KABANATA XVIII

8 0 0
                                    

KABANATA XVIII

DALAWANG araw matapos ang exams ni Ellana ay ito muling nakipagkita kay Dusthin. Ito rin kasi ang ibig niya na huwag munang babalik sa cottage para makapag-focus sa examinations. Kaya nang masigurong nakauwi na buhat sa school ang dalaga ay kaagad siyang pumunta sa bahay nito para personal na ipaalam sa mga magulang na isasama niya ito sa pamamasyal sa magagandang inland beaches and waterfalls sa lugar.
Sa Nacpan Beach sila unang pumunta bago tumulak sa iba pang beaches na nasa lugar. Hindi rin nila pinalampas na pasyalan ang Ille Cave sa New Ibajay hanggang sa isang waterfalls malapit sa bayan sila huling tumigil. Masasabi niyang kampante na siya sa sitwasyon noong mga sandaling iyon at hindi na iniisip pa ang ano mang maaaring nangyayari sa pamilya sa Maynila.
Pagsapit nila sa waterfalls ay halos pa-alas cuatro na ng hapon. Nasa kalahating oras din ang nilakad nila papasok sa nasabing lugar. Iilan na lang ang taong naroon at ang iba ay unti-unti na ring nagsisiuwian.
Labis ang paghanga ni Dusthin sa lugar dahil sa taglay nitong ganda. Mataas ang pinanggagalingan ng tubig at mala-kristal ang linaw nito. Nagtatayugan din ang nakapalibot na mga punong kahoy kung kaya nagdulot iyon ng bahagyang dilim sa paligid at ibayong lamig na nanunuot sa kanilang kalamnan. Sa katunayan, nakailang dive na si Dusthin na parang batang bago lang nakatampisaw sa malamig at mapang-akit na tubig ng talon.
“Mabuti hindi ka pa hinahanap ng parents mo?” Tanong ni Ellana kay Dusthin habang nakaupo sila sa malapad na batong naroon. Ayaw man ipahalata ay lihim itong kinikilig habang pasimpleng pinagmamasdan ang topless na binata.
“They cannot find me. I deactivated all my contacts. Mapa-cellphone o social media accounts man.” Tugon nitong napasunod ang mga mata sa nag-aalisang mga tao dahil nga padilim na.
“Pero may cellphone ka di ba?” Napatingin pa siya sa cellphone ng binata na nakalagay sa di kalayuan kasama ng hinubad nitong damit.
“Oo. Pero iba ang number na gamit ko. I don’t want my family to know my whereabouts hangga’t hindi pa nagbabago ang isip nila na h’wag akong ipagkasundo sa babaeng ‘yon.” Tugon nito at walang sabi-sabing tumalon para muling maligo. Naiwan na lang siyang napapangiti at napailing.
Kinakabahan man si Ellana dahil lumalaganap na ang dilim ay hinintay na lang niyang matapos sa pagligo si Dusthin. Nakadalawang lubog na rin siya sa tubig kanina at ayaw na niyang bumalik dahil ang totoo ay giniginaw na siya. Maya-maya pa ay bumalik na si Dusthin sa tabi niya. Humiga ito at tumingin sa kalangitan kung saan naroon ang buwang nagsisimula ng lumiwanag at paminsan-minsang sumisilip sa mga dahon ng matatayog na punong kahoy. Nakataas ang isa nitong tuhod at ginawang unan ang dalawang kamay.
“Ang bait ng Diyos noh?” Pagkuwa’y wika nito habang sa buwan pa rin nakatingin.
Napasulyap siya rito at hindi pinansin ang sinabi. Mataman niyang pinanood ang maamong mukha ni Dusthin habang nakasilay ang maliit na ngiti sa manipis nitong labi. Bumaba pa ang tingin niya sa leeg nito na mapapansing may bukol ng adams apple. Unti-unti pang bumaba ang tingin niya na kahit hindi masyadong maaninag ng husto ang katawan ng binata ay nasisiguro niyang maganda ang katawan nito. Bababa pa sana ang tingin niya nang biglang hilahin ni Dusthin ang kamay niya pahiga kaya nabigla siya at sa dibdib nito napaunan.
Bahagya pang bumangon si Dusthin at inilapat ng maayos ang tainga niya sa tapat ng puso nito. “Did you hear what it says?”  tanong nito.
Hindi siya sumagot bagkus ay napalunok ng laway. Parang sa napanood lang niya nakita ang ganoong eksena na noon ay hindi niya pinaniniwalaang pwede pa lang mangyari sa totoong buhay pero ngayon ay napagtanto niyang hindi iyon gawa-gawa lang. Heto siya ngayon, nakaunan sa dibdib ng lalaking nakahiga na may matipunong katawan.
“Sinasabi ng puso ko na gustong-gusto kitang mahalin.” Pagpapatuloy ni Dusthin nang hindi siya umiimik. Inalalayan nito ang ulo niya para sila bumangon.
Ikinulong ni Dusthin ang kanyang pisngi sa malambot nitong mga palad. Tiningan siya sa mata ng diretso. Muli, napalunok siya. Nang mapansing lumalapit ang mukha nito sa mukha niya ay napapikit na lang siya. Ilang segundo lang ang lumipas at naramdaman niya ang labi ni Dusthin na lumapat sa kanyang naghihintay na mapupulang labi. Naghinang ang mga iyon subalit wala siyang response na nagawa dahil hindi naman siya marunong humalik. Iyon ang unang araw at unang beses na maranasan ang noon ay nababasa lang at napapanood. Hindi nilubayan ni Dusthin ang labi niya hanggang sa maramdaman niya ang sarili na tumutugon na rin sa ginagawa nito. Hindi naman pala iyon mahirap pag-aralan o siguro ay dahil mahusay lang ang nagtuturo sa kanya. Kakaibang sensasyon ang unti-unting nabubuhay sa kanyang pagkatao noong mga oras na iyon na ibig man niyang itulak ang binata palayo ay malaki ang pagtutol ng kanyang katawan dahil sa labis na tulak palayo ang dapat niyang gawin ay tulak pakabig ang nangyayari.
Naramdaman niyang lumikot ang mga kamay ni Dusthin na kanina ay nakahawak pa lang sa kanyang mga pisngi. Lumandas ang mga iyon sa kanyang kabuuan na waring naghahanap ng higit pa sa kasalukuyang sarap na nararamdaman. Hindi niya alam kung hanggang saan aabot iyon at ibig niyang magprotesta lalo na ng isip niya subalit tila ayaw makisama ng kanyang katawan na naghahanap pa ng higit na sensasyon kasabay ng nabubuhay na pagnanasa sa kanyang kaibuturan.
Ang malamig na kapaligiran ay hindi nakasapat para mamatay ang mga init nilang nararamdaman. Lalong naging mapusok ang kilos ng binata nang marinig ang mahina niyang ungol nang dumapo ang kamay nito sa isang bahagi ng kanyang dibdib na nakatago pa sa suot na damit. Mabilis na pumasok doon ang kamay ng binata at tila may sariling isip ang mga ito kaya mabilis na naalis ang kanyang pang-itaas na kasuotan. Bahagyang lamig ang kanyang naramdaman ng minsang humangin subalit agad iyong napainit ni Dusthin. Nadala na siya ng binata sa lugar na hindi pa niya napupuntahan and her body wanted more than what Dusthin is doing unto her.
Nakaramdam siya ng takot nang pumatong na si Dusthin sa kanya. Pero saglit lang iyon dahil binura kaagad ng binata ang pangambang naaninag sa kanyang mga mata sa tulong ng maliliit na halik na itinatanim nito sa lahat ng bahagi ng kanyang katawan. Naramdaman niya ang buhay sa pagitan ng hita ng binata na lalong nagbigay sa kanya ng magkahalong kaba at pananabik. But if she will evaluate, masasabi niyang lamang ang pananabik na gustong mapunan ang sinimulang buksan ng binata.
Ang malapad na batong naroon ang kanilang nagsilbing kama. Ang lagaslas ng tubig sa waterfalls; ang huni ng mga ibon at kulisap; ang simoy ng hangin; at ang liwanag na nagbubuhat sa bilog na buwan ay ilan lamang sa naging piping saksi sa tuluyang pagpapaubaya niya ng sarili kay Dusthin.
“D-Dusthin…,” anas niya sa gitna ng kakaibang sarap na kanyang nararamdaman dahil sa totoo lang ay kinabahan siya bigla nang mahulaan ang susunod na action ng binata.
“Don’t be afraid, I will be gentle.” Tugon nito na puno ng assurance at itinuloy na nga ang balak.
Nahirapan man sa una nang tangkain siyang pasukin ni Dusthin ay hindi na rin ito nahirapan sa mga sumunod na pagkakataon.
Ilang minuto pa ang lumipas at natapos na nilang abutin ang rurok ng kaligayahang ipinaramdam sa bawat isa. May luha man sa gilid ng kanyang mga mata ay tiyak siyang hindi iyon luha ng pagsisisi.
“I love you, Ellana. Promise. I will never leave you alone. I will be yours forever.” Bulong nito sa kanya habang pareho pa silang nakahiga at nakatingala sa buwang sumisilip pa rin sa mga dahon ng nagtataasang punong-kahoy.


Time FliesWhere stories live. Discover now