KABANATA XX

14 1 0
                                    

KABANATA XX

LUNES.
MAAGA pa ay nasa opisina na si Dusthin. Masarap pa rin ang mga ngiting tila ba napagkit na sa kanyang pisngi. Ngiting nagpapaalala kung gaano siya kasaya sa nangyari sa pagitan nila ni Ellana. Ilang beses din niyang sinubukang tawagan ang dalaga buhat pa kahapon pero hindi ito sumasagot. Siguro naman ngayong araw ay hindi na siya mabibigong kausapin ito.
Sa kabilang banda, Ellana is hesitant to report for work that day pero wala naman siyang gagawin sa bahay at baka kung ano pa ang isipin ni Dusthin tungkol sa kanya so she decided to come to the office.
Sa pinto pa lang ng hotel ay sinabihan na siya ng guard na dumiretso umano sa office ni Dusthin dahil iyon ang bilin ng binata kaninang pagpaso nito. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pang sumugod sa opisina nito dahil gusto rin niyang linawin ang lahat lalo na ang nangyari sa bahay nila.
“Come in.” Sagot ni Dusthin buhat sa loob nang kumatok siya.
Pagbukas niya ng pinto ay nakita niyang nakatayo si Dusthin pasandal sa harap ng mesa nito. Halatang hinihintay ang pagdating niya.
“G-good morning, sir.” Bati niya sa makahulugan nitong ngiting sumalubong sa kanya.
Hindi sumagot ang lalaki. Bagkus ay lumapit siya at akma siyang yayakapin pero tumanggi siya.
“Not because of what happened between us two nights ago ay pumapayag na ako sa gusto mo.” Masungit niyang wika at matatag ang mukhang nakatingin dito. Ang maamong mukha na bumati rito kaninay biglang napalitan ng galit na atagal nang nabuhay sa kanyang pagkatao.
“Oh, ang sungit mo naman.” Tugon nito na napa-atras. “Dahil ba hinatid ka ng asawa mo kaya gano’n ang sungit mo ngayon?” May pang-asar sa mga ngiti nitong sumilay sa labi. “Don’t ask me bakit alam ko? We have CCTV cameras.” Pag-una na nito sa maaari niyang itanong. At sa pagkakatanda niya, iyon ang unang pagkakataon na hinatid siya ni Alex. Para ba pangatawanan talaga ang planong pagselosin ito? Na hindi naman niya alam na batid na nito ang buong plano. Muling lumapit nang bahagya ang binata at akmang yayakapin uli siya nang:
““Again,” mabilis niyang wika na muling nagpahinto sa gawi ng lalaki, “not because of what happened between us two nights ago ay pumapayag na ako sa gusto mo.” Ulit niya sa unang sinabi dahil baka naging kawali ang tainga nito kanina kaya hindi nakuha ang sinabi niya.
“After all the things we’ve-,” hindi nito natapos ang sasabihin dahil pinutol aagad niya iyon.
“That was a mistake. Katulad ng pagkakamaling nagawa ko noong nagtiwala ako sa ‘yo. Noong ipinagkatiwala ko ang lahat sa kabila ng pangamba. The day when surrendered my all to you, including my virginity. Pero iniwan mo pa rin ako.” nagsisimula nang uminit ang sulok ng kanyang mga mata at hindi niya iyon gusto.
“Loving me was not a mistake. Ako ang nagkamali, Ellana. Please help me fix this.” Pagsusumamo ni Dusthin. Nakita na naman niya sa mga mata nito ang sincerity sa pakiusap subalit kailangan niyang maging matatag at ipakita ritong hindi siya affected sa paghingi ng awa. “And loving you was not a mistake too.” Pagpapatuloy nito. “The mistake was the time that I leave you behind.”
“Mabuti at alam mong mali ang nangyari, Dusthin. Ang sakit-sakit ng ginawa mo.” Pinipigilan na lang niya ang lumuha sa harap nito. “And before I forgot,” aniya at binuksan ang bag para kunin ang isang putting envelope, “I am resigning as an assistant chef. Thanks for the opportunity and learnings that this company imparted me.” Abot niya ng envelope subalit hindi iyon pinansin ng lalaki.
“I won’t accept that. Unless you resign from that position and willing to be my queen.” Humakbang ito palapit sa kanya. “You don’t need to do that, Ellana. Ano ba’ng problema at ayaw mong tanggapin ang sorry ko? Please do accept my apologies because every time na iniisip ko ang nangyari na iniwan kitang walang paalam at malaman ngayon na nagsasama kayo ng isang lesbian, nakokonsensya ako. Hindi ko matanggap sa isip ko na you are leaving with the same sex. That you are having an affair with the same gender.” Paliwanag nito na pinandilatan lang niya ng mata.
“Living with Alex is the right decision I’ve made in my life. Mas tama pang si Alex ang pinakisamahan ko kaysa sa kagaya mong may bayag nga wala namang paninindigan.”
“But Ellana, you don’t know my story. You don’t know what happened so please listen to me.”
Iniripan niya ito at tinabig ang mga kamay na ibig sanang humawak sa kanya.
“Maybe living with Alex is good for you now pero Ellana, do you think that is a healthy type of relationship and family?”
“Wala ka sa posisyon para husgahan kami. Wala ka sa posisyon para question-in kung bakit sa tomboy ako nakikisama ngayon. We love each other kasama ang anak naming si Alhea.” Galit niyang singhal dito. Total ay aalis na rin naman siya sa trabaho para hindi na makita pa si Dusthin ay sasamantalahin na niya ang pagkakataon na mailabas ang lahat ng galit niya. Huwag lang sana siyang magpadalang muli sa mga haplos at yakap nito kaya hangga’t maaari ay ayaw na ayaw niyang mahawakan siya nito.
Napansin niyang natigilan si Dusthin. Mataman siya nitong pinagmasdan. Ilang Segundo rin siyang nakipagtitigan dito subalit siya na rin ang unang nagbaba ng tingin dahil sa takot na baka madala na naman siya sa mapang-akit nitong mga mata.
“Sandali nga,” wika nito na hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya, “hindi kaya takot kang patawarin ako dahil takot kang malaman mo na ako ang totoong ama ni Alhea?”
Natawa siya ng bahagya sa tinuran ng binata na ipinagtaka nito. “We don’t have a child. Walang nabuo sa pagitan nating dalawa. Anak ko si Alhea at hindi ikaw ang ama.” Pinagdiinan pa niya ang salitang “anak ko.” “Wala tayong anak!”
“Are you sure?” May halong pang-aasar ang emosyon ng mukha nitong lumapit sa kanya na sinagot naman niya ng pagtango. “Kung anak mo si Alhea? Bakit pareho ang last name ninyo at wala siyang middle name.”
Napalunok siya. Ngayo’y alam na niyang palihim pala talaga siyang iniimbistigahan nito.
“It’s none of your business, Mister Nieras. Wala kang pakialam kung nakapangalan sa akin ang bata.”
“Imposibleng anak ‘yon ni Alex dahil kung anak n’ya ‘yon di dapat apelyido niya. So, anak natin?” Muli nitong diin sa unang ideyang pumasok sa isip.
“In your dreams, Dusthin. Hindi lang naman ikaw ang naging boyfriend ko after you left me hanging,” napataas pa ang kilay na turan niya, “besides, kung ikaw man ang ama ni Alhea ay wala kang karapatang makilala niya bilang ama dahil iresponsable ka.”
“Your words against mine are so harsh pero tinatanggap ko ‘yon kaya nga humihingi ng tawad ang tao hindi ba? Bakit parang ang laki masyado ng damage na nagawa ko sa ‘yo?” Sumeryoso nitong tanong at muling humakbang palapit sa kanya pero umatras siya.
“Bakit? Hindi nga ba? Hindi ng aba malaki ang naging perwisyo mo sa buhay ko? Kung alam mo lang, Dusthin. Kaya please, tigilan mo na ako. Lubayan mo na kami.”
“As you wish, Ellana. Pero oras na malaman ko ang totoo tungkol kay Alhea, I swear to God that I will do everything just to be with my daughter.” Mariin niyang wika at hindi hinayaang makapagsalita siya kaagad. “But please, maawa ka sa anak mo. Huwag mong hayaan na lumaki siya sa paniniwalang si Alex ang tatay n’ya.”
“Raising my child is out of your business. Mag-focus ka na lang sa pamamahala mo rito sa Triple J at hindi ‘yong nanggugulo ka ng buhay ng may buhay.” Wika niya sabay talikod dito pero nahawakan siya sa braso para pigilan. Iyong hawak na iniiwasan niyang mangyari. Iyong hawak na ayaw niyang maramdaman dahil sa totoo lang, hindi na naman siya sigurado kung hanggang saan ang tibay sa bawat hawak ni Dusthin sa kanya. She wanted more every time she feels him holding hers.
“Tell me what to do, mapatawad mo lang ako.” Pabulong pa nitong wika sa may puno ng kanyang tainga.
Mabilis niyang hiniklas ang sariling kamay bago pa man siya tuluyang bumigay.
“Talk to my parents. Ask their forgiveness. Dahil nasira mo man ang mga pangarap ko, mas nasira mo ang mga pangarap nila. Remember? Nangako ka sa kanila na hindi ako sasaktan?” Mahina subalit madamdamin niyang wika at mabilis na umalis sa opisinang iyon para umuwi.
Wala na siyang pakialam kung hindi tanggapin ang kanyang resignation. Ang mahalaga ay maiwasan si Dusthin na ayaw na niyang bigyang ng isa pang pagkakataon dahil sa takot na masaktan lang siya uli.
So paninindigan mo talaga ng pagkukunwari na may relasyon kayo ni Alex? Let us see kung oobra kayo sa susunod kong gagawin. Playing with me, is not a good sport. Sa isip ng naiwang si Dusthin.



Time FliesWhere stories live. Discover now