Chapter 24

2K 96 7
                                    

Chapter 24
"Medicine"

I'm tired.

Physically. Emotionally. Socially.

I am just so tired that it is getting harder and heavier to rise up everyday. Although, I got all the support I needed, napakahirap pa rin. Ang pag-iisip ko ay palaging nababalutan ng pagod.

Nakatayo ako sa may sink sa bathroom. I just finished bathing and on my bathrobe while combing my hair. Nakatitig ako sa sariling repleksyon sa harap ng salamin. Some changes in my face are too visible. Dahan dahan kong nilapag ang brush.

I gained back my vision after a week. It was such a relief na nagre-respond naman ang mga mata ko sa medication. Ang akala ko ay aabot pa ng buwan.

It was hard to be blind. Sa mga araw na wala akong makita, gusto ko na lang umiyak nang umiyak. It was frustrating. It was weakening. Nakakatakot. Sobrang nakakatakot. I felt so lost.

Inagat ko ang kamay ko. Gently touching my blushing cheek, I take a closer look at it. It's not pink because I just took a hot bath. Lumipat ang mga daliri ko sa kabila at hinaplos din ang pamumula roon.

It is a butterfly rush.

Not yet that thick. It's spreading bit by bit across my face. Ngayon pa lang lumabas ang ganitong symptoms ng Lupus ko. It's quite obvious because of my natural pale complexion.

"Polka! Dumating na ang padalang damit ni Ma'am Dennis!" Sobrang lakas ng boses ni Ate Gemma na narinig ko pa sa loob ng nakasarang banyo.

Bago lumabas, inalis ko muna ang naipong buhok sa brush. I throw a handful of fallen hair in the bin. These days lumalala ang hairfall ko.

Pagkalabas ko, nilalapag na ni Ate Gemma ang malaking kahon sa sofa. Nilingon niya ako. Palapit pa lang ako sa closet para kumuha ng damit.

"Tingnan mo dali! Tiyak na ang mahal mahal nito. Kahon pa lang mukhang mamahalin na."

Kukuha na sana ako nang damit ko nang nilapitan niya ako para hilahin. Nagpatianod ako. I undo the champagne ribbon and set aside the top cover. I unfolded the paper, it revealed a baby blue dress. The fabric looks and feels smooth. Marahan kong inangat ang damit para mailabas sa kahon nito.

It has a sweetheart neckline. Puffed ang chiffon nitong long sleeves. Sa bandang shoulder, sa magkabilang side, ay may nakadikit na mga bulaklak na kasing laki ng coins at konting malalambot na feather na detalye. A-line ang cut ng dress. Abot ito hanggang ibaba ng tuhod ko.

"Bagay na bagay sa'yo!" pumapalakpak na sabi ni Ate Gemma.

"Sinong naghatid nito?" sa halip ay tanong ko.

"Dinala ni Ham."

"Where is he?"

"Kausap ng Daddy mo sa likod."

I just nodded and carefully placed the dress back in the box. Hindi ko na tinupi sa tamang ayos nito. I turned around to dress up.

"Hindi mo ba isusukat?"

"Maybe later," sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya.

Get Through the Night (ACATN Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon