Chapter 381

179K 5K 2.1K
                                    

A Mother

Pwede na siguro akong mag-apply na gwardiya. Magkano kaya sahod nila? Kaya kayang tustusan ang katakawan ko?

Kanina ko pa binabantayan ang Nanay ko. Mula sa laundry area, kusina, kwarto at kulang na lang pati sa banyo sundan ko siya. Muka ngang naiinis na siya sa 'kin.

"Bakit ba hindi ka manahimik sa isang sulok?" Inis na tanong niya sa 'kin. "Kanina ka pa sunod ng sunod."

"Binabantayan kita. Baka bigla ka mawala."

Tinaasan niya ko ng isang kilay. "Saan naman ako pupunta?"

Baka damputin ka na lang bigla ng mga pulis. 

"Baka lang magbalikan kayo ng ex mo," sagot ko at mabilis siyang sumibangot.

"Bakit ko babalikan ang Tatay mo?"

Naningkit ang mga mata ko. "Si Andy ang tinutukoy ko."

Agad siyang tumalikod at tinuloy ang ginagawang pagv-vacuum ng kwarto niya. Sige kaunti pa, medyo hindi halata na iniisip mo si Papa. Kaunti pa, galingan mo pa.

Sandali, pagt-tripan kita.

"Ano namang nagustuhan mo sa kanya?" tanong ko pero hindi siya sumagot. "Dali na, nagtatanong lang naman."

"Mabait, tinanggap ako kay may anak na ko, hindi nage-expect ng kahit ano mula sa 'kin at higit sa lahat mahal ako."

"NI PAPA?" Gulat na tanong ko.

Pinanlakihan niya ko ng mga mata. "Si Andy ang tinutukoy ko."

"Ay akala ko si Papa."

Bumalik siya sa ginagawa at pasimple naman akong natawa. Hinayaan ko muna siyang tapusin ang ginagawa bago ulit magsalita. Baka kasi mapikon siya sa 'kin at ibato na lang bigla ang vacuum.

Hindi rin naman siya nagtagal, binunot na niya sa saksakan ang vacuum at sinandal sa isang sulok. Binalikan niya ang kama para ayusin ang sapin at mga gamit na inalis niya sa pwesto para malinis.

"Pero mahal mo naman? Hanggang ngayon?" tanong ko at tinignan niya ko ng masama.

Pinakita ko naman sa kanyang seryoso ako kaya nakuha niyang hindi ako nagbibiro. 

'Yun ang akala niya.

"Siguro oo—."

"SI PAPA?" putol ko sa sasabihin niya at muntik na niyang mabato sa 'kin ang unan na hawak.

"Putrages ka! Do'n ka na nga sa labas!"

"Nagtatanong lang eh, bakit ba ang sungit mo? Menopausal ka na ba?"

Napabuntong hininga siya. "Wala ka bang ibang mapagtripan at ako ang naisip mong bwisitin?"

"Wala, tulog si Kuya, si Aries naman busy tapos si Tita Gema lumabas kasama si Tito Julz."

"Mag-review ka na lang. Exam niyo na 'di ba?"

Ngumiti ako ng malapad sa kanya. "Wag mo alalahanin 'yon. Masyado akong matalino para sa exam."

"Tangina sa kayabangan," sagot niya ng hindi ako tinitignan. "May pinagmanahan."

Akala siguro niya hindi ko narinig ang huling sinabi niya. Agad akong tumalon padapa sa kama matapos niyang ayusin ang sapin. 

"Kanino ako nagmana? Sayo? O kay Papa?"

Napairap siya. Halatang ayaw sagutin pero hindi ko siya titigilan. Tinuloy niya ang ginagawang pag-aayos sa mga gamit sa loob ng kwarto. Sunod niyang binalingan ang cabinet niya at inayos ang mga damit.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon