KABANATA XII

22 1 0
                                    

***Ang Chapter na ito ay naglalaman ng mga eksenang Rated SPG/ R18 na hindi angkop sa reader below 18. Or kung 18 y/o and above ka na pero hindi mo bet makabasa ng scene na may kinalaman sa sex, skip mo na lng muna. Thank you.***

KABANATA XII

"YES. I'm serious, sir. Or should I say, I'm serious Dusthin total naman ay wala tayo sa opisina. Sorry, but I won't listen to you." Tugon niya na nakahalukipkip pa sa harap nito habang nakatayo.

"So, paano ako dadaan nito?" Tanong pa ni Dusthin na pinukol ang tingin sa nakahigang si Alex na nakaharang sa pinto. Napatingin din siya roon.

Shit! Sa loob-loob niya nang mapansing pabalagbag sa pintuan nang inilatag niya ang higaan ni Alex kaya hindi nila iyon maaaring buksan.

"Use the door at the back instead." Utos niya at hinila ito patayo patungo sa pinto sa may kusina.

"Ellana, I'm begging you. Just listen to me and accept my apologies." Huling pakiusap nito nang hawakan na niya ang door knob para pagbuksan ito.

Hinarap niya ito. Sa sarili ay halatang nagpipigil ng taas ng boses dahil sa pag-aalalang magising ang isa man kina Alex at Dexter.

"Alam mo, ang husay mong mag-timing no. Marahil ay narinig mong may bonding kami tonight kaya ka nandito." Simula niya. "Sir, Dusthin, ah. Shit! Galit na galit ako sa 'yo. Matagal na kitang kinalimutan. Matagal na kitang ibinaon sa limot at pinangarap na sana katulad ng mga pangarap kong namatay ay namatay ka na rin." Unti-unti ay marahang lumandas sa kanyang pisngi ang matagal nang inipong luha ng inis sa lalaking ito. Kung nasa tamang lugar lang sana sila ay Malaya niyang maisusumbat ang lahat ng naging pasakit na dinanas niya noon. "Itinakwil ako ng pamilya ko dahil sa kahibangan ko sa 'yo. Nagdanas ako ng dobleng hirap maitawid ko lang ang buhay ko." at tuluyan na nga siyang bumigay. Tuluyan na siyang nilamon ng emosyon.

"S-sorry for what I have done. Pero gusto kong malaman mo na hindi kita kinalimutan." Tugon nito na hindi alam kung hahawakan ba siya o hindi dahil baka ang boses nilang pilit pinipigilang lumakas ay makalimutan.

Napangisi siya sa tinuran nito. "Hindi kinalimutan? Are you making things so funny? Dusthin, pitong taon. Pitong taon mo akong pinaasa. Pitong taon mo akong inalisan ng karapatang magmahal sa pag-aakalang babalik ka."

"And here I come. I came back for you, Ellana. God knows how much I loved you. Besides, I never tell na huwag kang magmahal ng iba."

"Pero mahal nga kita!" Nanulas sa kanyang bibig na hindi man pinag-isipan ay batid niyang iyon ang bulong ng puso n'ya.

Napanganga ito dahil sa narinig. Kung hindi lang sila nagpipigil ng boses ay siguradong sumigaw na ito ng malakas na may matching pang talon.

"But it ends here tonight. Tapusin na natin, please." Umiiyak niyang pakiusap.

Napaluha si Dusthin dahil sa sinabi niyang iyon. Pakiramdam nito ay tinusok ng libu-libong aspili ang pusong matagal ding umasa na may naghihintay at may babalikan subalit mukhang wala na pala.

"Ellana, please." Sumamo nito at hinawakan ang dalawa niyang kamay. "Even just a little piece of hope. Kahit mapatawad mo lang ako sa nagawa ko, magiging okay na ako."

Ibig man niyang bawiin ang mga kamay na hawak ni Dusthin ay hindi niya magawa. Tila may pwersang humihigop pabalik para manatili ito sa piling ng mga kamay ng lalaki.

"I cannot give you the guarantee of forgiveness dahil ang hirap ng pinagdaanan ko mula nang mawala ka sa piling ko, Dusthin." Tugon niya na sa ikalawang pagkakataon ay ibig bawiin ang mga kamay na hawak nito subalit sa ikalawa ring pagkakataon ay ayaw pa ring humiwalay sa magnet na taglay ng mga kamay ni Dusthin.

Time FliesWhere stories live. Discover now