Chapter 382

120K 3.8K 1.8K
                                    

A/N: Yeih! Ito na. hehe

Spy vs Spy

Jay-Jay's POV

"Hayaan m lang magpahinga ang Nanay mo," sabi ni Tita habang nagluluto ng lugaw. "Nasobrahan na rin kasi sa kakatrabaho dito sa bahay."

"Feeling ko po kasi kasalanan ko," sagot ko naman.

 Nilingon niya sandali. "Bakit? Hinawahan mo ba ng sakit ang Nanay mo?"

Umiling naman ako. "Baka kasi na-stress siya kakatanong ko tungkol kay Papa."

Bahagya siyang natawa. "Hindi naman siguro."

Mula no'ng Monday pagbalik namin ni Aries hanggang ngayon may sakit pa rin si Mama. 2 days na ang nakakalipas pero hindi pa rin siya gumagaling. Panay lang tuloy ang lakad ko sa labas ng kwarto niya dahil hindi ako makapasok at baka lalo siyang ma-stress.

Epekto ba 'to ng kakabanggit ko kay Papa?

"What are you doing here? Tapos ka na ba mag-review?" bungad ni Kuya Angelo ng makita niya ko sa kusina kasama si Tita.

Nilingon ko siya. "Tapos na, tinulungan ako ni Aries."

"Bukas na ang exam niyo, kaya matulog ka maaga."

Hindi ako sumagot. Maaga pa naman para patulugin ako. Hindi pa nga kami naghahapunan. 

Dumiretso si Kuya sa ref at kumuha ng chuckie bago silipin sandali ang niluluto ng Nanay niya. Nagmukang bata si Tita dahil sa laki ng pinsan ko. Kanino niya kaya nakuha ang tangkad niya?

Baka sa totoong Tatay niya.

Gusto ko rin ng tangkad. Kung iinumin ko ba ang chuckie niya sa ref lalaki na ko?

Siguro, pero hindi dahil sa pag-inom ng chuckie. Baka dahil sa kakatakbo palayo sa kanya dahil pinakialaman ko ang pinaka-iingatan niya inumin. 

Nakalagpas na sa 'kin si Kuya ng marinig ko ang Maid na tinatawag siya. Pinuntahan naman niya 'yon sa sala. Aksidente kong narinig ang pagbanggit nila ng pangalan. Parang narinig ko pangalan ni David. Lumingon ako para tignan at subukang pakinggan ulit sila pero dahil may kalayuan na napilitan akong tumayo at sumunod sa sala.

Nagulat ako pero nagliwanag naman ang muka ko ng makita ko kung sino ang bwisi—bisita pala

"Ci, bakit ka andito?" bungad ko sa kanya.

Napatingin ako sa katabi niya na kausap ni Kuya. Si David 'yon na sandaling ngumiti at bumati sa 'kin bago ulit harapin ang pinsan ko.

Lumapit sa 'kin si Ci, at parang bata na humibi bago yumakap sa 'kin at umiyak.

Aruy, parang batang inagawan ng candy.

"Si . . . Si D-Drew." Umiiyak na sabi niya at bigla na lang akong kinabahan.

"Bakit? May nangyari ba?" Nag-aalalang tanong ko.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Mukang napahamak na si Drew. Wala kaming kamalay-malay sa nangyayari sa kanya kaya niya nagawang mag-traydor tapos ngayon ganito naman. Hindi man lang namin siya matulungan.

"Si Drew . . . Si Drew . . ."

Lalo akong kinakabahan sa hindi niya pagsasalita. Nagsimula ng maglaro sa isip ko ang mga masasamang bagay na pwedeng kinahinatnan niya. Parang maiiyak na rin ako. 

Jusko po, wag naman po sana.

"Ci . . ." Nanlalambot na tawag ko sa kanya.

"Si Drew . . . Si Drew . . ." Humikbi siya at pinunasan ang muka. "Si Drew, ayaw magbayad ng utang."

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon