KABANATA IV

25 5 0
                                    

KABANATA IV

HANGGANG sa pag-uwi ni Dusthin sa sariling condominium unit ay hindi pa rin mabura-bura sa isip niya ang mga natuklasan sa file ni Ellana maging ang naging takbo ng pag-uusap nila kanina.

Heto siya ngayon. Palakad-lakad sa sala habang hawak ang cellphone. Ikot. Ikot. Ikot ng ikot until he decided to sit down in front of his center table where the glass of branded whisky is waiting. Napailing siya matapos ang isang lagok until he decided to video call his cousin na nagsisilbi na rin niyang bestfriend. Agad naman itong sumagot buhat sa kabilang linya sa Los Angeles, California.

"Oh, insan! How was your days so far as the new manager of your own family business?" Usisa nito habang inilalapag ang mga dala sa mesang naghihintay. Balak din yata nitong mag-chill habang nagpapahinga at kausap s'ya.

"Maayos naman, insan and well, happy."

"Hay mabuti naman, insan." Napapabuntong-hininga pa nitong wika. "I'm happy for you," nagbuhos na ito ng alak sa glass wine at itinaas. Simbolo na ibig makipag-"kampay" sa kanya na tinugon naman niya. "So, should I say na you already moved on from your depression? Nakalimutan mo na ang tragedy?"

Hindi niya sinagot iyon. Sa halip ay napayuko. Ang kaninang hawak na cellphone sa kabilang kamay ay inilapag niya sa mesa paharap sa kanya gamit ang stand nito para hindi siya mangawit.

"Ah, I-I'm so-sorry," nag-aalala nitong wika. "I did not mean-."

"No it's okay, insan." Tugon niya at tumingin sa kawalan. Kinuha ang glass wine at iniumang kay Mico na hudyat para mag-cheer uli sila. Nagmadali naman nitong itinaas ang hawak na glass. Matapos iyon ay mabilis siyang lumagok ng isa saka nagpatuloy sa sasabihin. "Mico, insan, I never forget that catastrophe happened to my parents. 'Yong depression at sakit marahil nakalimutan ko na. Pero hindi lahat. Hindi rin kasi madaling tanggapin na mawalan ng magulang at kapatid then both of them passed away at the same time due to an aircraft accident." Hindi man sabihin ay ramdam pa rin sa bigat ng kanyang mga salita ang tunay na nararamdaman.

Labis niyang dinamdam ang nangyari noon at nabura sa isip ang salitang "pag-asa at pagbangon." But holding on to that hope that someday he will see Ellana again was a gigantic thing in helping himself moved on from depression.

Hindi umimik si Mico sa kabilang linya habang nakikinig sa mga sinabi niyang iyon subalit nagsikap itong humagilap ng maaaring pag-usapan na lilihis sa tila mabigat na paligid.

"You know what? Pinasaya mo sina mommy at daddy."

"In what way?" tanong niya at tumayo para kunin sa kabilang mesa ang bote ng whisky at agad naglagay sa wine glass.

"Sa pagpayag mong mamahala ng inyong business d'yan sa 'Pinas. It's a sign na hindi mo na uli ilulugmok ang sarili mo sa kalungkutan."

Napangiti siya dahil masisiguro na ng kanyang tito at tita na hindi na muling masisira ang buhay niya. Noon kasing batbat pa siya ng pangungulila't kalungkutan ay ang tiyahing kapatid ng kanyang ama na mommy nga ni Mico ang pansamantalang namahala sa kanilang negosyo sa Pilipinas. Noong nakaahon na siya sa depression ay tinapos niya ang pag-aaral sa California. At heto ngayon, handa na uli siyang humarap sa mga panibagong hamon ng buhay.

"Congrats, insan!" Dugtong pa ni Mico na hindi maitatangging masaya para sa naging desisyon niya.

"Thank you." Simple niyang tugon.

"Pero, don't get me wrong," muling simula nito sa isa na namang intriga, "kasabay ba ng paglimot mo sa depression ay nakalimutan mo na rin si Ellana?" diretso nitong usisa.

Time FliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon