KABANATA XXII

33 1 0
                                    

KABANATA XXII

“ARE you alright?” Tanong ni Dusthin kay Alhea na nasa back seat ng minamanehong sasakyan. Sinulyapan pa niya ang bata gamit ang front view mirror. Hindi ito nagsalita at sa halip ay isang simpleng ngiti lang sumilay buhat sa bibig nito. Hindi maikubli ng kanyang mga mata ang kaligayahang nararamdaman noong mga sandaling iyon habang kasama ang bata sa kabila ng pangamba sa katakot-takot na galit ni Ellana. “Don’t worry, we’re almost there,” dugtong pa niya at itinutok na sa daana ng atensyon.
“My mommy will get mad of me because of this.” Wika ni Alhea pagkuwan.
Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi bago nagsalita. “No. She won’t. Katulad ng sinabi ko sa ‘yo kanina, ipinasusundo ka niya sa akin dahil kailangan natin makipagkita sa friend kong Doctor. ‘Di ba nga busy pa raw si Daddy Alex mo kaya sa akin na lang siya nakisuyo.” Muli niyang paliwanag sa nauna nang sinabi dito kanina kung kaya nakumbinse niya itong sumama sa kanya lalo na noong ipinakita na niya rito ang identification card.
“Ano kayang ginagawa ni Daddy Alex eh palagi naman siyang may oras para sa akin.” Tugon nito at sumimangot. Napansin niya iyon kung kaya agad siyang nag-isip ng ibang mapag-uusapan huwag lang mag-iba ang takbo ng isip ni Alhea.
“Ahm… Baka may ibang ipinag-utos ang mommy mo.” Mabilis niyang wika. “H-hindi ba umaalis ng bahay ang Daddy Alex mo?”
“Hindi naman po. He is always by my side. Kaya dapat hindi po ako sumama sa inyo kasi I’m sure na susunduin po niya ako sa school.”
Patay! Sa isip niya. “Sadyang iba lang siguro ang araw na ito, baby. Isa pa, boss naman ako ng mommy mo kaya ka nga sumama sa akin ‘di ba?”
“Yeah.” Wala sa loob na tugon ng bata na nagdulot ng simpleng ngiti sa kanya. “Do you have a crush on my mom?”
Natigilan siya sa tanong nito. Sumulyap sa kausap saka muling tumutok ang tingin sa kalsada. Hindi niya inasahan ang tanong na iyon ni Alhea.
“Why should I? I mean, why did you ask that, baby?” Tila natamimi yata siya sa tanong nito at hindi agad alam ang eksaktong sasabihin.
“I don’t know. Maybe because I feel it.”
Bata ba talaga itong kausap ko? Tanong niya sa sarili na para bang na-windang sa katabilan ng dila ni Alhea na hindi niya inasahang sa ganoong edad ay para ng matanda kung makipag-usap. “Paano mo nasabing may crush ako sa mommy mo?” Tanong na naisatinig niya. Pakiramdam niya ay mas lalong nabuhay ang dugo niya dahil sa madaldal na kausap.
“You visited our house,” simula nito na nagpakaba sa kanya dahil baka ang tinutukoy nito ay noong gabing pumaroon siya, “when I and daddy Alex were playing a ball,” nakahinga siya ng maluwag sa huli nitong tinuran. “Baka po hinahanap mo si mommy no’n and then ngayon po, hindi mo naman ito gagawin kong wala po kayong crush sa mommy ko ‘di po ba?”
He sighed. Saglit na nag-isip kung ano ang isasagot sa bata. “Hindi ko na pwedeng maging crush ang mommy mo, she already has a husband, right? Ang Daddy Alex mo?” Tugon niya habang sa isip ay naglalaro ang mga katagang, goob job sapagkat sa pamamagitan ng simpleng usapang iyon ay makakakuha siya ng impormasyon. Hindi sumagot si Alhea sa tanong niya at mas pinili nitong tumingin sa labas. “Oh, what’s wrong? Tinatanong pa kita.” Muli niyang tanong dito subalit tahimik pa rin ito. Gamit ang front view mirror ay muli niyang sinulyapan at nasorpres siya na biglang naging malungkot ang ekspresyon ng mukha nito. “What happened? Are you alright?” Puno ng pag-aalala niyang tanong at iginilid ang sasakyan. Huminto sila roon at saka muli niya itong nilingon. “Anong nangyari? May mali ba akong nasabi?”
Umiling ito bilang tugon.
“So, ano’ng?” Hindi na tuloy niya alam kung ano ang gagawin. Naisaloob pa niyang huwag naman sana itong umiyak dahil hindi niya alam kung paano ito patatahanin.
“I don’t have a real dad.” Tugon nitong nakayuko ngunit ramdam niya ang lungkot na bumalot sa tinig nito.
“What do you mean?” Kahit pa may idea na siya tungkol sa totoong relasyon nina Ellana at Alex ay hindi niya akalaing batid pala ng bata ang totoong sitwasyon. Tuloy ay umalingawngaw sa isip niya ang binitiwang salita noon sa harap ni Ellana:
Huwag mong hayaan na lumaki siya sa paniniwalang si Alex ang tatay n’ya.
I was wrong. Sa isip niya at muling ibinalik ang atensyon kay Alhea.
“Si mommy na lang po ang tanungin ninyo. Hindi ko po kasi alam but she said that Daddy Alex is just her best friend kasi hindi naman po makakapagbigay ng anak si Daddy Alex.” Tugon nitong tila nairita sa ilang minutong paghinto nila sa bahaging iyon ng kalsada papasok sa clinic ni Dr. Sy.
Dahil sa tinuran ni Alhea ay mas naging mainit ang desisyon ni Dusthin na ituloy ang appointment sa doctor na kanina pa naghihintay sa kanya habang sa isip naman ni Alhea ay iniisip na ang mommy nito sapagkat batid nitong malalagot talaga ito sa mommy niya dahil mahigpit na bilin dito noon pa man na huwag sasama sa kahit na sinong tao lalo na kung hindi naman nito lubos na kilala. Hindi rin nga maipaliwanag ni Dusthin kung bakit mabilis niyang napaniwala ang bata.
I’ll face the circumstances later.  Sa loob-loob niya habang nagpatuloy na sa pagmamaneho at ilang saglit pa nang marating nila ang parking area sa harap ng clinic ng kanilang family doctor na si Dr. Sy.
“We’re here.” Aniya at nilingon si Alhea. Mabilis siyang lumabas ng sasakyan at pinagbuksan ng pinto ang bata saka inalalayang bumaba. “Don’t worry, we’ll be quick so we can proceed to your home later.” Dugtong pa habang nakasulyap sa wrist watch. Batid niyang nag-aalala na sina Ellana sa kalokohang ginawa niya ngunit ito lang ang tanging paraan para maisagawa ang nais.
Hawak niya sa kanang kamay si Alhea nang pumasok sila sa clinic at kaagad silang pinapasok ng Nurse on duty palibhasa sila na lang ang hinihintay ni Dr. Sy.
“Good afternoon, Doc.” Bati niya sa nakaupong Doctor na nasa humigit kumulang singkwentahin na ang edad.
“Have a sit, Dusthin. You’re almost in time.” Tugon nito at nakipagkamay sa kanya sabay dako ng tingin sa kasamang si Alhea. Hindi na ito umimik pa at kumilos na upang isagawa ang procedure para kumuha ng samples na gagamitin sa DNA testing nilang dalawa.

