Chapter 36

2.2K 163 47
                                    

Chapter 36
"Excuse me"


In the middle of strolling down in one of the longest hallways of the Montalba mansion, I stopped and looked up at the huge family portrait. My lips broke in an amused smile when I stared closely at the familiar painting, particularly the eldest of the Montalba siblings.

Napailing na lang ako nang maalalang nilait ko si Ham dati, rito sa mismong kinatatayuan ko. Sino namang maniniwala sa sinabi ko-Si Hamlet Montalba pangit?

That face? That perfectly sculpted features? It's just too funny.

Mag-iisang buwan na rin pala ako rito. Days went by so fast. Marami rin kasi akong ginagawa kaya minsan hindi ko na napagtutuonan ng pansin ang mga araw. There's always something to do here. Some days when Tita's not busy, tinuturuan niya akong magluto o mag-bake gaya dati. There are times na sinasama niya ako sa atelier ng Paraluman. Doon ay napapanuod ko kung paano ginagawa ang mga produkto nila. Minsan, nakikipaglaro ako kay Pepper. May mga araw din na pinagtutuonan ko naman ng atensyon ang café at ang foundation kahit nasa malayo ako.

Alam na nila Eunnie na narito ako sa Manila. Hindi pa lang kami nagkikita dahil maliban sa abala sila, nahihiya rin akong sila ang dadalaw sa akin. Although, sinabi naman ni Tita that I can invite them here. Si Millard, dadalaw daw siya rito one these days.

Ang tungkol naman sa kaso ay wala akong gaanong balita. Ang huling nalaman ko ay namatay daw iyong nagtangkang kumidnap sa akin. Nagbalak daw tumakas nang ililipat na ng kulungan, kaya nabaril at may natamaang major organ. Hindi na siya naka-survive pagkatapos ma-ospital ng isang linggo.

Hearing the news somewhat make me feel uncomfortable. Iyon din siguro ang dahilan kaya ipinaubaya ko na sa kanila ang tungkol doon. There is still fear inside of me. Nagtitiwala na lang ako na matatapos din ito. As of the moment, I think the case progressed a lot. Pero kung ang tungkol naman sa tuluyang pagkakadakip at pagkabuwag ng mga NPA ay malabong mangyari. It's just too complicated.

Pinagmasdan ko pang mabuti ang detalye sa mukha ni Ham. Hindi pala talaga siya kamukhang kamukha ni Engr. Rurik. That's because minana niya ang ibang parte kay Tita Dennis. Si Chiz ang mas batang version ni Engr.

Hmm... Kahit sa painting nakakakaba pa rin ang titig ni Ham. Parang may buhay ito.

I bit my lip. Nagalit ako kay Ham kaya nasabi ko iyon. Nagmukha lang akong katawatawa. How can he believe it? Ako pa talaga ang nanglait sa kanya?

Aliw na aliw pa ako sa iniisip nang lapitan ako ng isa sa mga katulong. Sinupil ko ang ngiti at pumormal.

"Bakit po?" tanong ko at binaling sa kanya ang tingin.

"Ma'am, tumawag po si Sir Ham. Hindi niyo raw po sinasagot ang tawag niya."

"Nasa kuwarto po ang cellphone ko. Bakit po siya tumawag?"

"Wala na pong sinabi, Ma'am. Tawagan niyo na lang po si Sir."

Pigil ko ang mapairap. Well, Ham's in Hong Kong. Kasama niya si Engineer Rurik para isang mahalagang business meetings. Dalawang araw sila roon tapos diretso na ng Spain. Isang linggo silang mawawala.

"Sige po. Salamat."

Tumango siya at bahagyang yumuko.

I turned once again to the painting. Umismid ako. Suplado. Pero ayaw nang hindi pinapansin.

I reached my room. My phone on the bed was ringing violently dahil sa pagpasok ng video call request ni Ham. Pinulot ko ang cellphone at sinagot siya. I turned off the camera.

"What are you doing? You're not answering my call," aniya, may inis pa sa tono.

"Bakit kailangan mo'ng malaman? Nang-abala ka pa ng katulong."

Get Through the Night (ACATN Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon