CHAPTER 7

420 12 6
                                    

CHAPTER 7: Sin Elton Baudelaire

KATULAD ng kanina nang kantahin ko na naman ang 'ikaw' ay napatingin na ako sa lalaki at laking pasasalamat ko, dahil panghuking liriko na iyon ng kanta. Hindi na ako napahinto pa.

Hindi na rin ako nagulat nang makita kong nakatutok talaga siya sa akin at alam kong matiim niya akong pinapanood.

Sumabong ang maraming palakpakan ng mga nanonood sa Singing Contest at natuwa ako nang nakatayo na ang mga hurado at sumabay sa palakpakan ng mga ito.

Ngumiti lang ako kasi parang naumid na naman ang dila ko at hindi na naman makapagsalita.

Tila maraming hangin ang nakapasok sa aking tiyan dahil sa sobrang tuwa na naramdaman ko sa mga oras na ito. Sobrang nakakatuwa talaga at napatingin ako sa direksyon ng pinsan ko.

Nakangiti siya at kitang-kita ko iyong pagpunas ng mga luha niya. Proud sa akin ang pinsan ko.

"She's so good!"

"I didn't expected this. Oh my, God!"

"Eysella Romel, right?" tanong ng lalaking hurado at ang boses niya ay namamaos. Maski yata ang boses nito ay parang musika at tilang umaawit na anghel.

Pinilig ko ang ulo ko dahil sa mga pag-iisip na iyon. Wala akong oras para manghusga ng kasisigan ng isang lalaki. Lalo na ngayon ay huhusgahan na ako ng mga hurado at dapat maging handa rin ako. Sa kung ano ba ang magiging resulta na ito.

Hayon na, nagsalita na siya. Kinakabahan man pero nilakasan ko ang loob ko at tiningnan ang lalaki.

"What do you think, Allona?" Napatingin siya sa kanan niya at marahil ito ang tinatanong niya. Iyong babaeng tinaasan ako ng kilay. Na mukhang maldita.

"Well," huminto na muna ang babae na nagngangalang Allona, saka tumingin sa akin, "At first, hindi ko na siya nagustuhan, dahil bigla siyang pumalpak. Before you enter the Singing Contest, please train yourself to be relax and be ready all the time. Nervous can't help you and that could lost your guts at the same time."

Ilang segundong tumahimik siya at humugot ng buntong-hininga na kinabahala ko na naman.

"You deserve my 'yes'," aniya at sa unang pagkakataon ay ngumiti siya sa akin pero saglit lang din iyon.

"Salamat po," sa wakas nasabi ko rin.

"Yes ako!" Nagulat naman ako sa sinabi ng pangalawang babae na hurado at natawa pa ang mga tao sa kanya. Noong sumigaw kasi siya ay may bahid na kasiyahan iyon.

"Yes, nakuha mo ako sa boses mo at pinakita mo talaga sa amin ang talento mo sa pagkanta. No to mention na, feel na feel mo talaga ang kanta. Kaya, yes."

"Salamat po."

"For me..." Bumilis na naman ang tibok ng puso ko at kung may anong mumunting ibon na naman akong narinig sa paligid.

"Ano ka ba naman Eyse! Maghunos dili ka nga!" suway ko sa sarili ko.

"I agree with Silverio, but your emotion isn't enough for me. May kulang ka pa and especially your voice. Dapat isa lang ang tono ng boses ng isang singer. You need to be stick to one pagdating sa boses mo but you can control it, kung mag-eensayo ka lang. Anyway," saglit na naman siya napahinto at sumandal sa likuran ng upuan niya. Iyong mga mata niyang nanghihigop ay nakatingin sa akin. "You'll do fine and good job, welcome to the Seven Real Entertainment, Eysella Romel."

"Maraming salamat po!"

***

"Congratulations! You're in!" masayang sambit na sinalubong ako kanina ng babae na nagngangalang Minny at kitang-kita ko rin ang kasiyahan sa mga mata niya. Iyong babaeng nagngangalang Ms Yena ay tahimik lang ngunit nakangiti naman ito. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko.

CDS #2: Fragile Ties of Passion (COMPLETED)Where stories live. Discover now