“KUYA ZANDRO, good evening.” Bungad ni Ellana sa guard-on-duty ng Triple J Hotel and Restaurant nang marating nila ang lugar. Mabilis din namang nag-response ang nasabing guard at hindi na siya nagpalingoy-ligoy pa sa pakay. “Nandiyan pa ba si Sir Dusthin?” Nanggigigil man sa galit ay sinikap niyang kumalma nang sa gayon ay hindi naman malaman ng iba ang personal nilang problema.
“Naku, Mam wala po siya kanina pang around 4:00 o’clock umalis at hindi na po bumalik.” Inosente nitong tugon. “May kailangan po kayo sa kanya? Nariyan pa naman po ang secretary niya. Maaari naman ho kayong pumasok.” Suhestiyon pa nito.
“Ganoon ba?” Tugon niyang lalong nanggalit ang ngipin dahil sa inis sa lalaki. Nakakarami ka ng lalaki ka! Sarap mong tadyakan! Sa isip niya at sumulyap sa wala pa ring imik na si Alex.
“Opo Mam eh. Kung gusto n’yo po hihingi ako ng contact number at address sa secretary niya.”
“Ah eh. Huwag na. Bukas na lang siguro. Medyo alanganing oras na rin naman eh.” Tugon niya at nagpaalam na sa kausap. Ilang hakbang buhat sa nasabing hotel ay tinawagan niya si Dexter at tinanong dito kung may cellphone number ba o address man lang ni Dusthin.
“Yes, meron naman. Nami-miss mo na siya baks? Sabi ko naman sa ‘yo huwag kang magre-resign eh. Ayan tuloy, ilang oras ka pa lang na wala sa hotel miss mo na siya kaagad.” Tugon nito sa kabilang linya habang pauwi sa tinitirhang apartment.
“Gaga! Problema ‘to. He kidnapped my Alhea!!” Inis niyang tugon na ikinabigla naman nito. Pakiramdam niya ay lumuwa ang mga mata nito habang nasa loob ng sasakyan dahil sa nalaman. “Wait, I’ll go there para makatulong.”
“Huwag na, baks. Kasama ko naman si Alex eh. Pasa mo na dito para mapuntahan namin.” Iyon lang at tinapos na ang kanilang usapan.
Ilang minuto ang lumipas nang matanggap nila ang text ni Dexter kung kaya agad nag-abang ng taxi si Alex at hindi naman sila nabigo sapagkat nakasakay naman sila kaagad.
“Dusthin is getting into my nerves! Ang sarap niyang durugin!” Nag-aapoy sa galit na wika niya habang nakatingin ng diretso sa daan.
Napalunok ng sariling laway si Alex at nag-aalangan man ay hinaplos pa nito ang likod niya na naghatid ng kaunting paghupa ng galit na nabubuhay sa buong katauhan. Sa halip na magalit pa dito ay hinawakan niya ng mahigpit ang kaliwang kamay nito bago nagsalita.
“Sorry sa pagtaas ng boses ko kanina,” simula niya habang hawak pa rin ang kamay ni Alex, “nakakainis kasi eh.”
“S-sorry, Ellana. Hindi ko naman sinasadyang mangyari ‘to. Sadyang gago lang ‘yang si Dusthin. Umaasa ba siyang anak ninyo si Alhea?” Kalma man ang tinig nito ay halata naman ang galit.
Hindi na siya tumugon at sa halip ay sinubukang tawagan ang cellphone number ni Dusthin na binigay ni Dexter ngunit out of reach ito. Isang attempt pa pero ganoon pa rin. Lalong nag-usok ang ilong nila sag alit dahil sinadya talaga ni Dusthin na hindi ito makontak. Mas lalo silang nag-apoy sag alit nang pagsapit sa condo unit ng binata ay wala ito at sinabi ng guard na hindi pa umano ito nakauuwi.
Nagtagal pa sila roon ng halos kalahating oras para hintaying dumating si Dusthin ngunit bigo sila.




Time FliesWhere stories live. Discover now