KABANATA IX

17 1 0
                                    

KABANATA IX

"I THINK, I'm going crazy!" Bungad ni Dusthin sa pinsang si Mico nang i-video call niya ito right after niyang umuwi sa unit niya. Hindi na rin siya bumalik sa opisina dahil pakiramdam niya'y sumasakit na ang ulo niya. Hindi talaga kasi niya mapagtagpi-tagpi ang mga nalaman, nakita at narinig.

"You know, insan. Tigilan mo na 'yan bago ka pa masiraan ng bait." Napapangisi nitong wika at umupo na naman sa favorite place kaharap ng whisky.

"Are you still drinking?" Hindi niya pinansin ang sinabi nito nang mahagip ng mata niya ang alak sa center table ng pinsan.

"Ha! Ha! Yeah. I've done drafting the building concept for my first ever project as an architect. So, it's call for a celebration!"

"Wow! Congrats, insan! Proud of you." Wika niyang sumampa sa malambot na kama. "Wait" Bigla ay may naalala siya. "Celebration? Tama. May celebration sila ngayon."

"Sino?" Tanong nito sa kabilang linya.

"Sina Ellana. I heard her talking to her colleague na may get together sila sa bahay nila tonight."

"Puntahan mo na kung talagang decided ka to win her." Advice nito na nagsimula nang uminom. "By the way, congrats nga pala sa pagligtas mo sa kanya. Naka one point ka do'n, insan."

"Thanks, insan." Wala sa loob na tugon niya. "I'll send you a video of Ellana's daughter and husband. Kindly give me feedback after I took a shower." Iyon lang at sinend na dito ang video kaninang pumunta siya sa bahay nina Ellana at agad na pumasok sa bathroom para ihanda ang sarili sa pagpunta sa bahay ng pinakamamahal.

MAAGANG umuwi si Ellana at dumaan na rin siya sa palengke para sa lulutuin nila nina Dexter mamaya. Pagdating pa lang ay sinalubong na siya ni Alhea habang kinuha naman ni Alex ang mga dala at dumiretso na ito sa kusina. Pinahabulan niya ito ng irap pero hindi na napansin ng huli habang hindi naman iyon nakatakas sa paningin ng anak.

"Are you and daddy not talking with each other?" Tanong nito nang makapasok na sila sa sala.

Nginitian niya ang anak. "Baby, listen to mommy," simula niya at kinalong ang anak. Sinilip pa sa kusina si Alex na naging abala na sa pagluluto ng hapunan, "we are not in quarrel. Pagod lang si mommy kaya hindi ko na naimik ang daddy mo."

"Pero hindi ka rin po n'ya binati katulad ng dati."

Natahimik siya. May punto ang anak. Buhat kasi ng magkaisip ito ay panay sweetness ang nakikita sa mga magulang.

"Huwag ka nang magtanong because I already knew of what you'll gonna ask for." Pauna kaagad ni Ellana kay Alex nang dumating sila ng anak buhat sa pagsimba. Sa tuwina kasi ay iisa lang ang itinatanong nito sa kanya.

"Isinama n'yo rin ba ako sa inyong mga dasal?" Kadalasan ay ang bibong si Alhea ang tumutugon dito.

"Yes, po daddy. Sana next time, tatlo na tayong magsisimba nila mommy. Ipinagdasal ko rin po na sana magpa-merienda ka!" Hirit pa ng bata na kalimita'y sinusundan nila ng tawa.

Magkakaakbay pa silang pumasok sa silid ng bahay dahil sa saya nang oras na iyon. Kitang-kita ni Ellana ang tuwa sa ngiti at mata ng anak kapiling ang daddy Alex nito.

"Mommy??" Patanong na tawag ni Alhea ng matagal siyang hindi sumagot sa tanong nito.

"Y-yes, 'nak?"

"Eh kasi po anak, kinuha ko ang mga dala ng mommy mo kaya hindi na ako nakabati." Si Alex na ang sumalo para hindi na magduda pa ang bata.

Time Fliesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن