KABANATA III

29 5 0
                                    

KABANATA III

SINADYA ni Ellana na mag pa-late sa pagpasok nang umagang iyon. Ayaw nga sana niyang pumasok subalit pinilit siya ni Alex. Isa pa, nanghinayang din siya sa sasahurin sa araw na iyon dahil hindi birong kailangan talaga nila ng panggastos araw-araw. Nag-aaral pa ang anak na si Alhea at nagbabayad pa sila ng upa sa bahay.

Pagpasok na pagpasok pa lamang niya sa kitchen after niyang mag time-in ay sinalubong kaagad siya ni Dexter.

"Good morning, Ellana." Matamis ang ngiting bati nito habang ang ilang kasama sa kusina ay abala na sa kanya-kanyang gawain.

"Good morning, too." Walang feeling na ganti niya. Didiretso na sana siya sariling locker upang magpalit ng uniform nang magulat siya sa mabilis na paghawak ni Dexter sa braso niya.

"Hinanap kita sa party kagabi. But you're gone. Sa'n ka pumunta?" Usisa nito na di rin binibitawan ang braso niya na pinilit niyang binawi sa mahigpit nitong pagkakahawak. Ganoon talaga minsan si Dexter. Hindi nga niya alam kung totoong bi ito eh kung makaasta parang straight naman.

"Umalis ako kaagad eh. Medyo sumakit kasi ang ulo ko." Palusot niya.

"Sana sinabi mo para naihatid kita." Halata ang concern sa tinig nito.

"Kaya ko naman at saka ayokong masira ang gabi mo."

"Oo nga pala. Bago ko makalimutan. Kanina ka pa pinatatawag ni Sir Dusthin." Napakunot-noo siya. Biglang sumugod ang kaba sa dibdib niya. May kinalaman kaya ito sa pag-eskapo na ginawa niya kagabi?

"B-bakit daw?"

Nagkibit-balikat si Dexter. "Maybe, it's all about last night na umalis kang hindi nagpaalam kasi kagabi hinanap ka rin n'ya eh."

Hindi na siya nagtagal pa at mabilis na nilisan ang lugar na iyon. Gusto niyang makarating agad sa office of the hotel manager subalit pagdating doon ay tila napako siya sa labas ng nakasarang pintuan ng opisina ni Dusthin.

Dusthin Villaderas Nieras. Hotel Manager. Basa niya sa pangalang nakasabit sa pinto. Makailang beses na rin niyang binasa iyon ng tahimik sa pag-aakalang sa muli niyang pagbasa ay iba na ang pangalang nakasulat pero wala siya sa mundo ng mahika kung kaya minabuti na niyang pumasok. Siguro naman ay sapat na ang naipong lakas ng loob sa tagal ng tambay niya roon.

Iniangat niya ang kanang kamay. Kinuyom. Akmang kakatok sa pinto subalit tila naninigas iyon. Her arm is freezing. Parang ibig na lamang niyang umalis at huwag nang magpakita pa sa lalaking hindi siya sigurado kung kaya ba niyang harapin. Pero naisip niyang muli na baka nga may kinalaman ito sa naging asal niya kagabi. Naging bastos nga naman siya sa puntong umalis na hindi man lang siya nagpaalam. Kahit naman siguro sino ay ayaw nang nilalayasan ng wala man lang pasabi kahit "ha" o "ho" man lang. Ayaw din niyang makaapekto iyon sa trabaho niya dahil mahirap nang maghanap ng trabaho sa panahon ngayon.

Nag-ipon pa siya ng dagdag na lakas ng loob at tamang pag-angat ng kamay niya upang kumatok ay bigla na lamang iyong bumukas. Hindi naman siguro automatic ang pinto pero nang akmang papasok na siya ay bigla siyang nagulat at napa-atras. Hindi si Dusthin ang lumabas. Ang secretary nitong may dalang white folders na tantiya niya'y hindi bababa sa sampung piraso. Kung hindi siya nagkakamali ay 201 file nila iyon. Pinasundan niya ito ng tingin. Nag-isip. Bakit dala nito ang ilang 201 file ng mga empleyado gayong HR lamang dapat ang may access doon? Hmm, something is going on. Kung sabagay, manager naman si Dusthin at baka may kailangang pag-aralan.

Naiwang nakaawang ang pinto kung kaya dahan-dahan na siyang pumasok. Kasi hindi biro kung ilang minuto na ang nasasayang niya dahil sa karuwagan. Marami na sana siyang nagawa sa kusina kung nagkataon.

Time FliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon