EPILOGUE

979 17 0
                                    

Epilogue

SIN ELTON BAUDELAIRE’S POV

SA isang school ko unang narinig ang boses ni Eyse. Hindi ko makita ang mukha niya noon. Dahil nakatalikod lamang siya habang nagpapatugtog siya ng gitara. Estudyante pa lang siya noon pero nakikitaan ko na siya ng potensyal sa music industry.

“Hey, there’s in a look in your eyes. Must be love at first sight. You were just a part of the dream. Nothing more so it seemed. But my love couldn’t wait much longer. Just can’t forget the picture of your smile. ’Coz every time I close my eyes. You come alive.”

“The closer I get to touching to you. The closer I get to loving you. Give it a time. Just a little more time. We’ll be together. Every little smile. That special smile. The twinkle in your eye. Give it a time. Just a little more time. So we can get closer.”

My plan at that time ay lapitan siya para bigyan ng offer na mag-audition lalo na malapit na rin ang audition sa Boses ng Pilipino. Pero hindi ko alam sa sarili ko noon kung bakit bigla akong nakaramdam ng hiya. Estudyante lang naman siya pero sobra na ang impact niya sa akin. That’s because of her voice.

Huminto na siya sa pagkanta dahil natapos na yata kaya hindi ko sinasadya na mapalakas ang pagsara ko ng pintuan sa takot na mahuli niya ako. Ang bilis nang tibok ng puso ko.

Parang bumalik lang ako sa pagkabata ko na nahuli ng crush niya dahil nakatitig ako sa kanya. I took a deep breath at iniwan ko na lamang ang keychain ko.

Alam kong isang kabaliwan ang naisip ko noon. Na puwede ko pa siyang makita ulit at makikilala ko siya gamit lang ang iniwan kong keychain sa pinto. Wala pa ngang kasiguraduhan kung makikita niya iyon o itatago para mahanap ang may-ari.

------------------

Pangalawang beses na nakita ko siya ay noong nag-audition naman siya. Hindi ko pa siya nakilala noong una. But believe me, hindi ko magawang alisin ang tingin  ko sa kanya.

Halatang bata pa siya pero kakaiba na ang ganda niya na parang hindi ka magsasawa na titigan ang maganda niyang mukha buong araw.

“What’s your name?” tanong ni Veronica sa kanya

“Eysella Romel po,” she uttered her name. Napakasimple ng pangalan niya at bumagay iyon sa kanya.

“Ilang taon ka na, Eysella?”

“18 po.” I didn’t mistaken. 18 years old. Estudyante pa nga siya.

“Ano ang kakantahin mo?”

“Ikaw, ang kanta po ni Yeng Constantino.” Sa napili niyang kanta ay inaasahan ko na ang mataas niyang boses but...

“Now go, show your voice to us.”

“Sa pagpatak ng bawat oras ay
Ikaw...” Hindi rin normal ang bilis nang tibok ng puso ko at nang bigla siyang tumigil sa pagkanta ay diretsong nakatitig siya sa akin at parang ako rin ang tinutukoy niya sa kanta.

Sa boses pa lang niya ay nakilala ko na. Malakas ang kutob ko na iisang babae lang ang kumakanta ngayon at sa babaeng nakita ko pa sa music room. Isang patunay lang ang gusto kong malaman, ang keychain kung nasa kanya pa nga ba.

“What’s wrong?” I asked.

“I think she’s not ready, how pathetic. Singing Contest ito pero mukhang hindi naman pala pinaghandaan
ng contestant.” As usual ay si Allona talaga ang magrereklamo. Ayaw niya ang palaging pumapalpak.

“She seems nervous, I guess so,” Veronica uttered.

“Send her out,” sabi ko. “Let her rest first, let’s give her five minutes to relax herself and send her here again,” I added.

CDS #2: Fragile Ties of Passion (COMPLETED)Where stories live. Discover now