PROLOGUE

1.5K 29 7
                                    

Tagaktak ako ng pawis nang makapasok ako sa loob ng airport at hindi ko rin alam kung saan ako puwedeng pumunta para hanapin si Sir Elton pero kusang tumatakbo ang mga paa ko na tila alam nito kung saan ako patutungo.

Habol-habol ko ang hininga ko at sa dami ng tao sa loob ay halos umikot ang paningin ko. Tila umiikot ang ulo ko at iba’t ibang mukha ang mga nakikita ko. Hindi pa rin siya sumasagot sa mga tawag ko kaya naisip ko na baka sinadya niya na huwag sagutin ang cellphone niya.

“Sir Elton!” sigaw ko nang hindi ko talaga siya mahanap. Kaya nagtataka tuloy ang mga tao sa akin kung bakit bigla akong sumigaw. Hanggang sa huling pagkakataon ay saka niya lamang sinagot ang tawag niya sa akin.

“Eyse?” Hindi ako agad nakapagsalita dahil sa bilis nang tibok ng puso ko nang marinig ko na ang boses niya mula sa kabilang linya. “Eyse...”

“N-Nasaan ka?” tanong ko at muntik pang pumiyok ang aking boses.

“Nandito ako,” sagot niya.

“Saan naman ’yan?” pangungulit ko. Saan ang tinutukoy niyang nandito at gusto ko siyang puntahan para makita siya.

“Nandito ako sa likod mo, Eyse. Tumingin ka...rito sa likuran mo,” sagot niya at ginawa ko naman iyon. Parang bumagal ang takbo nang oras nang makita ko na siya.

Nakatayo lang din siya, may kalayuan ito pero sapat na upang makita ko ang guwapo niyang mukha. Pinasadahan ko pa nang tingin ang kasuotan niya. Bihis na bihis siya at may hila-hila rin na maleta. Totoong aalis siya.

“B-Bakit...ang daya mo? B-Bakit basta ka na lamang nang-iiwan? Bakit aalis ka nang hindi man lang nagpapaalam sa akin?! Sino ang nag-utos sa iyo na umalis na lang bigla?!” sigaw ko at tumulo na ang mga luha ko na kanina pang nagbabadya na bumagsak.

“Eyse...”

“Bakit? B-Bakit aalis ka?” mahinang tanong ko at nagsisimula na akong humikbi.

“Hindi ba ang sabi ko sa iyo ay kapag kasama mo ako palagi ay magiging distraction mo lang ako para sa career mo?” tanong niya na inilingan ko.

“Ikaw... Ikaw lang...ang naging inspirasyon ko... Bakit magiging distraction ka sa akin, eh ikaw ang trainor ko,” ani ko.

“Eyse, hindi sa lahat nang oras ay kasama mo ako. Parang isa ka ring maliit na ibon na kailangang lumipad nang mag-isa kung tapos na siyang turuan ng mommy bird. Eyse, alam kong kaya mo na wala ako...”

“Alam ko... Sinabi mo na iyan sa akin, ’di ba? Natatandaan ko ang mga advice mo sa akin. Pero para saan naman ang pag-alis mo?” umiiyak na tanong ko pa rin.

“Hush now, baby... Hindi naman ako...mawawala nang matagal. Isipin mo na lang na nagbakasyon lang ako.”

“Pero iiwan mo ako, eh...” Sunod-sunod ang pagbuhos ng mga luha ko. Parang hindi ko kaya na hindi ko siya makita... Parang ang sakit lang ang isipin ko na nasa malayo na siya.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko mahulaan kung bakit ako nagkakaganito.

Dahil ba...mas higit pa ang nararamdaman ko sa kanya? Hindi lang ito pagkagusto?

“Hindi naman kita iiwan, eh. Don’t overthink, Eyse... Tahan na... Tahan ka na. Kaya ayokong magpaalam pa sa iyo dahil nahuhulaan ko na ang gagawin mo kapag sinabi kong aalis ako. Ganito ang mangyayari, Eyse... Iiyak ka...”

“S-Siyempre... Siyempre maiiyak ako dahil aalis ka... At mas iiyakan kita dahil hindi ka man lang nagpaalam sa akin! Aalis ka nang hindi ko alam... Ang s-sama mo... Ang sama-sama mo sa akin!” sigaw ko. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang likod ng kamay ko.

“Eyse, parang kailan lang noong mga panahon na nahihiya ka pa sa akin at nararamdaman ko rin na kabado ka sa tuwing nakikita mo ako pero ngayon... Kahit over the phone pa tayong nag-uusap ay sinisigawan mo na ako,” sabi niya na sinabayan pa nang mahinang tawa.

“B-Bakit? Bakit ka aalis ng hindi ka nagpapaalam sa akin?”

“Dahil alam kong mahihirapan lang akong umalis,” sagot niya.

“H-Hindi naman kita pipigilan, ah... Ang gusto ko lang ay makita ka bago ka aalis.... M-Mahirap ba iyong gawin?”

“I’m sorry, baby...”

“Kailan ang balik mo?”

“Hindi pa ako sigurado---”

“Ang sama mo!” sigaw ko at narinig ko ang halakhak niya.

“Eyse, tandaan mo lang palagi na huwag kang magpapaapekto sa mga problema na kakaharapin mo. Alam kong kaya mong solusyonan ang lahat ng iyon. Matapang ka, ’di ba? Kaya makakaya mo ang lahat ng iyan. Also, hanapin mo sa puso mo ang kapatawaran para sa nanay mo. Isa sa mga susi ng kasiyahan ay ang magpatawad, iyon ang simula ng bago at magandang buhay. Binigyan ka pa rin ng pagkakataon na makilala at makasama ang iyon ina, Eyse. Kaya huwag mo sanang sayangin ang pagkakataon na iyon.”

“Titingnan ko... Susubukan ko...”

“Sige na, Eyse. Tinatawag na ang flight ko.” Mas sumikip ang dibdib ko.

“M-Mag-iingat ka,” sambit ko at saka ko ibinaba ang tawag. Nakontento ako na titigan siya mula sa kinakatayuan ko.

Wala pa ring tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Hindi ko pa alam, hindi pa ako sigurado kung kaya kong...hindi ko siya makikita. Pero susubukan ko pa rin naman. Dahil alam kong ginagawa niya ito para sa akin.

Nakita ko pa ang pagngiti niya at saka siya dahan-dahan na tumalikod. Hindi ko man nasabi sa kanya na...
Mahal kita, Sir Elton... Mahal na mahal kita...

CDS #2: Fragile Ties of Passion (COMPLETED)Where stories live. Discover now