Chapter 383

107K 3.3K 1.6K
                                    

A/N: Weeiihhh... hehe

No editing. Sorry sa wrong grammar

Tenant

Jay-Jay's POV

Hapunan! 

Nice, daming nakahaing ulam. Siguro dahil marami kaming bisita. Dito na rin kasi kumain sina Ma'am Cindy at Sir Alvin. Syempre hindi mawawala ang Batang Kumag, David, Yuri at Keifer. 

Ang dami ko tuloy kaagaw sa pagkain. 

"Hoy, maghinay-hinay ka nga sa pagkain," sita sa 'kin ni Aries.

"Mauubusan ako," bulong ko sa kanya.

Tinignan niya si Ci-N na sunod-sunod ang pagsandok na parang walang ibang kasalo sa hapag kainan. Napailing na lang ang kapatid ko.

Napatingin ako sa dapat na pwesto ni Tita. Wala sila sa hapag at hindi sumabay sa 'min dahil inuna niyang asikasuhin si Mama. Nakakahiya kung tutuusin kasi ako dapat ang gumagawa no'n sa Nanay ko. 

"Anong balak niyo?" tanong ni Kuya kay Sir na umagaw ng atensyon namin.

"Lipat bahay ulit, sukol kami sa unit mo," sagot niya.

Lumipat nga pala sila sa unit ni Kuya no'ng isang araw. Sobrang bilis nilang maglipat. Hindi ko nga alam na andon na sila kung pa sinabi ni Kuya. Pero bakit naman kaya sila masusukol sa unit ni Kuya, eh ang laki no'n? At sino namang susukol sa kanila?

Hala, baka mga inaanak or pinagkakautangan nilang pinagtataguan nila.

"How about you stay here?" tanong ni Kuya at sunod-sunod kaming nasamid nina Aries, Keifer at David.

Parang gago 'tong pinsan ko. Nakalimutan na yata niyang Teacher ko pareho si Ma'am at Sir, edi nalaman nilang hindi ako nag-aaral ng mabuti. 

Pero bakit nasamid 'tong tatlo na 'to?

"Kuya? Are you serious?" tanong ni Aries.

Pinagtaasan siya ng kilay ni Kuya Angelo. "Kanino bang bahay 'to?"

Hindi nakasagot si Aries at napainom na lang ng tubig para mawala ang pagkasamid.

"Does that mean, Yuri will stay here too?" tanong ni David at tinignan naman siya ng batang kumag sandali bago kuhanin ang manok na nasa plato niya.

"He had nowhere to go," kaswal na sagot ng pinsan ko.

"Then, I'll stay here too," sabi ng Hari at bigla na lang sinaksak ni Kuya ang tinidor sa manok na nasa plato niya. "Then I'll visit here frequently," pagbawi niya sa sinabi niya.

Takot ka no? Baka sa susunod ikaw na masaksak ng tinidor.

Lahat naman kami nagulat. Pati si Ci nailuwa ang nasa bibig dahil sa pagkabigla. Unang beses ko ring makita si Sir na napaiktad sa gulat at napahawak naman si Ma'am Cindy sa kanya. Si David din pero mabilis siyang nakabawi sa pag-inom ng tubig.

"Uuwi ng probinsya sina Mama at Tita Jeana. They will stay there for a while, kaya pwede silang mag-stay dito sa 'tin," paliwanag ni Kuya sa 'min.

Natigilan ako sa parte na uuwi si Mama at Tita sa probinsya. "Bakit sila uuwi?"

Hindi ko maiwasang matakot o mangamba. Baka mamaya hindi na makabalik si Mama dahil hinuli na siya ng pulis do'n.

Sumama kaya ako?

"Pinapauwi sila ni Lola, it has something to do with the property left by Lolo," paliwanag ni Kuya habang nakatutok sa pagkain niya.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon