KABANATA XIX

17 1 0
                                    

KABANATA XIX

“REALLY?!??” Halos lumuwa pa ang mga matang tanong ni Mico sa kabilang linya habang kausap si Dusthin. Patanghali na iyon dahil hindi maikakailang napuyat ang huli sa nangyari kagabi.
“Yes, Mico. You hear it right.” Malapad pa rin ang ngiting tugon ni Dusthin matapos niyang ikwento sa pinsan ang isang tila extreme adventure na naganap sa kanyang pagpunta kila Ellana last night. At ang mas nagpabilib at para sa kanya’y pinalakpakan ni Mico ay ang sinabing may nangyari ulit sa kanila after almost seven years.
“How’s the feeling?” Para bang kinikiliti pa ring tanong nito. Iyon din ang araw na natawagan niya itong hindi nakaharap sa alak.
Bahagya siyang natawa at naupo sa favorite spot niya sa unit na iyon – ang harap ng center table kung saan nakapatong ang picture frame nila ni Ellana.
“Oh? What is funny? Mukhang ini-imagine mo pa yata ang nangyari ah.” Muli nitong wika nang hindi niya magawang tumugon sa nauna nitong tanong.
Napalunok siya. Bumuntong-hininga na nagdulot naman ng pagkunot ng noo ni Mico.
“Why, insan? Did you not enjoy having sex with Ellana last night?” Sarkastiko nitong tanong.
“Ang brutal mong magtanong palibhasa walang preno ‘yang bibig mo.” Tugon niya na tinugon nito ng peace sign.
“Eh ano’ng problema? Bitin?” Muli nitong tanong sabay hagalpak ng tawa.
Napasuntok na lang siya sa hangin sa inis sa kausap na mas lalo lang nitong ikinatuwa.
“Serious, insan. I confirmed the something na sinasabi mo sa akin after you watched the video I forwarded.” At sumeryoso na nga ang aura ng kanyang mukha habang nakaharap sa video camera. Umayos na rin si Mico dahil batid nito ang ibig sabihin ng ganoong seriousness na ayaw na niya ng lokohang usapan.
“What did you find out?” Seryoso rin ang timbre ng boses na tanong nito.
“Ellana is living with a lesbian. Alex is a lesbian.” He made it clear with Mico.
Napakumpas sa hangin si Mico at naghintay ng susunod niyang sasabihin pero hindi na siya muling nagsalita.
“So,” si Mico na ang nagbasag ng ilang segundong katahimikan between them, “hindi nila anak si Alhea?”
“Yes, probably. As I’ve told you before, pareho sila ng apelyido. And since Alex is a lesbian, it is now obvious that Alhea is her daughter…” He paused for a while until Mico concluded.
“And you might be Alhea’s father?” Patanong nitong dugtong sa sapantaha. Muli, hindi siya umimik. Sa isip ay naglalaro ang ilang possibilities na dapat niyang gawin para mapatunayan ang conclusion nila ng pinsang si Mico.
“If it is possible, I have now my reason why I really need to win her heart again.” Namutawi sa kanyang bibig habang ang mga mata’y walang kakurap-kurap.
“I’m happy for you, insan. Akalain mo ‘yon, may anak ka na pala.”
“Kaya siguro, gnao’n na lang ang kagustuhan kong balikan noon pa si Ellana.” “Well, hindi pa naman huli ang lahat.” Tugon ni Mico at ilang saglit pa ay tinapos na nila ng pag-uusap habang sa isip naman niya ay may namuong isang weird pero exciting na idea.

“NAKAALIS na ba si Dexter?” Bungad-tanong ni Ellana kay Alex nang madatnan itong nakatanghod sa may terasa ng kanilang bahay. Kauuwi lang niya buhat sa pagsimba kasama ang anak na kasalukuyang nasa kapitbahay dahil niyaya ng kalaro nito tuwing Linggo after nilang dumalo ng misa.
“Oo, kanina pa siya nakaalis. Thirty minutes siguro mula nang umalis kayo patungong simbahan.” Tugon nito at luminga ng paningin. “Nasaan si Alhea?” Tanong pa nito ng hindi mahagilap ng mata ang anak.
“Nand’yan sa kabila. Maglaro raw muna sila saglit ng ni Empress.”
Tumango ito bilang tugon sa tanong niya. “Hindi tuloy kayo nakadalo sa 6AM mass na palagi ninyong dinadaluhan. Pati ikaw napuyat sa kagagawan namin ni Dexter.” Pagkuwa’y wika dugtong nito nang tuluyan na siyang nakapasok. Umupo siya sa isang sofang naroon at si Alex naman ay pumasok sa kusina para kumuha ng malamig na tubig.
“Wala ‘yon. Minsan lang naman eh.” Pahabol niyang tugon habang sinusundan ito ng tingin patungo sa kusina. Ang kusinang naging saksi sa isang gabi ng lihim, pinanabikan at pinagsaluhang sandali nila ni Dusthin. Napalunok siya sa naalala. Nang makita niyang pabalik na sa sala si Alex at makita ang dala nitong pitsel na may lamang malamig na tubig ay napalunok uli siya. Pakiramdam tuloy niya ay lalong nanuyo ang kanyang lalamunan dahil doon.
“Nahiya nga ako sa ‘yo kasi nagpabuhat pa kami ni Dexter. Ang ganda ng pwesto namin kagabi. May tinatago ka palang lakas.” Napapangiti pa nitong wika habang umuupo matapos ilapag sa center table ang mga dala.
Pakiramdam niya ay namula siya sa binitawan nitong salita. Bago pa man siya mahalata ay mabilis na siyang kumuha ng tubig para kahit paano ay malamigan ang katawang tila nag-iinit sa isang usapang dapat maiwasan.
“N-naku! Kung alam n’yo lang kung paano ko kayo hinila-hila ni Dexter mapahiga lang kayo sa maayos na higaan.” Pilit niyang kinalma ang sarili sa pagtatago ng katotohanang naroon si Dusthin kagabi.
“Sorry na ulit.” Tugon nito at tumingin sa kanya.
Wala silang kaalam-alam na may isang binatilyong pasimpleng pumasok sa bakuran at kumubli sa may malapit ng binatan. In-on nito ang record button ng cellphone habang patuloy ang paglinga sa paligid dahil baka may makakita.
“Siya nga pala, ano na ang plano mo kay Dusthin?” Pagkuwa’y tanong ni Alex ng mailapag na niya ng basong pinag-inuman.
“W-wala. Ang totoo n’yan, gusto ko ng magresign sa trabaho.”
Nabigla naman si Alex dahil doon. “B-bakit?”
“Gusto kong lumayo kay Dusthin. Ayoko nang ginugulo niya ako and worst baka pati si Alhea ay madamay pa.”
“Akala ko ba ayaw mo na sa kanya?” Seryosong tanong ni Alex at lumipat ng pwesto. Umupo sa tabi niya.
“Yeah. Ayoko na sa kanya at alam mo ‘yon. Alam kong alam mo rin kung anong hirap ang dinanas natin matapos ng ginawa niya sa akin. Ayoko na guluhin niya uli tayo.”
“Pero, Ellana. Hangga’t hindi mo siya kinakausap ng maayos ay sigurado akong hindi titigil ‘yon lalo na kapag nalaman niyang tomboy ako ay baka isipin no’n na anak niya si Alhea.” Diretsong paliwanag ni Alex na nakatingin sa kanyang mga mata.
Natigilan siya. Saglit na nag-isip.
“Ano baa ng dahilan at tila ba tinatakasan mo siya?” Si Alex na naghihintay ng tugon niya ay tila ba nainip dahil sa tagal kung kaya ito na uli ang nagtanong.
Umiling siya. “I don’t know. Basta ang sigurado ako ay may namamahay na galit dito sa dibdib ko at hangga’t dinadala ko ‘yon ay ayoko siyang pakinggan. Ayoko siyang patawarin. Parang gusto ko siyang pahirapan. Magkandarapa muna siyang humingi ng tawad. Masaktan muna siya. Masiraan muna siya ng ulo sa pag-iisip kung bakit ganito na ako ngayon at kung siya ba ang ama ni Alhea.” Pakiramdam niya ay ay gustong kumawalang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata pero walang nangyari. Hindi niya maipaliwanag ang sarili kung bakit ang namutawing mga salita ay kabaliktaran sa totoo niyang nararamdaman.
“Ang lupit mo namang magparusa.” Tugon ni Alex na humaplos sa likod niya para kahit paano ay mabawasan ang namumuong sama ng kanyang loob.
“Hindi ba’t ganoon din ang ibig mong mangyari? ‘Yong makita siyang nababaliw sa kahahabol sa akin?” Pagpapaalala niya sa naging plano nila noon sa oras na bumalik ang lalaki na hindi nga nila akalaing babalik.
“Oo. Planong mabaliw sa paghahabol sa ‘yo.” Sang-ayon nito at idiniin pa ang salitang “mabaliw”. “Pero wala akong sinabing huwag mo na siyang patawarin.” Dagdag pa nito.
“Mapapatawad ko pa rin naman siguro siya pero hindi ngayon.” Saglit siyang huminto bago nagpatuloy. “Ano kaya kung paselosin natin siya. Pagpaniwalain natin siyang totoong may relasyon tayo. Let us make him believes na nag-asawa na ako ng lesbian.” Para bang lumiwanag pa ang mga matang wika niya.
“Seryoso ka sa naisip mong ‘yan?” Hindi makapaniwalang tanong nito.
“Oo naman. Para maranasan din niya kung paano mabaliw.” Matigas niyang tugon.
“Totoo namang may relasyon tayo ah.” Si Alex. “Alam mo kung gaano kita kamahal, Ellana.” Bigla itong sumeryoso.
Hindi iyon ang unang beses na umamin ng tunay na pagmamahal si Alex pero ayaw niyang paasahin ang kaibigan. Hanggang doon lang muna umano sila. Batid niyang naging unfair siya rito pero mas okay na iyon kaysa naman nagsasalo sila sa isang fake na pagmamahalan. Malaya namang magmahal ng iba si Alex pero kung may isa man itong tunay na minamahal ay noon pa ito lumayo dahil sa mga nangyari sa kanilang buhay.
“Alam ko naman iyon, Alex. Pero ayokong dayain ka.”
“Ayos lang ano ka ba? Ang makasama kayo ni Alhea ng halos pitong taon ay sobrang kaligayahan na ang nadama ko. At isa pa, ginusto ko ‘to kaya wala kang dapat ipag-alala.”
Biglang napakislot ang binatilong nagrerecord ng kanilang usapan na dahilan para maramdaman nilang may nakikinig sa kanila.
“Sino ‘yan?” Mabilis na tanong ni Alex at tumayo sabay dungaw sa bintana. Kasabay niyon ay mabilis na tumakbo palabas ng bakuran ang binatilyo.
Napatayo na rin si Ellana para makita ang nasabing nilalang. Sabay pa silang napalabas ng bakuran at walang suot na tsinelas maabutan man lang sana ang tumakboong binata na nagpatalilis na sa isang kanto at ni likod nito ay hindi na nila naabutan.
“Sino kaya ‘yong walang magawang iyon at nakinig pa yata sa ating usapan.” Tanong ni Alex habang naglalakad na sila pabalik sa loob ng bahay.
Umiling siya bilang tugon. Muling nanariwa sa isip ang ginawa ni Dusthin noong gabing pumunta ito sa kanila para makipagkita sa kanya.
Hindi naman siguro si Dusthin ‘yon. Sa isip niya at hindi na nag-abalang tingnan si Alex na kunot pa rin ang noo hanggang sa makapasok na sila.
“Mga kabataan talaga ngayon iba-iba na ang trip sa buhay.” Wika na lamang nito nang tuluyan na silang nakapasok hanggang sa nagpasya siyang sunduin na sa kabilang bahay si Alhea.

SA KABILANG eskinita lumusot ang binatilyong nagrecord ng usapan nina Ellana at Alex at mabilis itong pumasok sa isang nakahimpil na sasakyan doon na tila ito talaga ang hinihintay.
“Is it a good or bad news?” Tanong ng lalaki sa driver seat.
“Good news, sir.” Tugon ng binatilyo at iniabot dito ang cellphone na ginamit pang-record sa nasabing usapan.
Saglit na hinalungkat ang recorded file. Nagkabit ng head set at matamang pinakinggan ang usapan sa pagitan nina Ellana at Alex. Bahagya pa siyang napapangiti habang nakikinig. Nang matapos ay iniabot ang limang libong piso sa binatilyo.
“You may go. Tulad ng usapan. This is a secret mission. Understood?” Nilingon pa niya ito habang suot pa rin ang isang bonnet para hindi makilala.
Mabilis na yumuko ang binatilyo bago tuluyang lumabas ng nasabing sasakyan. Paglabas ng binatilyo ay agad niyang hinubad ang bonnet at tumingin sa front mirror. Ngumisi.
Good job, Dusthin! Puri niya sa sarili at muling pinakinggan ang recorded na usapan nina Ellana. Ilang sandali pa at pinasya na niyang umali sa lugar na iyon. I can’t imagine I’m doing this. Hindi na ako sigurado kung para pa ba sa paghingi ko ng tawad o para na kay Alhea na baka anak ko kay Ellana. Sa isip niya uli.
“Ano kaya kung paselosin natin siya. Pagpaniwalain natin siyang totoong may relasyon tayo. Let us make him believes na nag-asawa na ako ng lesbian.”
Muling ulit ni Dusthin sa bahaging iyon ng sinabi ni Ellana sa recorded conversation. Dahil doon ay sumilay ang pilyong ngiti sa labi niya.
“Do you wanna play games? Then, let’s play.” Katagang nanulas kanyang mga labi at itinuon na ang atensyon sa pagmamaneho.




Time FliesWhere stories live. Discover now