KABANATA XIII

13 1 0
                                    

KABANATA XIII

HINDI na inabala pa ni Ellana ang sariling tingnan kung anong oras na. Ang mahalaga’y napauwi na niya si Dusthin. Wala na rin silang naging pag-uusap after ng mga nangyari. Nang masigurong nakaalis na ito ay naligo na lang siya at pumasok sa silid para matulog katabi ng anak. Ibig niyang sisihin ang sarili sa ginawang pagpapaubaya sa lalaking kinasusuklaman niya. Pero epokrita naman siguro siya kung itatangging hindi niya gusto ang naganap kanina. Bahagya siyang napangiti sa kabila ng pag-aalalang mukhang nagbigay lang siya ng pag-asa rito. Pakiramdam niya’y naroon pa rin sa kanyang katawan ang mainit na kamay at labi ni Dusthin. Dahil hindi makatulog ay muling nanariwa sa kanya ang mga nakaraan.
“Salamat po sa pagtanggap sa akin na magtrabaho sa cottage ninyo, Ma’am Esmeralda.” Hindi malaman ni Ellana kung saan ilalagay ang tuwa nang pumayag ang pamilya ni Esmeralda na mag-part-time job siya sa cottage ng mga ito kahit pa busy din siya sa pag-aaral. Dahil nasa loob lang naman ng bayan ang college na pinapasukan at ang naturang cottage ay hindi siya mahihirapang mag-adjust sa time bilang working student. Kailangan talaga niyang tulungan ang sarili sapagkat hirap din ang kanyang nanay at tatay na itaguyod ang kanyang pag-aaral. Swerte na sigurong maituturing na nasa lugar siya kung saan dagsa ang turista na nagbibigay ng iba’t ibang opportunity sa lugar na magtayo ng sari-saring hanapbuhay. “Huwag po kayong mag-alala, pagbubutihin ko ang trabaho ko.” Dugtong pa niya at iginiya na siya ni Esmeralda sa silid na lilinisin dahil darating umano ang special guest from Manila.
Habang naglilinis ay panay ang imagine niya kung ano ang itsura ng lalaking tutuloy sa silid na iyon. Ayon pa sa may-ari ay one to two months stay daw umano ito dahil sa research na isinusulat. Na-excite siya dahil doon lalo na sa isiping baka nag-aaral din iyon at tiyak na makakahingi siya ng tips dito para sa isang mag-aaral. Pinabanguhan pa niya ng husto ang silid at tiniyak na walang alikabok ang bawat sulok. Hindi rin niya kinaligtaang lagyan ng sariwang bulaklak ang nasabing silid para mas maging mabango ito.
Ilang oras pa ang lumipas at dumating na ang nasabing bisita. Wala siyang kakurap-kurap na pinagmasdan ito. Kung hindi siya nagkakamali ay halos pareho silang nasa edad bente. Hindi niya alam pero palagay niya ay ang gaan ng pakiramdam niya rito.
“Ellana, please guide our guest to his room.” Utos ni Esmeralda. Mabilis naman siyang tumalima at nagpatiuna na sa bisita.
“Welcome to Esmeralda cottage sir and enjoy your stay.” Wika niya nang nabuksan na ang pinto at ikinumpas pa niya ang kanang kamay.
“Thanks, miss?”
“Ellana, sir. Ellana dela Peňa.”
“I’m Dusthin Nieras. Please tell the manager that I need to hire a motorcycle for a ride.” Walang ngiti nitong tugon at kinuha sa kamay niya ang maleta nito sabay pasok at sara ng pinto.
“Ay, sungit.” Bulong niya sa sarili at bumalik na sa reception area para sabihin ang bilin nito.

“KUMUSTA imong unang adlao sa trabajo? (Kumusta ang unang araw mo sa trabaho?)” Tanong ng nanay ni Ellana nang umuwi siya pasado alas dos ng hapon.
“Maayos naman po ‘nay. May guest kaagad akong inasikaso.” Tugon niya sabay mano sa ina. Doon sila naninirahan sa isang maliit na bahay na minana pa sa kapatid ng kanyang tatay na doon na nanirahan sa Davao City. Nag-iisa siyang anak ng mag-asawang Ella at Dado na nasa edad singkwenta na pataas. Pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng mag-asawa at ang tanging pangarap sa kanya ay makapagtapos ng pag-aaral. Bisaya ang tatay Dado niya habang Cuyunon naman ang nanay niya. Pero lumaki siyang Tagalog ang kinalakhang salita. Kaya kahit local language ang gamit ng nanay ay Tagalog pa rin ang tugon niya rito.
“Mayad da cung cundato (mabuti  naman kung gan’on).” Habang nananahi ay pasimple siyang sinulyapan.
“Kaya lang po ‘nay, ang suplado. Hindi ngumingiti. Buti na lang cute s’ya.”
“Saben pilay sa byaje. Cute ka dyan. Pagpameyeng. Imong pag-aradalen imong unaen.” (Baka pagod sa byahe. Cute ka dyan. Tumigil ka. Pag-aaral moa ng unahin mo.)
“Sobra ka naman, ‘nay! Para cute lang boyfriend agad nasa isip ninyo.” Natatawa niyang tugon nang maulinigan ang tawag buhat sa labas. Dali-dali siyang dumungaw sa bintana. “Oh, Nena, bakit?” tanong niya sa may-ari ng tinig.
“Pinababalik ka sa cottage. Baka raw pwede ka mag-overtime sabi ni Mam Esmeralda. Wala na kasing available na staff.”
Hindi na siya nagtanong pa uli at nilingon ang nanay para magpaalam. Hindi na rin ito tumanggi pa dahil sayang din ang makukuhang over-time pay ng anak.
Isinama siya ni Dusthin na mag-road trip sa buong bayan at sa malapit na beach front para manood ng sun set. Siya ang nagsilbi nitong tour guide nang oras na iyon.
“So, nag-aaral ka pala while working?” Tanong nito habang nakaupo sila sa buhanginan at umiinom ng mango shake.
“Opo, sir. Nasa third year college na po.” Pormal na sagot at pasimpleng sumulyap dito. Lihim siyang kinilig lalo na nang makita ang malalim nitong dimple sa kanang pisngi.
“Don’t call me sir. That’s too formal. And please walang po at opo. Pinatatanda mo ‘ko.” Nakangiti nitong wika at tumingin sa kanya.
Tumango siya. Parang ang dami niyang ibig itanong sa binata pero nahihiya siya baka kung ano ang isipin nito kaya mas pinili niyang tumahimik na lang.
“Ang swerte ninyo dito noh? You have lot of resources. Sana ma-maintain ng mga tao ang ganda at linis ng lugar.” Basag nito sa namayaning katahimikan sa kanilang pagitan.
“Kaya nga po eh. Ah, kaya nga eh” Pagtatama niya sa sinabi. Hindi nga maikakailang maganda ang bayang iyon. Dinarayo ng halos lahat ng uri ng tao saan mang panig ng mundo.
“Samahan mo na rin pala akong kumain mamaya.” Baling nito sa kanya.
“Naku! Hindi pwede. Baka magalit si nanay kapag late ako umuwi.”
“But it’s part of your job right? Remember what Miss Esmeralda said?” Pagpapaalala nito baka kasi nakalimutan niyang samahan daw ito hanggang alas diyes ng gabi para mamasyal. Ito na raw ang bahala sa additional payment kung kinakailangan.
“Okay. Sayang din naman ang extra income.”
Napangisi ito. “See? You really need money right? Ikaw din, ibang tour guide na lang kukunin ko next time. Ayaw mo yata akong kasama eh.”
“Naku hindi ho. Gustong-gusto ko kayong samahan basta wala lang po akong class.” Bawi niya sa naging tugon kanina.
“Okay. Total two months naman ang stay ko dito, I’m sure marami tayong lugar na mapupuntahan at marami tayong experience na mapagsasaluhan.”
Ngumiti siya bilang tugon pero waring kinabahan sa huli nitong tinuran. Experience na mapagsasaluhan? Ulit pa niya sa isip pero iwinaksi iyon. Baka sadyang advance lang siyang mag-isip minsan.
“Can I get your schedule?” Pagkuwa’y baling nitong muli sa kanya.
“P-po?” Halatang nabigla niyang tanong.
“You class schedule and your duty sa cottage para alam ko kung kailan ka pwede at hindi pwede. During your vacant times na lang ako mamamasyal.”
Natigilan siya. Nagtaka kung bakit ganoon ang pakikitungo nito sa kanya. Pero dahil sa matalim nitong tingin na tila nanunuot sa kanyang kalamnan ay wala sa sariling tumango siya na nagdulot ng ngiti rito.
“Kung sabagay, busy nga pala kayo sa research n’yo noh?”
“Research?” Naulit nito na dinugtungan pa ng pagkunot ng noo.
“Yeah. Research. Sabi po kasi ni Mam Esmeralda, baka magsusulat kayo ng research kaya long-stay ang pinareserve ninyo.”
Mapakla itong tumawa na ipinagtaka niya. “I’m not writing any research. I just wanna chill. Relax. Find myself.” Sumeryoso ito.
Hindi siya sigurado kung sa napakaiksing oras na magkakilala sila ay dapat na bang itanong dito ang tila mabigat nitong dinadala. Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ito. “Naglayas ako sa bahay because my parents want me to marry our business partner’s daughter. I hate arranged marriage. Later, they wanted me to manage our business. Ayoko rin. So, without their knowledge, I leave our house. Naiwan do’n ang kapatid kong babae and s’yempre my mom and dad.”
Walang kurap ang mga matang nakatingin siya rito habang nagkukwento. Pakiramdam niya ay ang gwapo talaga nito sa paningin niya at hindi niya ma-explain bakit ito nagsi-share sa kanya.
“Wait,” tingin nito sa kanya sabay iwas naman niya ng tingin dito baka mapansin na pinagsasawaan niyang pagmasdan ang mukha nito, “keep this as secret. No one should know what really my purpose of my stay is.”
Mabilis siyang tumango. “Salamat po sa tiwala. Pero bakit ninyo napiling ako ang pagsabihan eh hindi n’yo pa naman ako kilala.”
“Because my heart knows you. Maganda ka eh.” Simple nitong tugon na nagpakilig sa kanya.
“’Pag maganda, pagtitiwalaan mo kaagad?”
“Hindi naman sa gano’n. There is something unusual feeling na naramdaman ko para sa ‘yo. But do not expect too much.”
Ikinatahimik niya ang huli nitong sinabi.
“Let’s go and have a dinner. Ikaw na bahala kung saan mo ‘ko dadalhin.” Pagkuwa’y wika nito at tumayo na.
“Ahmp, sir, ah I mean Dusthin, ang totoo kasi hindi ako sanay kumain sa labas kaya wala akong masyadong ma-suggest.” Nahihiya pa niyang wika. “Siguro sa cottage na lang ulit?”
Napatingin ito sa kawalan. Matamang nag-isip. “Sa bahay n’yo na lang.”
Napanganga siya sa narinig. Parang naitanong sa sarili kung sigurado ba ito sa sinabi.
“Sa bahay ninyo?” Muli nitong tanong na nagpabalik sa kanya sa huwisyo.
“Naku! Hindi po pwede sir, ah Dusthin. Ano kasi baka magalit sila nanay.” Habang panay ang piping dasal na sana ay makumbinse itong huwang nang tumuloy sa naisip.

Time FliesWhere stories live. Discover now