KABANATA V

26 4 0
                                    

KABANATA V

KANINA pa nag-ri-ring ang cellphone ni Ellana subalit di pa rin niya iyon magawang sagutin dahil siksikan pa sa jeep na sinasakyan niya. Hindi niya alam kung sino ang tumatawag pero hindi lang limang beses iyon tumunog kaya naalarma na siya.

Please come to my unit. I'm so down and don't know what to do. I want to end this fucking life of mine.

Iyon ang text na nabasa niya kanina mula kay Dexter bago siya umalis sa Triple J Hotel kaya nagmadali siyang umalis at sumakay ng jeep. Nag-overtime sila dahil may wedding event bukas at tiyak na magiging busy sila. Pero kaninang matapos ang pag-uusap nila ni Dusthin ay hindi na niya naabutan sa kitchen si Dexter dahil sumama umano ang pakiramdam nito. Hindi naman niya maitatanggi sa sariling nag-aalala siya sa kaibigan. Ito ang naging sandalan niya sa lahat ng oras lalo na pagdating sa trabaho.

Kung pwede lang liparin ang daan patungo sa apartment nito ay ginawa na niya. Ilang minuto pa nang may bumabang pasahero. Kahit paano ay medyo lumuwag sa pwesto niya kung kaya malaya na niyang nakuha ang cellphone.

7 missed calls. Iyon ang nabasa niyang naka-register sa screen. Mabilis niyang tiningnan kung kanino galing.

Alex? Basa niya sa may-ari ng missed calls. Kinabahan siya. Bihira lang tumawag sa kanya ang taong iyon. Madalas ay text lang kaya hindi na siya nag-abala pa ng oras at nag-call back dito.

"Sa'n ka na? Kanina pa ako tumatawag ah." Tanong nito sa kabilang linya. Medyo madiin ang boses nito pero hindi naman tonong galit.

"N-nasa jeep pa ako. Sorry di ko nasagot agad kanina. Siksikan kasi kaya hindi ko makuha ang cellphone. Papunta ako kay Dexter. Pupuntahan ko lang. Nakakaalarma kasi ang text n'ya. May problema ba d'yan?" Paliwanag at tanong niya habang ang isang kamay ay nakatakip sa kanyang bibig para maging buo ang dating ng boses niya sa kabilang linya sa kabila ng maingay na paligid.

"W-wala naman. Nag-aalala lang at saka hinahanap ka na kasi nitong anak mo."

"Ikaw na muna magpaliwanag. Uuwi rin ako agad. I'll just check Dexter." Pakiusap niya at tinapos na ang tawag sa kabila ng pagtataka dahil mula nang dumating lang si Dusthin madalas na siyang mino-monitor ni Alex. Ilang minuto pa at nakababa na siya sa tapat ng apartment na tinutuluyan ni Dexter. Matapos magpakilala sa security guard ay malaya na siyang nakapasok.

Mas lalo lamang siyang nag-alala nang hindi na makontak ang number ni Dexter kaya mabilis ang mga paang binaybay niya ang pasilyong maghahatid sa kanya sa unit nito. Pagdating sa tapat ng silid ng lalaki ay sunud-sunod ang pagkatok na ginawa niya kasabay ng nag-aalalang tawag.

"Dexter! Dexter!" Ulit niya sa mas malakas na tinig. "Dexter, si Ellana 'to!"

Kakatok pa sana siyang muli nang bumukas ang pinto. Nagulat siya sa tumambad na larawan ng silid nito. Nagkalat ang mga basyo ng hindi bababa sa pitong bote ng beer. Mga balat ng chichirya. Ilang upos ng yosi. Mga mangkok na wala nang laman at kutsara't tinidor na sa sahig na nakalagay.

Si Dexter naman ay nakahiga sa sofa. Walang pang-itaas na saplot. Tulog habang nakanganga. Magulo ang buhok. Halatang galing sa pag-iyak ang mga mata. Nagkalat din ang iba pa nitong mga gamit sa kama.

"Ah... M-miss?" Untag ng lalaking nagbukas ng pinto kanina sabay tikhim pa nito.

"Ahm... So-sorry. Nagulat kasi ako kaya hindi kita napansin." Tugon niya rito nang sulyapan. Nakatayo pa rin ito sa gilid ng pinto at kanina pa nanonood sa kanya. "I'm Ellana." Sabay abot ng kanang kamay.

Time FliesWhere stories live. Discover now