CHAPTER 32

490 15 1
                                    

Chapter 32: Pagbabalik

TAPOS na rin ang second birthday party ko at ramdam na ramdam ko ang pagod ko pero worth it naman ang lahat ng iyon. Masaya naman kasi.

Ngayon nga ay naisipan ko ang gumala ng ako lang mag-isa at walang nakabantay sa akin. Nag-disguise ako siyempre para walang makakakilala sa akin. Ayokong pagkaguluhan ng mga fans ko.

Gusto kong gumala ng mag-isa, gusto ko ulit kasi maramdaman ang isang malaya na mamamayan. Iyong hindi ka kilala at parang simpleng tao ka lang naman.

Suot-suot ko ang pink hoodie ko, puting sumbrero rin at crop top ang panloob nito kaya kitang-kita ang pusod ko and my green cargo pants. White sneakers naman pababa. Nagsuot din ako ng aviator.

Lumabas ako mula sa condo na tinutuluyan ko. Yup, nasa condominium na ako at hindi na lang isang apartment. Kasama ko naman si Nanay rito at nag-stay na nga siya for good dito. Dahil na raw iyon sa akin.

Gusto niyang bumawi at punan ang mga pagkukulang niya bilang ina. Gusto niyang alagaan ako at makasama. Pinagbigyan ko naman siya dahil siya ang pa rin ang aking ina.

Inilabas ko ang susi ng kotse ko mula sa dala kong backpack. May sarili na nga akong sasakyan. Hindi ako ang bumili nito dahil gift ko ito from my mother. Tatanggihan ko pa sana pero ayokong sumama ang loob niya kaya tinanggap ko na lamang.

Binuksan ko ang pintuan at sumakay na rin ako sa driver’s seat. Sinukbit ko na ang seatbelt ko. Ang balak ko nga ngayon ay gumala na lang sa kung saan-saan at pupunuin ko ng maraming libro ang backpack ko.

May kilala akong sikat na mga author kaya ang mga book nila mismo ang bibilhin ko. Sana ay may mahanap nga ako, dahil palaging sold-out ang mga libro nila.

Nang pinapaandar ko na ang kotse ko ay siya namang pagtunog ng ringtone ko ng cellphone ko. Nakakonekta na ito agad sa speaker ko.

“Hello?” sagot ko mula sa kabilang linya.

“Nasaan ka ba, anak? Bakit wala ka sa kuwarto mo?” tanong sa akin ng nanay ko.

“Nagmamaneho po ako ng sasakyan ko, ’Nay,” sagot ko.

“Kung ganoon ay nasa labas ka? Eyse... Umalis ka lang ng mag-isa mo, anak?” muling tanong niya. Tumango ako kahit hindi pa niya ako nakikita.

“Opo, gusto ko lang pong mamasyal, eh. Na-miss ko lang po noong mga panahon na hindi pa ako singer at kayang-kaya ko pa hong gumala na wala akong ipangangamba. Iyong tipong hindi po ako pagkakaguluhan ng mga tao, Nanay,” mahabang saad ko.

“Ang sabi sa akin ng Tiya Beth mo ay hindi ka naman gumagala dati pa, eh. Kaya ano ang pinagsasabi mo riyan na na-miss mong mamasyal ng mag-isa?” natatawang tanong niya at napanguso ako.

“'Alam mo kasi, ’Nay. May una’t huling date po kasi ako five years ago. Iyon po ang tinutukoy ko na nami-miss ko. Hindi po iyong nasa Baguio pa ako,” pagdadahilan ko na ikinatawa niya lalo.

“O siya. Gawin mo ang gusto mo. Mamasyal ka, basta kung may makakakilala na sa iyo ay umalis ka agad, okay? Hindi iyong malalaman ko na napahamak ka na pala,” sabi niya. Alam ko naman na mag-aalala sila kung ganoon ang mangyayari sa akin.

“Huwag po kayong mag-alala, ’Nay. Naka-disguise po ako at alam kong wala pong makakakilala sa akin. Magsusuot din po ako ng facemask,” sabi ko.

“Sige na. Basta mag-iingat ka, anak.”

“Opo, ’Nay.”

Nang may madaanan naman ako na street foods ay ni-park ko muna sa gilid ng kalsada. Alam kong maaga pa pero gusto ko nang kumain ng street foods.

CDS #2: Fragile Ties of Passion (COMPLETED)Where stories live. Discover now