Chapter 8

3.3K 198 53
                                    

Chapter 8
"Pet"

We were the first to leave the restaurant. Naroon pa sila Ham at Paige. Pauwi na kami ng Valencia. Sinikap kong huwag makatulog para naman damayan si Millard. Tulog na kasi silang tatlo sa likod. I glanced at my hand, may bandaid na iyong sugat ko kanina.

I sighed as I thought more of what happened earlier. Gusto kong alamin ang tunay kong naramdaman noong makita ko si Ham at Paige. They could be dating o sila na ba? Kung no'ng amin, hindi naman nanligaw si Ham baka gano'n din. Pero paano kung iba ngayon? Iba kay Paige?

I pushed back my unnecessary thoughts. Hindi na dapat ako nag-iisip no'n. Ayaw kong piliting magmukhang wala na sa akin iyon. But I genuinely want to feel happy for Ham. I am okay with it, not that I have a say on Ham's current relationship, but because that's what supposed to be.

Diretso na kami sa bahay. Diresto rin sa kuwarto para mas komportableng makapagpahinga. Napagod din talaga ng husto. Hindi ko rin hinayaan ang sariling lubusang magpahinga dahil katawagan ko si Lita. Sa Sabado na ang opening kaya sana pulido na ang lahat ng detalye.

Ilang oras pagkatapos, sinamahan ko na si Millard na sunduin sila Ducky sa New Terminal. Iyong Fortuner na rin ang ginamit namin. Sinabi kong ako na ang magmamaneho dahil noong Lunes pa siya nagmamaneho ng matagal pero tumanggi naman siya. Kaya niya pa raw. Well, iba naman siya. Ako, hindi ko kakayanin iyong sunod sunod at long drive pa.

Binuksan ko ang pinto at bumaba. Malaki ang ngiti ko habang sinasalubong sila.

"Naka-mohawk, ah," sabi ko sabay hawak sa ulo ni Ducky.

Umiwas siya kaya tumawa lang ako. Isa isa ko silang niyakap. Binaba lang ni Millard ang window at hindi na bumaba. Binuksan ko ang backseat bago bumalik sa front seat. Pumasok na sila. Hindi na kami nagtagal pa at hinatid na sila sa Pet Perry Suite kung saan sila nag-book.

"Ba't ka nagpapaguwapo masyado, Ducky?" biro ko.

"Tsss."

"Pupormahan mo ba si Angel, ha?"

Sumabay na sila at pabalik balik na tinukso si Ducky. Iritado naman siya. We just laugh at it.

Umalis lang kami ni Millard nang nakapag-settle na sila. Magkikita kita na lang kami sa Robinsons para magkasamang mag-dinner.

So when we returned, sinabi ko na kina Angel na maghanda na dahil sa labas kami magdi-diner. Naligo pa sila at marami pa ring kuwento kaya alas sais na nang makaalis kami ng bahay. Na ayos lang naman. Nandoon na sila Ducky sa Bigby's.

"Angel, si Ducky, oh," tukso sa kanya ni Eunnie. Nakita na namin sila.

"Eww!" Umirap pa si Angel.

Malaki talaga ang disgusto niya kay Ducky kahit hanggang ngayon. Tumawa kami sa naging reaksyon niya. Ang mga walang magawa namang sila Jickel ay sinadya pa talagang ipagtabi ang dalawa. Hindi naman siguro sila magsasakalan kaya ayos lang din.

"Bagay talaga kayo. Si Angel, Matay tapos ikaw naman Ducky, Makabuhay. If it isn't perfect," sabi ni Eunnie na nagpipigil ng ngisi.

"Eunnie, please. Tantanan niyo ako. Puwede ba?"

"Ayaw mo kay Ducky? Engineer na 'to. May condo at kotse 'to. Makakabuhay na 'to ng pamilya." Kantayaw din itong si Kyion.

Sumasakit na ang pisngi ko sa kakatawa sa kanila. Ayaw talaga nilang tigilan ang dalawa. Titigil lang siguro kapag nagkapikunan na.

Get Through the Night (ACATN Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon