KABANATA XVII

7 0 0
                                    

KABANATA XVII

KINABUKASAN.
“’Nay? Nakauwi na po ba sila tatay?” Kaagad na tanong ni Ellana sa inang abala sa pagpiprito ng isda bilang ulam sa almusal. Medyo tinanghali kasi siya ng gising dahil sa puyat na nangyari kagabi. Halos hindi siya nakatulog sa pag-iisip sa ama at kay Dusthin.
“Ara pa ngani. Siguro ag elat pa dato nga magsayag ang tiempo.” (Wala pa nga. Siguro naghintay pa ‘yon na maging maayos ang panahon.) Tugon nito at nag-ihip sa apoy gamit ang “tayep” para bumalik ang siga nito kanina.
“Kawawa naman sila tatay. Sana okay lang sila.”
Napalingon sa kanya ang ina dahil sa tinuran.
“B-bakit po, ‘nay?” Tanong niyang nahiwagaan sa tingin ng ina sa kanya.
Napaismid pa ito bago tumugon. “Ing isip mo lang medyo si Dusthin. Pagpameyeng, Ellana. Asicasua imong pag-aradalen. Dan si Dusthin pira ca adlao mauli ren y Manila. Sasalan cao. (Iniisip mo lang yata si Dusthin. Tumigil ka, Ellana. Ilanga raw na lang uuwi na sa Manila ‘yang si Dusthin. Iiwanan ka rin.)
“Hala si nanay. Ang nega masyado. Ligo na po ako.” Mabilis niyang tugon at pumasok na sa banyo para hindi na makarinig ng ano pa mang sasabihin mula sa ina. Isa pa, iyon ang second day ng final exam at kailangan niyang magpaaga sa school sa kabila ng katotohanang hindi siya nakapag-review kagabi.
Eksaktong paglabas niya ay dumating na ang amang si Dado subalit hindi nito kasama si Dusthin.
“Pinauwi ko na diretso sa cottage para makapagpalit ng damit. Basang-basa kami pareho. Ang lakas ng ulan kaya nagsilong kami sa isang islang malapit. Marunong naman pala sa panglalambat ang batang iyon.” Wika ng ama nang magtanong siya tungkol sa sitwasyon nila kagabi.  “Gusto pa ngang pumunta rito para raw makita ka bago pumasok pero sabi ko huwag na baka magkasakit siya.” Dugtong pa nito.
Lihim naman siyang kinilig sa huli nitong sinabi at tila ang gaan ng pakiramdam niyang naghanda ng sarili papasok sa school. Wari niya’ nakalutang siya sa alapaap kahit na sa oras na sumasagot sa exam. Ang totoo pa nga ay mabilis niyang natapos ang exam na labis niyang ipinagtaka maging ng kanyang classmates.
“Iba na ang inspired.” Biro ng kaibigan niyang kinikilig pa rin kapag si Dusthin ang pinag-uusapan.

PAGSAPIT ng hapon ay hindi pa tumuloy sa pag-uwi si Ellana dahil kailangan niyang magduty sa Esmeralda Cottage subalit mas excited siya sa isiping makikita niyang muli ang binata.
“Kanina ka pa hinihintay ni Sir Dusthin.” Salubong agad ng isang staff nang katatapos lang niyang mag-log in. “Ang bilin niya. Pasok ka raw sa kwarto niya once you arrived.”
Napalunok siya sa sinabi nito. May excitement na naramdaman pero kaakibat niyon ang kaba. Dahan-dahan ang hakbang na binagtas ang pasilyong magdadala sa kanya sa silid ng binata. Pagdating sa tapat ng pinto nito ay nag-alangan pa siyang kumatok kahit pa nakaawang ng kaunti ang pinto nito. Muli siyang napalunok.
“Come in. I know you’re there.” Tinig ni Dusthin buhat sa loob ng silid.
Bumilis ang tambol ng puso ni Ellana. Iba sa ibang araw ang tibok ng puso niyang iyon. Puno iyon ng pananabik na makita ang binata. Ang tinig nitong pinakawalan kanina ay tila isang musika sa kanyang pandinig. Ang sarap pakinggan. Nanunuot sa kanyang kabuuan kaya napapikit siya sa kakaibang hatid ng pakiramdam na iyon.
“I said come in. What took you so long?”
Nagulat pa siya nang biglang imulat ang mga mata dahil sa malapitang tinig na narinig. Hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanya ang binata at kanina pa siya pinagmamasdan na tila ba sumasamyo ng masarap na sariwang hangin na nagmumula sa mabangong amoy ng lalaki.
“Ah… S-sorry,” hindi niya mahagilap ang tamang salita para makapalusot sa lalaki. Pakiramdam niya ay namumula siya habang nakatayo ito sa harap niya.
“Hmmm. Ikaw ha. Kitang-kita kong pinagsamantalahan mo ang amoy ko.” nakangiti nitong wika na nagpalitaw na naman sa malalim nitong dimple sa kanang pisngi na mas lalong nagpakilig kay Ellana.
Napakamot siya ng ulo. Wala nang masabi kung hindi ngumiti sa binata.
“K-kumusta?” Kahit paano ay nakabawi naman siya.
“Come in. Don’t be afraid,” sa halip na sagutin ang tanong niyang wika nito at nauna nang pumasok sa loob ng silid. Sumunod naman siyang hindi pa rin maalis ang kakaibang excitement dahil sa sitwasyong dalawa lang sila sa silid na iyon. “Have a sit.” Alok nito sabay turo sa upuang kahoy na naroon paharap sa maliit na mesa habang ang binata naman ay sa kama naupo.
“Thanks.” Kimi niyang tugon. “B-bakit hindi pa pala naitatapon itong bulaklak na inilagay ko since your first day? Medyo lanta na tuloy.” Tanong niya nang makita ang laman ng flower vase na siya pa ang nag-ayos noong unang araw na dumating ang binata.
“Hindi ko na pinatanggal sa naglilinis ng room. Kasi unang kita ko pa lang sa ‘yo no’n may kakaiba na akong naramdaman kaya sinabi ko sa sarili ko na ayokong ipabago ang ano mang naabutan kong ayos dito.” Mabilis nitong tugon na diretsong tumingin sa kanya. Napayuko siya dahil doon at nag-isip ng pwedeng ibang mapag-usapan.
Tumikhim siya. Tumingin sa bintanang nakaharap sa dagat. Payapa na ang paligid at wala na ang masungit na panahon katulad kagabi. Makulimlim pa rin pero hindi na umuulan. “How are you feeling?” Tanong niya rito at bahagyang sinulyapan.
“I am feeling in love with you.” Muli, parang musika sa pandinig niya ang tinig nito lalo na ang binitiwang salita. Tila ba napaka-swabe ng dating niyon sa kanya.
“Ah hindi po ‘yon ang ibig kong sabihin. What I mean is that, kumusta ang lagay ninyo ni tatay kagabi?”
“Maayos naman kami. I was happy kasi hindi ako pinabayaan ng future father-in-law ko.” Kampante nitong tugon na tumayo at lumapit sa kanya.
“Ang presko mo po sa lagay na ‘yan.” Napapangiti niyang wika subalit natigil nang maramdaman ang mainit na hininga ni Dusthin na malapit lang sa kanyang punong-tainga. Kinabahan siya. Pakiwari niya’y rumagasa ang libu-libong kakaibang pakiramdam sa kanyang pagkatao. Nanuyo ang kanyang lalamunan kung kaya napalunok ng laway.
“Of course, kasi alam kong hindi mo na ‘ko pahihirapan pa. I am confident enough that you and I will be together soon.” Hindi pa rin ito umaalis sa pagkakayuko at nakatapat pa rin ang mukha sa may kanang tainga niya at ilang Segundo pa nga nang idikit nito ang ulo sa kanyang pisngi na mas lalong nagdulot sa kanya ng magkahalong excitement at kaba.
“Ah, D-Dusthin,” ibig man ng katawan niyang tumagal sa ganoong posisyon ay minabuti niyang tumayo at saka humarap dito, “darating din tayo sa point na ‘yan pero baka hindi pa ngayon. Look. Nag-aaral pa ako at ayokong biguin sila nanay.” Seryoso niyang tugon na nagpatuwid na rin sa tayo ng lalaki.
“Hindi naman ako nagmamadali, Ellana. I am more than willing to wait for the right time.” Seryoso rin nitong tugon at humakbang palapit sa kanya. Iniangat nito ang kanang kamay at pinadapo sa kanyang pisngi. Napapikit siya sa kakaibang sarap ng sensasyong hatid ng palad nitong umayos sa kumalat niyang buhok sa mukha. Ang reaksyong iyon ay nagdulot ng simpleng ngiti sa binata dahil hindi man niya sabihin, batid nitong malaki ang pag-asa sa kanya na hindi naitatago ng kanyang body language.
Hindi nakatakas ang palad ni Dusthin sa kanyang pisngi dahil hindi man niya inutusan ang sarili ay may sariling isip naman ang kamay niyang hinuli ang kamay na iyon ng binata. Dahilan para malaman niyang mainit iyon.
“May lagnat ka?” Naalarma niyang tanong at hinigpitan ang hawak sa kamay nito habang ang isang kamay ay isinapo sa noo ni Dusthin. “Oh my God! You have a fever!”
“No! No! Wala ito.” Umiling pang tugon nito at hinuling muli ang dalawa niyang kamay sabay pinayakap sa katawan nito. Ikinagulat niya iyon pero sa kabila niyon, pakiramda niya’y nagdiriwang ang kanyang puso. Dikit na dikit ang kanilang katawan ang ramdam na ramdam niya ang kanilang mga pusong parehong mabilis ang pagtibok.
“Sinabihan na kasi kitang huwag sumama kay tatay.” Wika niya habang nananatili pa ring nakayakap sa binata. Ibig man ng isip niyang umalis sa ganoong pwesto ay tutol naman ang kanyang katawan maliban pa sa katotohanang hawak nito ang dalawa niyang kamay.
“Don’t worry about me. I will be fine soon.” Tugon pa nito. “Ops! Sorry!” Pagkuwan ay bigla siya nitong binitawan at humakbang ito paatras para sila maghiwalay. Ipinagtaka naman niya iyon pero agad naman itong nagsalita. “Baka mahawa ka.”
Napangiti siya dahil doon subalit sa kabila ng isang sulok ng puso niya’y namahay ang panghihinayang.
“Bibili lang ako ng gamot.” Sambit niya at anyong lalabas nang pigilan siya nito.
“No need. Nakabili na ako kanina at saka huwag mo ‘kong masyado isipin. Okay lang ako. Focus yourself sa exam. God bless. Galingan mo ah.” Wika nito at hinuling muli ang kanyang kanang kamay sabay ginawaran ng dampi at matamis na halik.
Dumaloy ang kuryenteng hatid niyon sa kanyang katawan. Bago sila tuluyang naghiwalay ay iniwan niya sa binata ang isang pangako ng pag-asa para sa inihahain nitong pagmamahal.

Time FliesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora