KABANATA XI

14 3 0
                                    


KABANATA XI

HABANG nagsasandok ng adobo ay napakunot-noo si Ellana. Sandaling huminto sa ginagawa. Matamang pinakinggan ang mahihinang katok sa pintuang nasa likod-bahay.

Ah, baka buntot lang ng butiki na nahahampas sa pinto. Sa isip niya. Kinuha na niya ang mangkok na may lamang adobo at akmang babalik na sa sala nang marinig niya ang pangalan. Kinilabutan siya. Sa tanang buhay ay bago lang yata may nagpaparamdam sa bahay na iyon.

"Ellana, Ellana," halos pabulong na tawag kasabay ng mahihinang katok. Bahagya pa siyang sumulyap sa sala. Doon na uli sina Alex at Dexter kaya lalo siyang nagtaka.

Humakbang siya pabalik. Natatakot man ay inilapag muli sa mesa ang mangkok ng adobo. Marahang lumapit sa pinto at dahan-dahang pinihit ang door knob. Eksaktong pagbukas ay agad siyang sinalubong ng yakap ni Dusthin. Napasigaw pa siya pero mabuti na lang ay mabilis na natakpan ng kanang kamay ni Dusthin ang bibig niya.

"Ellana! Are you okay?" Narinig niyang tawag-tanong ni Alex na marahil ay nakarinig ng impit niyang sigaw.

"Ah, o-oo! I'm fine." Bahagya pa niyang nilaksan ang tinig para marinig iyon ng maayos. "N-nagulat lang ako sa dumaang daga. Saglit lang ah. Aayusin ko lang 'tong adobo. Natapon kasi." Palusot niya habang nakayakap pa rin sa kanya si Dusthin. Hinampas niya ang braso nito at saka kumalas.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "What are you doing here?!?" Ipit na ipit at halos pabulong ang tinig na tanong niya.

"I want to see you. I want to talk to you." Tugon nito sa mahinang boses. Mabuti na lang ay may divider at kurtinang namamagitan sa sala at kusina kaya hindi sila makita.

"B-bakit ngayon? Ano'ng oras na ito oh." Turo pa niya sa wristwatch.

"Kanina pa ako sa labas. Kaya lang no'ng sinara ang gate I don't know how to get out. Dahil I'm sure iingay ang gate."

"Eh ano ba kasing ginagawa mo?"

"Because I really need to know something, mababaliw na ako sa kaiisip kung ano ba'ng buhay meron ka. And then now...,"

Pinutol niya ang sasabihin pa nito dahil tumawag na muli si Alex. "And then now you know that I am living with a lesbian? Happy ka na? Ito ang resulta ng pag-iwan mo sa 'kin. Umalis ka na!" Pigil man ang lakas ng boses ay hindi naman pigil ang galit na wika niya.

"No! And look, how can I get out?" inilinga pa nito ang paningin.

Nanggigil siya. "Stay here. Magtago ka. I'll be back." Pinandilatan pa niya ito ng mga mata kasunod ng buntong-hininga bago tuluyang bumalik sa sala.

How come? What happened to her? Bakit sa tomboy pa? sa isip ni Dusthin na maingat na sumunod para sumilip sa sala.

"Oh, what took you so long?" Si Dexter na nagbukas ng isa na namang beer. Pero dahil ubos na ang nasa in-can ay naka-bote na ang binuksan nito. Ngayon lang niya napagtanto na ang laman ng dala nitong eco bag kanina ay mga beer pala.

"Ah, eh...," nilingon pa niya ang kusina bago nagpatuloy, "m-may surot, ay d-daga. Oo. May daga sa kusina. Ang laki. Nagulat ako kaya natapon ang adobo. Nilinis ko pa ang sahig." Pagsisinungaling niya na kay Alex na nakatingin. Hindi siya sigurado kung kumbinsido ito pero hindi na niya pinansin para hindi mapansing balisa siya. Tinanong pa ito ni Dexter kung iinom pa at sabi ay "oo". "B-baka hindi n'yo na kaya. Magpahinga na kaya tayo. Medyo malalim na rin ang gabi eh."

Time FliesWhere stories live. Discover now