KABANATA XXIII

1 0 0
                                    

KABANATA XXIII

MAKALIPAS ang humigit-kumulang dalawang oras na paghihintay nina Ellana at Alex sa labas ng condo unit ay walang dumating ni anino man lang nina Dusthin at Alhea. Hanggang sa na-lowbat na rin ang battery ng kanilang cellphone sa pagtawag dito ay hindi man lang ito nakontak dahilan para lalong magalit sila kapwa.

"Talagang gina-gago na tayo ni Dusthin ah." Napapailing na wika ni Alex at tumayo buhat sa nagsilbi nitong upuan sa harap ng gate ng condominium ni Dusthin. Wala namang imik na muling ipinukol ni Ellana ang paningin sa nasabing residential area subalit nang lapitan nila ang security guard para alamin kung nakarating na si Dusthin dahil baka nalingat lang sila ay hindi pa rin umano ito nakakauwi.

"Let's go to Police Station." Blangko ang ekspreson ng mukhang wika niya kay Alex.

Sumunod naman si Alex na hindi na nagtanong ng kung ano sa takot na baka mapagbuntunan na naman ito ng galit niya. Ilang minuto pa nga ng marating nila ang pakay. Kaagad naman silang inistima ng mga Police on duty na pawang mga bata pa at halatang taos sa puso ang ginagawang pagseserbisyo sa tao.

"Ano po ang nangyari Mam?" Bungad-tanong ng police officer na babaeng halos kasing tangkad din lang niya. Medyo may kapayatan ito pero mahahalata namang malusog ang pangangatawan.

Bago siya tuluyang magsalita ay inalok muna sila nitong maupo.

"Alex," tawag niya rito at saka sumulyap sa isa ang bakanteng upuan paharap sa kanya. Nakuha naman nito ang ibig niyang iparating kaya agad itong umupo saka siya muling nagsalita. "Can you please tell to them what happened? Total ikaw naman itong nandoon no'ng mangyari iyon."

Bumuntong-hininga muna ito para bumuwelo. Ilang pitik lang ng orasan ang lumipas at ibinigay na nga nito ang detalye. Si Ellana na ang nagpatuloy ng kwento noong naroon na sila sa Triple J at sa mismong condo unit ng binata.

Patangu-tango naman ang kausap nilang pulis habang ikinukuwento nila ang buong pangyayari lalo na iyong ebidensyang nakita sa CCTV footage ng camera. Ilang sandali pa nang:

"Please bear with us mam and sir as we need to follow the protocols. Hindi po natin made-declare na lost na ang anak ninyo unless it exceeds twenty-four hours." Paliwanag ng kausap nang matapos mai-record ang lahat nilang reklamo.

"What?" Halos sabay pa nilang tanong ni Alex. "It is between life and death. We don't even know kung ano nang nangyayari sa anak ko!" Napatayo pang wika ni Ellana na mabilis namang hinawakan ni Alex ang kanyang kanang kamay para ipaalala sa kanyang huminahon.

"We do understand your part mam. Isa rin po akong ina and I know the feeling." Halos payuko na nitong tugon. "Pero huwag po kayong mag-alala, I will find other temporary remedy habang naghihintay po tayo ng tamang oras."

"Thank you." Nanulas sa kanyang mga labi at muli siyang naupo.

"Please wait for a while po." Magalang pa nitong paalam at umalis sa harap nila. Pumaroon ito sa mesang kinalalagyan ng telepono at may idinayal doon. Ilang Segundo pa at may kausap na ito sa kabilang linya.

Habang hinihintay nilang bumalik ang kausap na police officer ay kapwa sila hindi mapakali hanggang maya-maya pa ay patakbo pa itong lumapit sa kanila na may mga nakaguhit na ngiti sa labi. Dahil sa excitement ay napatayo Ellana na may nagniningning na mga mata at ngiti para salubungin ang good news na iyon ng police officer.

"Ano pong balita?" Salubong niyang tanong dito.

"Mam, ayon po sa mga kasamahan naming tumingin sa address ng bahay ninyo na ibinigay kanina ay may kotse umanong nakahimpil." Wika nito at ipinakita pa ang larawan sa fb messenger na ipinasa ng sinabing kasamahan.

Mataman nila iyong pinagmasdan at walang duda. Sasakyan nga ni Dusthin ang naka-park sa harap ng kanilang tahanan na tila ba naghihintay sa kanilang pag-uwi.

Pagkatapos magpaalam sa police officer na nag-asikaso sa kanila ay agad silang naghanap ng taxi na masasakyan.

"Please make it faster manong." Pakiusap niya sa driver ng taxi na kanina pa humahataw buhat ng sumampa sila sa sasakyan nito.

(Dahil nabagot na mag-antay si Dusthin a lalabas ito ng kotse at sasandal sa may bahagi ng pintuan sa likod. Iyon ang pwestong maabutan nila Ellana.

Komprontahan. Away.

Ilan sa linya:

Dusthin: Hiniram ko lang naman ang anak natin ah.

Ellana: Una, hindi natin anak si Alhea. Pangalawa, hirama ba 'yon ha? Kailan pa naging hiram ang hindi mo naman ipinaalam sa may-ari?!

Hindi ka pa nga pinatatawad sa nauna mong kasalanan, ngayon dinagdagan mo pa???

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 31, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Time FliesWhere stories live. Discover now