KABANATA II

35 6 0
                                    

KABANATA II

"MOMMY!??" Tila nagulat pang tawag-tanong ni Alhea nang dumating si Ellana buhat sa welcome party ng Triple J Hotel and Restaurant.

"Oh, bakit parang nagulat ka?" Usisa niya at kinarga ang anak na ilang buwan na lang ay mag-ce-celebrate na ng seventh birthday.

"You went home too early." Tugon nito. Tumingin siya sa wristwatch. Oo nga. Maaga pa ang uwi niya kumpara sa paalam niya kanina nang umalis para pumasok sa trabaho.

"What do you mean?"

"'Di po ba may party kayo?"

"Y-yes." Tugon niya at umupo sa sofang naghihintay roon. Kanina kasi sa party ay panay ang iwas niya para lang hindi siya makausap o makita man lang ni Dusthin. At noong makasilip siya ng tiempo ay dali-dali na siyang tumalilis.

"Bakit po umuwi kayo kaagad?"

"Kasi po darling ko...," inayos niya ang upo ng anak sa tabi niya at humarap dito bago nagpatuloy, "pagod na si mommy at inaantok."

"Aalisin ko po ang pagod n'yo." Wika nito at mabilis siyang niyakap at dinampian ng halik sa noo at sa labi. "Pagod pa po ba kayo?"

"Uhm, yeah." Nakangiti niyang tugon at pumikit.

"I will kiss you again." Wika pa ng malambing na anak at muli nga siyang dinampian ng halik. Mas madiin. Mas matagal.

Nagdulot naman iyon ng tuwa sa kanya. Nakapagbigay tuloy siya ng piping dalangin sa Maykapal dahil pinagkalooban siya ng isang matalino, mabait, masunurin, magalang, at malambing na anak. Naisip niya, kung makikita lamang sana ng kanyang ama at ina ang apo nilang si Alhea ay tiyak na matutuwa din ang mga ito. Dahil doon ay bahagya siyang nalungkot. Ang tagal na rin mula noong umalis siya sa El Nido, Palawan dahil sa pagtatakwil na ginawa ng kanyang Tatay Dado.

"What's wrong, mommy?" Nag-aalalang tanong ng anak.

"Ahm..., No. I'm just happy for having you anak." Tugon niya at niyakap ng buong pagmamahal ang anak.

"Mommy, can I ask a question please?" Pagkuwa'y tanong nito.

Saglit siyang natigilan. Para yatang ang mature ng anak niya sa pagdeliver ng tanong na iyon. Ganoon pa man ay sumagot naman siya.

"Ano iyon anak? Assignment ba?"

Umiling ang bata.

"Ano?" Naiintriga niyang tanong sa anak na nasa grade two na.

"Is your new manager, handsome?"

Natigilan siya. Naitatanong na ba talaga ng grade two pupil ang ganoong bagay? Well, malamang ay oo dahil nga nagtanong ang anak niya.

"Bakit? I mean. Paano mo nalaman na may new manager kami?"

"Nasabi po ni Daddy Alex." Pag-amin nito. "Gwapo po ba? Mas pogi kay daddy Alex?" Ulit nito sa tanong.

Tumango siya.

"Crush n'yo po s'ya mommy?"

Mas ikinagulat niya ang huli nitong tanong. Tuloy napaisip siya kung pa-seven years old pa nga lang ba talaga ang anak niya. Ganoong edad? Alam ang crush? Kung sabagay, iba na ang henerasyon ngayon. Hindi na tulad sa kanyang kapanahunan na sa ganoong edad ang alam ay maglaro ng Chinese garter at magbahay-bahayan.

"Saan mo naman nakuha ang ideyang crush anak?" Tanong niya sa halip na sagutin ang tanong nito.

"K-kay daddy din po."

Time FliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon