Chapter 38

2.9K 155 41
                                    

Chapter 38
"Gusot"

I heard a knock on my door. Ilang segundo rin bago ako tumayo at binuksan ang pinto. Tama nga ako kung sino ang nasa likod ng pinto. Hawak ni Ham ang tinupi kong dress kagabi. Nakapatong ang accessory na napigtas.

Kinuha ko ang damit.

"Won't you let me?"

I grimaced. He just laughed and let himself in.

"We'll just talk. I know you are sore."

Siya na ang nagsara ng pinto. I-ni-lock pa!

"Let me check your lips," malumanay niyang sabi habang mas lumalapit sa akin.

Para sa akin na manipis ang mga labi, napakadaling punahin ang pamamaga nito.

He held the tip of my chin. Inangat niya konti habang tinitingnan. "I bit and sucked way too hard," aniya. Wala man lang kahit katiting na pagsisisi.

Parusa nga ang ginawa niya 'coz I have to endure the scrutinizing stare of his family.

"You ate them!"

He laughed and bit his bottom lip pero binitawan din.

"I was mad and I missed big time so..." Excuse niya na akala mo katanggap tanggap.

"You can now relax. They all left. Sila Lola sa susunod na linggo na babalik. Sila Mama sa susunod na araw pa."

"Huh? Hindi ba dapat na akong bumalik sa mansyon niyo?"

Marahan siyang umiling.

"Go have some sleep," he said indulgently.

Apat na oras lang ang tulog ko. Kulang na kulang. Kung tama ang tanya ko, mga alas kuwatro na nang makatulog ako kanina. Bagsak na bagsak na ako noon. He was insatiable! Noon ay hindi naman kami umaabot ng madaling araw. Pero nag-usap din naman kami kagabi.

"I will tuck you to bed." Nauna pa siya sa kama at tinapik ang mattress. Gaya ng ginagawa niya noon.

Binaba ko ang damit sa maliit na mesa bago lumapit sa kama.

"Paano ko ngayon ipapaliwanag kay Tita Dennis ang nangyari sa damit?"

"Don't worry about it."

"At ano'ng sasabihin mo kay Tita?" may duda kong tanong.

"Ako ang nakasira," he said nonchalantly.

Naihampas ko tuloy ang unan sa kanya. He chuckled and took the pillow from me.

"I accidentally pulled it and it lacks quality that's why it broke easily," dagdag niya pa.

Hindi ako makapaniwala! Ibununton niya pa sa walang kalaban laban na bagay ang sisi.

Pagod talaga ako kaya agad akong nakatulog. Nagising ako nang malapit nang magdilim sa labas. Kinusot ko ang mga mata. Bumaba ang tingin ko aking tiyan, nakadantay doon ang braso ni Ham. I lift his heavy arm to face him.

Ang guwapo guwapo pero napaka seloso. His eyes flutter open. Hindi naman siya tulog. Dinama ko ang katahimikan habang tinititigan ang bawat bahagi ng mukha niya.

Get Through the Night (ACATN Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon