KABANATA I

72 6 0
                                    

KABANATA I

HINDI maipaliwanag ni Ellana kung ano ang klase ng mga emosyong sumasalakay sa kanya nang mga oras na iyon. Darating na kasi ang bago nilang Manager sa Triple J Hotel and Restaurant. Para na tuloy siyang buntis na pusang hindi mapaanak. Hindi talaga siya mapakali.

"Ellana, ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" Tanong ni Dexter nang mapuna siya. Si Dexter ang kababayan niyang tumulong sa kanya upang makapasok sa kompanyang iyon. Ito rin ang nagsisilbi niyang bestfriend sa nasabing kompanya. Si Dexter ang chef habang siya naman ang assistant chef ng Triple J. Gwapo naman si Dexter at mabuti na lang dahil gwapo rin ang hanap nito kaya talaga namang nagkakasundo sila. Mas gusto niyang kasama ito kaysa mag-entertain ng mga lalaking nagkakagusto sa kanya sa kabila ng katotohanang mayroon na siyang kinakasama.

Hindi siya sumagot sa tanong nito kung kaya muli itong nagtanong.

"Ellana, what's wrong? You look so upset."

"H-ha?!!? A-ako?? I'm okay kaya paano akong magiging upset."

"Tulala ka at namumutla."

"Ano?!!" Tila gulat pang balik-tanong niya rito. Namumutla siya? Bakit?

"Oo. Namumutla ka. May problema ba? Just tell me. Nandito lang ako."

"Tumigil ka, Dexter." Saway niya rito saka inirapan.

"Ano'ng problema?" Pangungulit pa.

"W-wala, baks... Kinakabahan lang siguro ako sa pagdating ng bagong manager." Tugon niya habang nagkikiskisan ang mga daliri at nanlalamig ang mga iyon.

Hindi talaga maabot ng isip niya kung bakit kabado at tila natatakot siya sa pagdating ng bago nilang manager. Siguro dahil sa isipin na bagong adjustment na naman. Bagong pakikisama. Baka masungit o kaya suplado. Ah basta! Hindi niya mawari kung bakit apektado siya masyado. Inilinga niya ang paningin. Bumuntong-hininga. Bukod tanging siya lamang pala ang may ganoong ekspresyon. Her colleagues are excited, well-smiled, and happy in order to impress their new manager. Nagkakandahaba pa ang leeg ng mga ito sa katatanaw sa mga sasakyang dumaraan.

Ano ba'ng nangyayari sa 'kin? Tanong niya sa sarili. Muli siyang lumingon sa lobby ng hotel na kinaroroonan nila. Siyang-siya lang talaga ang kinakabahan.

"Be ready everyone! Parating na ang ating bagong manager." Malakas na anunsyo ng isang kabilang sa Administrative Department.

Humanda nga ang lahat. Inayos ang tindig at buong-pusong ngumiti. Dahil sa sinabing iyon ay mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib ni Ellana na tila ba nakikipag-unahan sa kanyang paghinga. Mas lalong hindi na siya mapalagay nang huminto ang isang magarang sasakyan sa tapat ng main entrance ng hotel at nang bumukas ang pinto niyon sa hulihang bahagi ay iniluwa ang isang nilalang na lalong nagpatigil sa kanyang paghinga. Matangkad ito. Naka-coat and tie. Mukhang naka-wax ang buhok. Mukhang mabango. Matikas. Naka-shades at makalaglag panga. Nai-imagine niya tuloy ang bidang lalaki sa pinanood na Korean drama kagabi na What's wrong with Secretary Kim. Hindi rin niya ma-explain ang sarili kung bakit sa kabila ng kaba ay may kaunting kilig na kumikislot sa isang sulok ng puso niya.

Pagbukas ng main entrance ay sabay-sabay silang bumati at yumukod. Eksaktong pag-angat nila ng ulo ay ang pagtanggal naman nito sa shades. Halos lahat ay napabuntong-hininga. Paningin niya ay slow motion pa ang ginawa nitong pag-alis sa eye glasses.

"Ang gwapo." Naulinigan pa niyang usal ng ibang kinikilig na kababaihan.

Binaling ni Dexter ang tingin sa kanya at napansing kinakabahan pa rin siya kung kaya hinawakan nito ang kamay niya at nadamang nanlalamig iyon.

"Oh, bakit nanlalamig ka?" Tanong nito.

"H-ha? Ah... eh...," hindi niya magawang magsalita pa ng kung ano. Hinayaan niyang kupkupin ng palad ni Dexter ang isa niyang kamay nang sa gano'n ay mapawi ang panlalamig niyon kahit na sandali lang. Minsan pa siyang napangiwi nang maisip na hindi niya katalo ang may hawak ng kamay niya ngayon. Kung sabagay, kailangan talaga niya ng katuwang sa hindi maipaliwanag na pakiramdam na iyon.

Nang makalapit sa kanila ang nasabing bagong Hotel Manager ay halos tuluyan nang tumigil sa pag-inog ang mundo para kay Ellana. Panandaliang nawala ang kanyang paghinga at matamang tinitigan nang walang kakurap-kurap ang lalaking iyon. Kinikilala niya ang bawat detalye ng mukha nito. Kung may makakapansin nga lamang sa kanya ay baka isiping na-love-at-first-sight siya rito. Dahil sa maganda at mapang-akit na ngiti ng bagong manager, sa matangos nitong ilong, mapupungay na mga mata, at ang kakisigan nito ay hindi siya maaaring magkamali. Ang matipunong dibdib na iyon. Ang matikas nitong tindig. Sinisigurado niyang minsan na niya itong nakita, nakasama, nahalikan at nakaniig ng maraming beses.

No! Cannot be! Hindi pwedeng siya 'to! Nagmamaktol ang isip niya.

"Ladies and gentlemen, please welcome. Our new hotel manager, Mr. Dusthin Villaderas Nieras!" Kahit papaano ay narinig pa rin niya ang announcement na iyon ni Madam Alonna. Ang outgoing manager na uuwi na umano sa California kaya naghanap ng kapalit. Mabuti na nga lang daw ay pumayag ang unico hijo ng pamilya Nieras na mamahala na sa family business nila.

Oo nga at narinig niya ang anunsyong iyon ay tila wala pa rin sa sarili si Ellana. Naririnig niyang nagpapalakpakan ang karamihan kaya gumaya na rin siya kahit pa ang totoo ay lutang pa rin ang pakiramdam.

Napansin niyang sumulyap sa kanya si Dexter kaya nagpatuloy siya sa pagpapalakpak na ewan ba kung paano nakabitaw sa kamay nito ang kanyang isang kamay na hawak pa nito kanina.

"E-Ellana. Ellana. Pssst." Tawag ni Dexter at tinapik siya para huminto sa pagpapalakpak. Saka pa lamang niya napagtantong kanina pa pala tapos ang eksenang iyon at tanging siya na lang ang nagpapalakpak. Napayuko siya bilang paghingi ng sorry dahil hindi bastang kahihiyan ang nagawa niya. Ang talim tuloy ng titig sa kanya ng bagong manager.

Dusthin! Dusthin?! Dusthin Villaderas Nieras???!!! Paulit-ulit na umalingawngaw sa kanyang isip. Iyon lang ang tanging naririnig niya kaya pati speech ng outgoing manager ay hindi na niya naunawaan. Maya-maya pa ay isa-isa nang kinakamayan ni Dusthin ang lahat ng naroon. Tulala siya to the highest level. Nakatitig kay Dusthin at nakaawang ang bibig.

"Ellana...," muling siko ni Dexter sa kanya na ikinabalik niya sa huwisyo.

"Ah! Ahmp... ah... eh... w-welcome, welcome po sir?" Lulon ang dilang wika niya at asiwang iniabot ang kamay. Siya na pala ang kinakamayan nito at ilang segundo na rin marahil itong nakatayo sa harap niya. Nagdaop ang kanilang mga palad na lalong nagdulot ng pagtigil ng paggalaw ng lahat ng bagay para kay Ellana. Damang-dama niya ang kuryenteng dumaloy mula sa maiinit at malambot na palad ni Dusthin. At ang mga mata nitong nakatitig sa kanya ay tila nangungusap at nangingilala. His gaze is going rapidly into her system that she can't even know what to do. And those eyes of him are really sure that he knows this beautiful woman in front of him.

Ellana??? Sa isip ni Dusthin at napalunok. Hindi ito maaaring magkamali. Ang mukhang iyon na nagmamay-ari ng mapang-akit na mga mata; matangos na ilong; maninipis na labi; at katawang pinagpala ng alindog mula ulo hanggang paa – sigurado itong minsan na iyong nayakap, natikman, nakaniig and he's sure enough that every corner of that body is awakening his desire to be with her again. If possible.

Time FliesWhere stories live. Discover now