Chapter 25

1.8K 86 9
                                    

Chapter 25
"Sorry"

Ham in white coat with a stethoscope hanging on his neck.

No.

He is better with a hard hat on his head, with a site plan on his hands.

Kaya hindi puwede.

"You're becoming boring, Ham," I said painfully. Halos pabulong na iyon. "I used to adore you for being self-assured and confident in everything. Kaya kahit ayaw na ayaw ka sa'kin, gustong-gusto pa rin kita..."

I know I promised just weeks ago, nang mawala ang paningin ko, na hindi ko na siya ipagtutulakan. Na hindi ko papairalin ang emosyon ko. Na dapat mas mag-mature pa ako sa pag-handle ng sitwasyon. Pero ang hirap. Nakakapagod magtapang-tapangan.

His grip loosened, pagkakataon iyon para maharap ko siya.

"You're boring, Ham. Sa akin na lang ba nakaikot ang mundo mo? Hindi kasi ganoon ang tingin ko sa'yo, no'n."

Dama ko ang pagkakatigil niya. Kitang kita naman iyong sa mukha niya. A sharp stabbing pain in the chest hit me seeing him stunned.

"Ikaw na lang palagi ang nasusunod. Lagi na lang ang gusto mo ang sinusunod ko. H-How about me? Hindi ba puwedeng ang gusto ko naman? W-wala bang kuwenta para sa'yo ang nararamdaman ko?"

My heart aches like it's been slowly torn. Pigil ko ang hininga. Saglit na nagtama ang aming mga mata. Umiling ako at humakbang. Nilagpasan ko siya. Nakalabas ako ng kanyang silid nang hindi siya nakakasunod. Kaya nauna na ako sasakyan.

Sinapo ko ang bibig ko nang makapasok at maisara ang pinto. Hindi ako makahinga sa sobrang paninikip ng dibdib ko. Paulit ulit kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili. Hindi nagtagal ay nakita ko nang lumabas si Ham sa pintuan ng mansyon.

I sat down properly, habang tinutulak palikod ang mga iniisip. Hindi ko siya tiningnan kahit pa tumunog ang pinto sa pagbubukas niya sa driver's seat. I looked away nang umusog siya para ikabit ang seatbelt ko.

Mabigat ang titig niya, nakakatuksong humarap pero pinigilan ko ng husto ang sarili. He finally started the engine. I waited impatiently to reach our home. Sa daan lang ako nakatingin kahit na ilang beses siyang sumulyap sa akin. Ramdam ko ang sadya niyang mabagal na pagpapatakbo, but I stayed quiet in my seat.

Gaya ng hindi ko inaasahang mapagbibigyan ang nararamdaman ko para sa kanya, hindi ko rin inaasahang aabot sa puntong ito. Sa puntong, hihilingin kong sana pala hindi na lang nangyari. Sana hindi na lang niya tinumbasan ang pagmamahal ko sa kanya.

I thought it was the hardest and the most painful thing. Iyong hindi ka masuklian pabalik. I was wrong all along. Ang pinaka mahirap at pinaka masakit pala iyong ikaw ang tuloy tuloy na tumatanggap pero walang maibigay pabalik. Ikaw iyong nang-uubos.

"Salamat sa paghatid," I said as I exited the passenger's seat. Kakahinto pa lang niya ng sasakyan umibis na ako.

I was walking in big steps sa takot na sundan niya pa ako. I didn't dare look back or slow down. Kaya lang ay nakita ko si Mommy kaya huminto ako saglit para humalik sa kanyang pisngi.

"I'll just take a rest, My," paalam ko at nilagpasan na siya.

"Polka, where's Ham?" tanong niya kahit nakailang hakbang na ako.

"Nasa labas po. Uuwi na rin po siya," sagot ko na hindi man lang pinag-isipan.

The moment I shut my door, I clutch my chest. Naghuhurmentado ang puso ko. Bagsak ang balikat kong ibinaba ang aking bag sa sahig. I groaned in annoyance.

Get Through the Night (ACATN Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon