KABANATA VI

16 3 0
                                    

KABANATA VI

"ARE you okay?" Tanong ng lalaking nagtanggol ay Ellana habang nagmamaneho ito. Hindi pa rin nito hinuhubad ang bonnet na suot at nag-alcohol lang kanina bago sila tuluyang umalis sa lugar na iyon.

Hindi siya umimik. Sinagot lang niya ng tango ang tanong nito. "Salamat nga pala."

"Who's that guy?" Sa halip ay tanong nito.

Nag-aalangan man kung sasagutin ang tanong na iyon ay hindi na siya nag-atubiling magkwento total naman ay malaki ang naitulong nito.

"Si JC Velez. Cousin ni Dexter na katrabaho ko."

"Boyfriend mo?" medyo maintriga nitong tanong na hindi man lang siya inabalang sulyapan.

"Nope. Hinatid lang n'ya ako buhat sa apartment ni Dexter."

"Ah. 'Yong Dexter ang boyfriend mo?"

"Hindi rin."

"Eh bakit nando'n ka sa apartment ni Dexter at si JC ang naghatid sa 'yo?"

"Teka nga." Sabay tingin ng diretso dito habang ito naman ay sa daan nakatingin. "Boyfriend ba kita para magtanong ng ganyan? Saka isa pa, sorry ha. Pero sino ka ba at may pa-bonnet ka pang nalalaman?"

"Ipagpalagay mo na lang na ako ang captain barbell mo." Seryosong tugon at nag-play ng isang classic at sikat na kanta ni Kenny Rogers.

I can't remember when you weren't there

When I didn't care for anyone but you

I swear we've been through everything there is

Can't imagine anything we've missed

Can't imagine anything the two of us can't do

Through the years

You've never let me down

You turned my life around

The sweetest days I've found I've found with you

Through the years

I've never been afraid

I've loved the life we've made

Napansin ni Ellana na inaabutan siya ng panyo habang concentrate pa ring nakikinig sa kanta kaya mabilis niya itong tinanggap.

"Okay ka lang ba? It seems that you are crying. Siguro may naalala ka dahil sa kantang 'yan."

Hindi siya sumagot. Itinapat sa ilong ang panyong binigay nito at inamoy.

It smells good. Sa isip niya saka nagpunas ng mga luhang lihim na pumatak sa kanyang mga mata.

"Okay ka na?" Muli nitong tanong at pinatay ang tugtog.

Hindi siya sumagot dahil may namumuong inis sa kanyang puso.

"Ang sarap balikan noh? Ang sarap balikan ng nakaraan." Nakangiti nitong wika.

"Walang hiya ka!" Malakas niyang sigaw at hinampas ang lalaki. Mabilis niyang hinablot ang suot nitong bonnet. Nahawakan iyon ng lalaki kaya hindi siya nagtagumpay pero nagpumilit pa rin siya gamit na ang dalawang kamay. Hindi rin nagpatinag ang lalaki. Minsan pa niya iyong hinila nang hiklasin nito ang bonnet pabalik kung kaya na-out balance siya at bago tuluyang mauntog ay nasalo na nito ang ulo niya at mabilis na kinabig payakap sa may kili-kili nito. Nang tingnan niya ang mga kamay ay hawak niya ang bonnet. Pagtingin sa mukha ng lalaki ay mas lalong uminit ang ulo niya.

"Let me go!" Pumiglas niya. Naramdaman niyang patungo sa gilid ng kalsada ang sasakyan at huminto ito. "Walang hiya ka! Pa-disguised ka pang nalalaman." Tuloy niya nang pakawalan na siya nito kahit sa isang bahagi ng isip ay nanghinayang na umalis siya sa mga bisig nito. Matagal na rin ang panahong nakulong siya sa matipunong bisig na iyon pero mali.

"Sorry. Ayoko lang tanggihan mo 'ko after kitang ma-rescue." Tugon nito na seryosong nakatingin sa kanya.

"Ang dami mong alam, Dusthin." Ewan ba niya at sa mga oras na iyon ay casual ang pakiramdam niyang makipag-usap dito. Dala marahil ng naipong inis at galit sa binata. "Well, thanks for saving me. Iuwi mo na ako."

"Just give me another chance at iuuwi kita sa piling ko."

Muli niyang naramdaman ang inis pero sa kabilang sulok ng puso niya ay may naramdaman siyang kilig sa tinuran nito. Kilig na noon pa niya naramdaman. Kilig na noon pa niya gustong maramdamang muli pero bakit ngayong nandito na ay parang hindi na siya natutuwa at sa halip ay naiinis.

"Huwag na po kayong umasa, sir. Hindi na kayo welcome sa buhay ko."

Narinig niyang napa-ouch si Dusthin dahil doon pero hinayaan na lamang niya.

"But can you give me at least a chance na magkausap tayo ng maayos. Iyong usap na hindi ka galit para mapaliwanag ko sa 'yo lahat bakit nawala ako noon? Kahit iyon lang. If my explanations won't work, hindi na kita guguluhin. Gusto ko lang malinaw ang lahat. If it is a period then, let's close it. Let's close what we have started years ago." Ramdam niya ang sincerity sa tinig nito pero hindi pa siya handa. Kung alam lang niya ay labag din sa kalooban nito ang huling linyang binitawan. Hindi iyon ang ibig nitong mangyari. Ayaw nito ng closure kung pwede lang.

Sa kabilang banda, may takot siyang naramdaman sa sinabi nitong "if it is a period then, let's close it. Let's close what we have started years ago" ngunit higit sa lahat natatakot siyang pumasok itong muli sa buhay nila.

Ellana, usap lang. Walang sinabing nakikipagbalikan s'ya. Remind ng isip niya pero hindi iyon pinansin. "Pakihatid na lang po ako sa bahay, sir kung okay lang po." Pormal niyang naisatinig.

Hindi na sumagot pa si Dusthin at muli nitong binuhay ang sasakyan. Tahimik na tinahak ang daan patungo sa kanilang tahanan. Ibig sana niyang alamin dito kung paano sila nasundan kanina at paano nito nalaman ang kanilang address pero mas minabuti niyang manahimik na lang baka kung saan pa mapunta ang usapan.

Ilang minuto pa at si Dusthin na ang muling nagsalita. "Nakita ko na muntik kang pagsamantalahan ng lalaking 'yon. Gusto mo idemanda natin?"

"Huwag na po sir. Hindi naman siya nagtagumpay eh at isa pa anak siya ng Congressman."

"Who cares kung anak s'ya ng congressman. Bakit? 'Pag ba anak ng Congressman exempted sa kaso?"

"Dito na lang sa tabi. Bababa na po ako." Turan niya sa halip na tugunin ang sinabi nito.

"Dito na ba ang bahay ninyo?" Baling nito sa kanya.

Tumango siya at itinuro ang boarding house nila. Nanlaki pa ang mga mata niya nang makita sa may gate sina Alex at Alhea na mukhang naghihintay sa pagdating niya. Pigil-hininga siyang nagtanggal ng seat belt. Hindi niya gusto ang nakitang iyon ni Dusthin.

"Asawa't anak mo?" Tanong nito nang tapunan ng tingin ang mga nakatayo sa gate.

Tango ang isinagot niya rito.

"Nice. Pakilala mo naman ako."

"Next time na po, sir. Sorry. Pero salamat po ulit." At binuksan na niya ang pinto ng sasakyan habang sa loob ay naiwang nakakunot ang noo ni Dusthin.

Hindi na ito nagtagal pa doon at umalis na habang sa isip ay may nabuo na namang hinala.

I am not a judgmental person. Pero bakit parang may mali sa asawa ni Ellana? He sighed. Hindi kaya sa isip ko lang 'to? Hindi man kumbinsido ay may nabuong plano sa isip nito at kinalimutan ang sinabi kaninang tutuldukan na ang ano mang nasimulan nila noon. I need to investigate more.

Time FliesWhere stories live. Discover now