Chapter 380

135K 4.5K 3K
                                    


A/N: See yah sa MIBF. hehe

The murder

Jay-Jay's POV

"Kalmado ako," pagpipilit ko sa pesteng Hari ng mga Ulupong.

"No. You're not."

Malapit ng mapitik ang pasensya ko sa lalaking 'to. Kalmado ako pero pinipilit niya na hindi maganda ang kalagayan ko para lang hindi na niya ituloy sabihin sa 'kin ang nalaman niya.

Mamaya lang hindi na ko kalmado.

"Kalmado ako," sabi ko at pasimpleng huminga ng malalim.

"You flinch," sagot naman niya.

Ay putangina nito eh.

Halos manlaki ang butas ng ilong ko sa paghinga ko ng malalim para lang pakalmahin ang sarili ko. Inuubos ng lalaking 'to ang pasensya ko.

"Ay malamang, sinong hindi magf-flinch-flinch sa sinabi mo tungkol sa Nanay ko?" 

Pinilit ko namang hindi mapasigaw o mahalata sa boses ko na pikon na ko. 

"Bakit nanlalaki butas ng ilong mo?" 

Putangina naman!

Naitaas ko ang dalawang kamay ko para sana sabunutan ang sarili ko dahil sa yamot ko dito sa pesteng kumag na 'to. Pero dahil alam kong pinapanood niya ko mabilis akong nag-isip ng ibang gagawin sa mga kamay ko.

Nauwi 'yon sa pagpalakpak at agad kong sinundan ng pagkanta.

"Ang mga ibon, na lumulipad. Minamahal ng Diyos, hindi kumukupas..."

Taka niya kong pinanood. "You're definitely not okay."

Napakurap-kurap ako. Suko na ko. Kung ayaw niyang maniwala na kalmado ako, pwes kailangan ko siyang pilitin na magsalita. Sapilitan.

Naningkit ang mga mata ko sa kanya. "Alam mo, uuwi na lang ako kung hindi mo rin naman sasabihin sa 'kin lahat ng nalaman mo."

"Jay . . ."

"Tapos sasabihin ko kay Kuya na binanatan mo siya sa batok kaya siya nawalan ng malay." Mabilis kong kinapa ang bukasan ng pinto para makalabas pero mas naging mabilis ang kamay ni Keifer para pagilan akong abutin 'yon.

Dalawang kamay ko agad ang hinawakan niya.

Takot ka no? 

"Oh bakit? Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Wag ka munang umalis, we're not yet done talking."

"Not yet done? Eh ayaw mo nga sabihin sa 'kin ang totoo." Inis na sabi ko. "Takot ka lang sa pinsan ko eh."

"No, I'm not. Hindi siya ang inaalala ko sa mga oras na 'to." Mayabang na sagot niya.

Talaga ba?

Napa-ismid ako bago piliting agawin ang mga kamay ko. Tinignan ko siya ng masama.

"Seryosong usapan kasi, okay lang talaga ako. Handa na ang loob ko sa kung anong pwede kong malaman."

Hinawakan niya ang isang kamay ko. "I don't think you are—."

"Keifer naman!" Halos magmakaawa ako.

Pilit kong binawi ang kamay ko pero hinigpitan niya ang gawak. Naiinis akong nagpapaligoy-ligoy lang kami. Gusto ko ng malaman ang totoo. Oo, pumasok na rin sa isip ko na baka hindi ko kayanin o maging dahilan ng panibagong problema pero mas mahirap kung puro lang ako isip ng mga posibilidad pero wala naman akong makuhang sagot.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon