggapin?

"Maybe I should just return that."

Mas mabuti na gurong ganoon na lang.

"Huwag!" Punong puno ng conviction ang boses ni Lita.

"I can't bring myself to write an amount, Lita."

"Ako na magsusulat." Inabot niya ang ballpen na nasa lalagyan sa desk ko.

I sighed.

"Sulatan natin... one hundred million... Hindi pa yata magkakabutas ang bulsa niya nito."

Inilingan ko na lang siya.

"Akin na." Kinuha ko sa kanya pabalik ang tseke.

Nanunuya siyang humalukipkip sa harapan ko. "Seriously, just write the usual amount na natatanggap natin."

I placed it back sa checkbook holder para hindi madumihan o malukot.

I feel like I should just return it to him.

Lita shook her head. Dinampot niya na ang bag niya. Oras na para umalis. Pupunta kami sa site para tingnan ang nagaganap na construction ng bagong building.

I grabbed my keys and bag at sumunod na kay Lita palabas. Nagpaalam muna ako sa mga bata bago sumakay ng kotse.

Naroon sila Millard sa site ngayon. Tutulong daw sila. Sana naman hindi sila naging abala sa mga nagtatrabaho. Wala pa naman akong tawag na natatanggap kaya baka nga tumulong talagang sila. Hanggang bukas na lang sila rito. Aalis sila para da climb nila tapos uuwi ng Manila.

Pagdating namin, I parked the car from a distance, sa may lilim ng puno. Lumabas na si Lita. Hinintay niya ako. Inayos ko muna ang bag ko bago lumabas.

Hindi paman tuluyang nakakalapit, naglalakad na palapit sa akin ang foreman. Halata sa mukha niya na may problema. Bahagya akong nakaramdam ng pag-aalala.

"Maganda hapon po."

"Magandang hapon po, Ma'am. Mabuti po nandito na kayo," aniya.

"May problema po ba?"

"Iyong mga bisita niyo po, Ma'am," sumbong niya.

Napakamot muna siya sa batok niya bago nagpatuloy, "Mapipilit po kasi kaya hinayaan na namin. Nagkakainitan po yata."

"Po?" Hindi ko iyon naintindihan. Nag-aaway sila Millard?

"Ayos lang po ba iyon? Mukha pa namang mga hindi sanay sa construction baka mapano po. Pero 'yong isa po, marunong naman."

"Nasaan po sila?"

"Sa likod po."

"Ano raw nangyari?" usisa ni Lita na abala sa cellphone niya kaya malamang na hindi narinig ng malinaw ang usapan.

Get Through the Night (ACATN Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon