KABANATA XXI

15 1 0
                                    

KABANATA XXI

“WHAT are you doing here?” Halos pabulong pa ang tinig na tanong ni Alex sa kausap. Luminga pa siya sa paligid sa pag-aalalang baka may makarinig sa kanilang usapan. Hindi naman kasi basta ang dami ng mga taong paroo’t parito dahil kasalukuyang uwian na ng mga bata at kanya-kanya na silang sundo sa mga anak. Hinihintay na lamang niyang lumabas si Alhea nang biglang dumating si Jana.
“Alex, miss na miss na kasi kita. Ilang text, chat at tawag na rin kasi ang hindi mo sinasagot.” Tugon nitong tila ba sobrang lungkot na hindi naikubli ng malamlam nitong mga mata.
“’Di ba sabi ko sa ’yo, magse-set lang tayo ng araw kung kailan tayo pwede magkita?” Tugon niyang panay pa rin ang paglinga sa paligid. Waring hindi niya maipaliwanag ang sarili kung bakit ganoon ang inaasal samantalang alam na rin naman ni Ellana ang tungkol sa kanilang dalawa.
“Sorry, basta ang mahalaga nakita kita ulit.” May matching peace sign pang tugon nito at sumulyap sa gate. “Hindi pa ba nagkakabalikan sina Ellana at Dusthin?” Tanong nito pagkuwan.
“Hindi pa,” sagot niyang hindi ito tiningnan at sa halip ay sa gate ng paaralan tumingin upang alamin kung nakalabas na si Alhea subalit wala pa rin ang bata kung kaya nagpatuloy siya, “ayaw pa ni Ellana. Takot siyang baka paasahin lang uli at iwanan ni Dusthin.”
Tumahimik si Jana at tumingin sa wrist watch. “Anong oras ba lalabas ang anak-anakan mo?”
Dahil sa tanong na iyon ay naalerto siya. Medyo bumilis ang tibok ng puso dahil sa hindi maipaliwanag na kaba. Luminga siyang muli sa paligid at sa gate ng paaralan subalit iilan na lang mga batang lumalabas buhat doon. Manipis na rin ang bilang ng mga taong naroon.
“Sandali.” Wala sa loob na wika niya at iniwan si Jana na hindi na nag-abalang sundan siya. Sa halip ay pinanood na lang siya palayo. “Kuya,” bungad niya sa guwardiya nang makalapit, “hindi pa ba lumalabas si Alhea?”
Napakunot-noo ang security guard at luminga sa loob. Nagtanong pa ito sa kasama subalit ang iling na tugon nito ay nagpakaba sa kanya. Hindi maikakailang kilala naman ng mga ito ang bawat bata sa loob subalit para makasiguro ay tumawag ito sa mga kasamang nasa loob ng compound ng paaralan.
“S-sorry po, pero wala na raw pong bata sa loob.” Tugon nito.
“What????!!!!” Halos lumuwa pa ang mga matang tanong niya na bahagyang ikinagulat ng kausap. Napansin ni Jana ang reaksyong iyon kung kaya mabilis itong pumunta sa kinaroroonan niya.
“Ano’ng nangyari?” Tanong nito nang makalapit.
“Wala si Alhea. Nakalabas na raw.” Tila ba binuhusan na ng suka ang mukha niya dahil sa putlang rumihestro dito. Hindi na niya alam ang gagawin. Nanginginig na ang kanyang kalamnan at muling humarap sa security guard upang makasiguro. “Kuya, baka pwedeng pa-double check. Hindi naman aalis ‘yong bata kung wala siyang sinamahan.”
Muling tumawag sa mga kasamang nasa loob ang nasabing security guard maging ang class adviser ni Alhea ay nakausap nila at kinompirmang nakaalis na nga raw ang bata. Dahil doon ay para nang binuhusan ng malamig na tubig si Alex sapagkat hindi na niya alam ang gagawin. Napalunok siya at nag-isip kung tatawagan ba si Ellana subalit wala na yata siyang choice kung hindi ang ipaalam ito sa kaibigan.
“Hindi kaya nasundo na siya ni Ellana?” Ideya ni Jana habang hindi pa siya nakakatawag sa tinukoy nito.
“Kung sinundo n’ya man si Alhea, tatawag sa akin ‘yon.” Halos maiyak na niyang wika hanggang matagpuan na lang ang sariling nagda-dial na ng cellphone para tawagan si Ellana.
“Hello, Alex?” Bungad ni Ellana sa kabilang linya.
“E-Ellana,” nag-aatubili niyang wika at napalunok. Pinipigilan pa ring suminghap para hindi mahalatang umiiyak.
“Yes, Alex. Pauwi na ba kayo? Magluluto pa lang ako ng hapunan.” Tugon pa niya at ilang segundong naghari ang katahimikan. “Alex? Bakit hindi ka na nagsalita d’yan?”
Napalunok siyang muli. Sumulyap kay Jana na tila naging tuod na rin habang pinagmamasdan siya. “M-may problema,” naisatinig niya.
“Ano’ng problema?” Hindi man niya nakikita ang kausap ay sigurado siyang nakakunot na ang noo nito.
“S-si Alhea, n-naw-wa-wala.” Sa wakas ay nasabi na rin niya kahit pa nagkandapilipit ang sariling dila.
“Ano???!!!!” Napaangat pa ang hawak niya sa cellphone sa malakas na reaksyon buhat kay Ellana sa kabilang linya matapos nitong marinig ang nangyari. “Paano nangyari? Bakit?” Sunud-sunod nitong tanong.
Hindi na nagawa pang magsalita ni Alex at napaiyak na ng tuluyan. Kaagad namang umalalay si Jana at eksaktong dumating din ang class adviser ni Alhea.
“If you can come here immediately, Miss dela Peňa. Let us see what our CCTV has captured.” Wika ng class adviser nang hiramin nito kay Alex ang cellphone.
Hindi man nakikita ni Alex ay sigurado siyang halos liliparin ni Ellana ang daan patungo sa paaralan at hindi rin siya sigurado kung ano’ng gagawin nito sa kanya oras na magkita sila.
Si Jana na rin ang kusang nagpasya na umalis na bago pa man dumating si Ellana dahil tiyak na madadamay ito sa galit ng huli.

“ELLANA,” muling naglandas sa pisngi ni Alex ang mga luhang hindi pa rin mapatid-patid. Tumayo ito upang salubungin siya nang dumating sa opisinang iyon.
Hindi alam ni Ellana kung yayakapin o sasampalin ba si Alex subalit nagpigil siya. Hinayaan na lamang niya itong yakapin siya subalit hindi na niya tinugon iyon.
“I’m sorry.” Dugtong nito nang hindi pa rin niya magawang magsalita habang ang mga security guard at class adviser maging ang principal ng paaralan ay mataman lang na nanonood sa kanila.
“Mrs. Astilar,” naiiyak niyang wika nang kumalas si Alex buhat sa pagkakayakap sa kanya na hindi niya tinugon maging ang “sorry” nito. Mabilis na sinalubong ng class adviser ang yakap na inialok niya dahil sa totoo lang ay kanina pa niya gustong humagulgol.
Mataman namang hinahaplos ng class adviser ang likod niya habang umiiyak para kahit paano ay mapayapa ang kanyang pakiramdam. Nag-abot naman ng bottled water si Alex na hindi naman niya tinanggihan. Dahil doon, sumilay ng bahagya ang mga ngiti nito na kahit hindi man niya sabihin ay batid nitong magiging maayos naman ang lahat.
“Let us review the CCTV footage so we can see who’s the responsible in doing this.” Ilang sandali pa ay wika ng school principal nang sa gayon, habang maaga ay malaman na nila ang nangyari.
Mataman silang tumingin sa monitor para makita ang mga nangyari. Kitang-kita sa kuhang iyon ng CCTV ang paglabas ni Alhea buhat sa classroom kasabay ng iba pang bata. Sa ibang kuha ay patuloy na naglakad ang bata palabas ng gate subalit paglabas ay sinalubong ito ng isang lalaking nakaporma. Kinausap nito ang bata at tila kinukumbinseng sumama subalit ayaw ng bata. Ilang Segundo ang lumipas nang may ipinakita itong tila ID at saka naman naniwala si Alhea at sumama na ito sa nasabing mama.
Habang pinanonood ang nasabing CCTV footage ay panay ang iyak ni Ellana. Sa pagkakataong iyon ay hinahaplos na ni Alex ang likod niya na hindi na niya nagawang tanggihan.
“Si Dusthin.” Nanulas sa kanyang mga labi.
“Dusthin?” Ulit ng class adviser at principla sabay tingin sa kanya.
“Ma’am, thank you for the assistance. Let me handle this instead. I know that man.”
Naunawaan naman siya ng mga ito at mabilis na nilang nilisan ang nasabing paaralan.
“Gagong lalaki ‘yon.” Usal ni Alex habang palabas sila ng paaralan at napasuntok pa sa hangin.
Huminto siya sa paghakbang na ikinatigil din nito. Hinarap niya ito na may nagngangalit na mga ngipin saka nagsalita. “Where were you during that time huh?”
Napalunok si Alex. Ang inaakala nitong abswelto na sa kaso ay hindi pa pala.
“I was outside. Waiting kay Alhea.”
“Outside?” Patuyang tugon niya. “Eh hindi ka nga nahagip sa camera eh. Meaning, you were somewhere else away from the gate!” Napataas ang tinig na wika niya na ikinatahimik nito. Iyon yata ang unang beses na nataasan niya ng boses si Alex. Pero kumukulo pa rin talaga ang dugo niya. Umaapoy siya sa galit. “Let’s go!” Pagkuwa’y wika niya at mabilis na humakbang palabas ng compound ng paaralan.
Lakad-takbo namang naghabol sa mabilis niyang mga hakbang si Alex at pagdating sa labas ay nagpara siya ng taxi.
“Sa Triple J, kuya. May susugurin lang ako.” Matapang niyang wika sa driver nang makapasok sa loob ng sasakyan katabi ng kinakabahan pa ring si Alex.




Time FliesWhere stories live. Discover now