Chapter 10

3K 168 39
                                    

Chapter 10
"Mahal"

"Kanina ko pa napapansin," bubulong bulong sa akin si Angel. Magkatabi ang camping chair naming dalawa.

At last, nagkapagpahinga na rin pagkatapos ng mahaba at nakakapagod na araw. Ipagpapabukas na nga namin ang hindi na napuntahan. Nandito na kami sa Canayan. The tents are up. Gabi na. The bonfire is in full blast.

Tearing my gaze at the dancing flames and the embers from the bonfire, I turned to face Angel. Nagtatanong ang ekspresyon ko. Wala sa akin ang mga mata niya. Hinanap ko saan siya nakatingin. Naroon sa direksyon nila Ham.

"Titig nang titig sa'yo si Ham."

I can only see Ham's back. Magkausap silang dalawa ni Aris. Nakabukod sila kina Chiz na maingay.

"Lapit pa nang lapit."

"It doesn't mean anything, Angel."

"Asus! Kahit naman siguro ikaw pansin mo. Denial ka!"

I shake my head. "He could be dating Paige or may girlfriend na siya sa Manila or baka abroad. We don't know."

Umismid siya may kasama pang konting panunulak. She is obviously mocking me. Wala naman sa akin iyon.

"Hindi na ba talaga puwede? Baka naman may part two pa? Second chance ba!"

"It ends there, Angel. Walang second chance." Because I already wasted the first one. And I am not asking for a second chance either.

"We can never tell," kontra niya.

"Puna ka nang puna sa iba. Eh, si Ducky nga panay sulyap sa'yo." Sa paglingon ko, nahuli ko nga ang pagtingin sa banda namin ni Ducky.

Mabilis na nag-iba ang mood niya. Her face crumpled in disagreement.

"Imbento!"

"Bigyan mo kaya ng chance?" Ngumisi ako. "Mabait naman si Ducky. May dating din naman."

"Utang na loob, Polka. Not him. Like, ugh, no. Hindi."

Natawa naman ako sa matindi niyang pagtanggi. Hanggang ngayon matindi pa rin ang pag-ayaw niya kay Ducky. Well, at least she stopped talking about Ham.

Maraming pagkain at inumin. I didn't drink any alcohol, though. Sa kabila ng kasiyahan, I thought of the café's opening. Sa Sabado na nga iyon. Kanina, tinawagan ko si Lita. Handa na nga raw ang lahat para sa Sabado. I feel really excited about it, but also nervous. I just want things to go smoothly.

Nang magpasya nang magsitulog. Nagkasya naman kaming apat nila Angel, Eunnie at KP sa tent ko. Napagod man sa buong araw, it still took me a while to sleep. Naghalo na ang mga iniisip ko, ang opening ng cafe, ang pag-alis ng mga kaibigan ko, ang mga plano pagkapasok nito—at si Ham.

The next day, kulang paman sa tulog dahil late na ngang magsitulog, maaga pa ring gumising. Naligo kami sa sapa. Sekretong spot raw iyon at mga taga roon lang ang nakakaalam. Sila Von na ilang beses nang nakapunta ang nagdala sa amin.

"Ang itim itim ko na," usal ni Eunnie habang palipat lipat ang tingin sa dalawang braso tapos bumaba sa mga binti niya. "Anyway, the memories are worth the tan, though."

Get Through the Night (ACATN Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon