KABANATA VII

15 3 0
                                    

KABANATA VII

MAHIGPIT na yakap ang sumalubong kay Ellana nang tuluyan na siyang nakapasok sa gate ng bahay kung saan naghihintay ang anak at si Alex.

"Sorry I'm late." Wika niya at tumingin kay Alex.

"Okay lang po mommy." Tugon ni Alhea na humawak sa kamay niya at nagkayayaan na silang pumasok. Hindi na rin tumagal pa sa sala ang anak at inutusan na nilang matulog.

"Sino'ng naghatid sa 'yo? Wala namang sasakyan si Dexter di ba?" Tanong ni Alex nang nasa sala na silang muli. Sa pandinig niya ay iba ang tono ng boses nito sa pagkakabitaw sa mga salitang iyon.

"Umiinom ka?" Sa halip ay tanong niya. Napansin kasi niya ang beer sa ibabaw ng center table.

"Parang ako yata ang unang nagtanong." Walang kangiti-ngiti nitong tugon.

"Hindi ko alam kung ano'ng nangyari kay Dexter. Broken hearted siguro at naglasing. Nagtangka pa umanong mag-suicide." Simula niya at sinundan ng tingin ang paglagok nito ng alak. "Si Dusthin ang naghatid sa akin." Humina ang tinig na sabi niya sa huling sinabi. "Pasensya ka na."

"Wow! Ang sweet naman!!! Kina Dexter ka ba talaga pumunta?" seryoso pa rin si Alex pero hindi na niya iyon masyadong pinansin dahil ayaw niyang mapunta sa walang kwentang usapan ang lahat.

"O-oo. Lasing kasi si Dexter at 'yong pinsan niyang si JC 'yong maghahatid sana sa akin kaya lang manyak pala ang gagong 'yon. Tinangka akong rape-in. Mabuti at dumating si Dusthin at niligtas ako. Kung wala, baka na-rape na ako." Pagdedetalye niya sa seryoso nitong mukha habang hawak nito sa kanang kamay ang bote ng beer. Nang wala itong sinabi ay nagpatuloy siya. "Nabugbog siya ni Dusthin at baka nasa presinto na ngayon."

Tumango ito habang diretsong nakatingin sa kanya. Tahimik. Mukhang naghihintay ng susunod niyang sasabihin.

"Lumayo naman kami kaagad sa lugar. Kaya salamat sa Diyos at nasaklolohan ako agad. Pero nagtataka ako, Alex. Sabi n'ya kanina sinunsundan n'ya raw kami. Hindi ko lang natanong kung bakit. Pero may ibig yata s'yang alamin tungkol sa totoong lagay ko."

Tumingin ng diretso sa kanya si Alex. Hindi niya maintindihan kung bakit sa tagal na nilang magkasama nito ay bago lang siya nahiya sa titig nito. "Nagkausap din ba kayo habang pauwi?"

"Oo. Sabi pa nga idemanda raw namin si JC – iyong pinsan ni Dexter na muntik mang-rape sa 'kin. Pero sabi ko 'wag na. Sakit lang sa ulo iyon at anak pa ng Congressman."

"Bakit, exempted ba sa kaso kapag anak ng pulitiko?" tila may inis sa tinig nito at nagbukas ng isa na namang bote ng beer.

"Ganyan din ang sinabi ni Dusthin. Pero Alex, ayaw ko ng gulo. Okay nang ganito tayo." Tugon niya at umakbay dito. Tumagal naman iyon ng ilang segundo hanggang sa hawakan ni Alex ang nakaakbay niyang kamay sa balikat nito. Kinabahan siya. Subalit inalis lang pala nito ang kamay niya sa balikat.

"Hindi mo ba naitanong kung bakit ka n'ya sinusundan?" Tanong nito sa naudlot na usapan kanina.

"Hindi eh."

"Baka may ibig siyang malaman tungkol sa 'yo. Ibig ba niyang manligaw uli? Diyos ko naman, Ellana." Napailing pa ito. "Pagkatapos ng lahat lahat? Hayaan mo siyang mabaliw sa kahahabol sa 'yo. Hangga't maaari, huwag na huwag kang magpapautong muli sa lalaking 'yon. Sa gagong 'yon!" Diin nito sa huling sinabi.

Tumango siya at nagpaalam na maliligo at magbibihis. Ayaw na niyang mapunta sa kung saan ang kanilang usapan. Ayaw niyang mag-away sila ni Alex.

Time FliesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