KABANATA VIII

14 3 0
                                    

KABANATA VIII

MAAGA pa ay nasa trabaho na si Ellana. Hindi na rin niya hinintay na magising sina Alex at Alhea nang umalis siya kanina. Sabado naman at walang pasok sa school ang anak kaya mag-siesta muna sila sa bahay. Nag-iwan na lang siya ng note na ready na ang almusal at kumain na lang sila. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyari kagabi. Pakiramdam niya'y napakahaba ng gabi dahil sa dami ng nangyari. Kung si Alex ay ayaw pa niyang makausap ay sinadya niyang pumasok ng maaga para makausap si Dexter. Kilala kasi niyang palaging maaga dumating sa workplace ang binata.

Hindi naman siya nabigo nang makarating siya sa kitchen. Sadyang napaaga nga yata siya dahil sila pa lang ni Dexter ang tao roon. Nang makita siya ni Dexter na papalapit ay yumuko ito. Hindi niya alam kung dala iyon ng hiya o kung ano samantalang tulog naman ito nang dumating siya sa apartment nito kagabi.

"Hi, baks. Kumusta?" Bungad niya nang makalapit. Inilapag ang bag sa isang upuang naroon at sumandal sa isang estante.

Tumikhim si Dexter. Pinagsaklop ang dalawang palad. Dahan-dahang iniangat ang mukha at tumingin sa kanya pero halatang nahihiya.

"E-ellana, sorry for what happened last night." Medyo garalgal ang tinig na wika nito kasunod ng malalim na buntong-hininga.

Ngumiti siya. Ngiting hindi naman nakalabas ang mga ngipin. "Wala iyon. Naawa nga ako sa 'yo no'ng makita ko ang sitwasyon mo. Mabuti na lamang at nandoon ang pinsan mo. Inalagaan ka."

"I am sorry for what JC have done against you."

"So, alam mo?"

"Yeah. Tumawag s'ya sa akin kaninang madaling araw. Nasa kulungan. Nagpapasaklolo."

"Pero anak siya ng Congressman di ba?"

Tumango ito. "Pero galit sa kanya ang daddy niya dahil sa mga kagaguhang ginagawa niya. Nagalit din ako sa ginawa niya. Bahala muna siya sa buhay niya. Sa lahat ng katarantaduhang ginawa niya, ito ang hindi ko mapapalampas. Ang ikaw pa ang pinagtangkaan niya."

"Hayaan mo na. Ang mahalaga ligtas ako. Isa pa, maging aral sana sa kanya ang nangyari." Tugon niya at luminga sa paligid. Unti-unti nang dumadating ang ibang empleyado habang ang ilang namang grave yard ang shift ay nagpapaalam na rin para umuwi.

"Sino'ng nagligtas sa 'yo?" Curios nitong tanong. "Hindi kasi nasabi ni JC. Ang sabi lang lalaking naka-bonnet."

Nag-isip siya kung magsasabi ba ng totoo pero mas minabuti niyang ilihim iyon. "H-hindi ko rin kilala eh. Hanggang sa maihatid ako sa bahay ay hindi siya nagpakilala."

"Kung sino man siya, salamat sa kanya."

"By the way, ano ba'ng pumasok sa ulo mo at nagbalak kang magpakamatay?" Tanong niya ritong walang ngiting rumehistro sa mukha dahil hindi basta ang naranasan niya para lang ma-rescue ito kagabi.

Naging malungkot ang aura ng mukha nito pero mas pinili pa ring magkwento sa kanya para kahit paano ay mabawasan ang bigat na nararamdaman.

"A-ang totoo kasi," he stopped dahil sa pag-aalinlangan pa rin pero pinandilatan niya ito ng mga mata kung kaya nagpatuloy, "hindi ko naman talaga pinsan si JC. He is my boyfriend and gusto na niyang makipaghiwalay kaya hindi ko na alam ang gagawin ko until I decided to black mail him na kapag tinuloy niyang iwan ako, magpapakamatay ako. And to make it effective, nagsend din ako ng text sa 'yo."

Dahil sa seryoso ng usapang iyon ay hindi nila namalayang nakapasok na pala si Dusthin at dahan-dahang kumubli sa isang estanteng naroon para makinig sa pinag-uusapan nila.

Time FliesWhere stories live. Discover now