Chapter 37

2.2K 156 35
                                    

Chapter 37
"Lips"

"Engineer, b-baka may makakita," anas ko. I am catching my breath as I weakly look around.

Hindi siya nakikinig!

He went on kissing me as if he would die if he stopped. Is he drunk? Hindi naman yata.

Four of his fingers were placed on my nape and his thumb was on my jaw. Nakapaikot ang isang kamay niya sa bewang ko. His grip is so secure. Malalagutan yata ako ng hininga sa ginagawa niya.

Nanatili ang hawak niya sa aking leeg habang ang kabila ay bumaba. It scooped my butt. He then lifted me up from my sitting position. Napayakap ako sa leeg niya.

"L-let's talk," I struggled.

This kissing monster won't listen!

Mabigat ang kamay niyang itinulak pabukas ang pinto sa likuran ko. Bumukas ito. Hindi niya ako binitawan. Hindi niya inihinto kahit sandali man lang ang paghalik sa akin. Humakbang siya papasok. Nang makapasok kami at basta niya na lang sinara ang pinto ng malakas. Lumagabog pa ito sa tindi ng puwersa.

With his exceptional height and muscular build, it is so easy for him to control my body. Nabubunat at nakakabig niya ako ng walang kahirap hirap. Hindi ko man lang siya maitulak kahit konti. At bakit tila pa nagugustuhan ng buong katawan ko ito?

I shriek in fear nang pakawalan niya ako. Nahulog ako sa kama. Nabalian na siguro ako kung wala ang mattress. I even bounced a bit, my eyes wide open.

"I promised to be patient and more considerate. But damn, kung panay ganito nang ganito then just fuck being patient!" He crawled to me, like a lion so ready to devour me whole.

"M-mag-usap tayo," I panicked.

"Talk is for those who listen only."

I swallowed hard. Namimigat pa ang paghinga ko dahil sa matagal niyang halik. It was not even gentle. Ramdam ko nga ang konting pamamaga nito. He is above me, hovering on me now. Dapat na ba akong sumigaw at humingi ng tulong?

"W-why are you e-even mad?"

His jaw clenched as if pissed by my question. Wala naman akong ginawang nakakagalit, ah. Bigla na lang siyang sumugod!

"You don't know, huh."

"Hindi... W-Wala akong ginawang nakakagalit." I probably look like an oppressed kitten. Umiiling pa ako, umiiwas na parang makakatakas pa.

"L-Let's talk properly. Please?"

Kinabig niya baywang ko. Sinasakop niya muli ng buo ang mga labi ko. He feasted on them as if it was his meal he was determined to finish. Nakakawala ng depensa ang halik niya. He was unforgiving. Not that I deserve his forgiveness nor his kisses. Humigpit ang kapit ko sa balikat niya. Napapadaing ako dahil sa sensasyon. I lost my mind in that wild heated kiss.

"Engineer..." Awang ang labi ko nang pakawalan niya ang labi ko.

"You keep on entertaining boys while continuously neglecting me, and you think I'd let it pass?" akusa niya sa delikadong tono.

"Hindi..."

"Sabihin mong wala ka ng nararamdaman sa akin. C'mon, tell me you don't love me," matapang niyang hamon.

"You can lie. I dare you." Umigting ang panga niya.

I tremble. Sa takot. Sa kaba. Sa pait. Sa sakit. Sa excitement? Naghalo na ang lahat ng damdamin ko. Pati na ang mga pilit kong nilulubog sa ilalim.

"Ilang beses na tayong nag-usap tungkol dito—"

"Sabihin mo," he mocks, viciously.

Pagod na ako. Pagod na akong pagkaitan ang sarili ko. Pagod na akong pangunahan ang puso ko. Pagod na akong itago ang nararamdaman ko... Pero natatakot ako. Pinapangunahan ako ng takot at pangamba.

Get Through the Night (ACATN Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon