Chapter 28

1.9K 117 15
                                    

Chapter 28
"Order"

As my eyelids flutter open, I can hear someone talking not so far from me. Baritono ang boses na pamilyar sa akin. Kinusot ko ang mga mata. Sa tingin ko natulog ako ng matagal. Bahagya kong ibanaba hanggang tiyan ang kumot na tumatakip sa aking dibdib.

I was a bit disoriented and still trying to be fully awake when I realized who it was.

"Yes, Paige. I'm sorry."

Mabilis ang pagbaling ko. Bumungad sa akin ang likuran ni Ham. Nakaharap siya sa bintana, hawak ang cellphone malapit sa kanyang tainga.

"I'm fine... Yeah... I'll handle it."

Right, he slept here... We slept together! Namilog ang mga mata ko nang tuluyang magising at maalala ang nangyari kagabi.

Hinahanap siya ni Paige?

Nanigas ako sa kinahihigaan. Nag-pa-panic din. Ngayon na umaga na, ramdam ko ang matinding kahihiyan na hinayaan ko ang sariling matulog sa iisang kama kasama siya. Namuo rin ang matinding guilt.

Sinulyapan ko ulit si Ham. Ang bilis ng kalabog ng puso ko habang tinitimbang dapat gawin. Tutal ay nakatalikod naman siya, mas mabuting makaalis na rito. It would be too awkward and embarrassing kung haharapin ko siya ng ganito. Kahit wala namang hindi desenteng nangyari, nakakabahala pa rin.

Maingat kong inililis ang kumot na tumatakip pa sa kalahati ng katawan ko. Pigil ko ang hinihinga habang kumikilos.

"Alright. I'll see you, Paige."

Nataranta ako nang marinig iyon. Isang paa ko pa lang ang nakalapat sa sahig. Sa pagharap niya at sa kaba ko, nagahol sa kumot ang kabilang paa ko dahilan nang pagkakahulog ko. I landed flat on my chest sa sahig.

Ang sakit ng tumama kong baba. Walang boses akong dumaing. Mabilis akong dinaluhan ni Ham.

"I'm fine!" sabi ko habang tinataas ang kamay at sinusubukang bumangon. Ang sakit sakit ng dibdib at siko ko.

Ham removed the comforter that made me stumble. He carefully held me as I rose.

"You okay?" tanong niya habang inaalalayan akong maupo sa kama.

Hindi ako makatingin sa kanya sa matinding kahihiyan, lalo naman ang sumagot. Sinapo ko ang babang nasaktan. Nagkasagat pa yata ang ibabang labi ko dahil sa pagkakadiin ng ngipin ko.

"You still hurt yourself," anas niya nang tanggalin ang kamay kong nasa baba. His fingers held my chin lightly. "Hindi mo pa rin alam paano ingatan ang sarili mo."

Umilag ako sa hawak niya kaya naiwan sa ere ang kamay niya. Tahip nang tahip ang puso ko sa distansya namin.

Umilaw at tumunog ang cellphone sa kamay niya. That distracted the both of us. Nakatingin na ako sa cellphone niya habang siya ay sinulyapan lang iyon.

I saw Paige's name on the screen calling. Again.

"Um, you can use the bathroom. Help yourself. I-I'll try to find clothes for you," nag-iwas ako ng tingin. I swallowed hard before forcefully dragging my ass out of the room.

I placed my palm against my chest para damhin ang kabog nito pagkatapos maisara ang pinto. Huminga ako ng malalim.

Polka, mali iyon! Maling-mali!

Get Through the Night (ACATN Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon