CHAPTER 34

525 12 0
                                    

Chapter 34: Pagkikita at Selos

KINAKABAHAN ako para sa araw na ito. Naudlot ang pagpunta ko sa Baguio para bisitahin sina Tiya Beth at Tiyo Geb. Miss na ko na rin kasi ang nakababatang pinsan kong si Enza.

Siguro next time na lang ulit ako pupunta. Kailan lang din iyong birthday ko at magkasama pa kaming lahat. Totoo naman kasi ang sinabi ng aking ina na iniiwasan ko lamang si Sir Elton.

Possible nga na magkukrus pa ang aming landas, nasa iisang kompanya lang kami. Ayoko lang na maiyak sa harapan niya. Pipigilan ko talaga ang sarili ko. Magmumukha lang talaga akong tanga, eh.

Maaga pa lang ay hinanda na ni Nanay ang damit na susuotin ko. Kailangan daw ay maging presentable ako dahil makikita raw iyon ng future singer ng SRE. Lumalabas na pabida-bida talaga ako.

Black crop top ang napili niya, malamang labas ang pusod ko rito. White loose pants naman pababa and black boots din. Comfortable naman ako dahil pataas lang ang sexy. Pinaikli ko na rin ang buhok ko kaya mas naging mataray tuloy ang looks ko.

“Hayan, ang ganda na ng anak ko,” tuwang-tuwang sambit ng nanay ko.

“Thank you po, 'Nay,” nakangiting pasasalamat ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya. “Mana raw kasi ako sa inyo,” dagdag ko pang saad.

“Agree ako riyan, anak. Pero ang kabaitan mo ay nakuha mo sa iyong itay. Dapat nga pala ay skirt ang isusuot mo para makita ni Elton ang bigay ng anklet sa iyo.”

“Salamat naman po at naisipan ninyo ang loose pants ko. Tatanggalin ko rin po ito, 'Nay. Makikita ninyo. Ha, suwerte niya po kung malalaman niyang nasa akin pa rin ito at iniingatan ko pa.”

“Hay naku. Tara na at baka mali-late ka pa.”

“Sino raw po ang mga kasama kong judge, 'Nay? Hindi po ba magtatagal ito ng two weeks?” tanong ko.

Last year ay kami nina Sir Efrain at ang isa pa nilang producer ang kasama ko. Si Ms. Allona? Civil na ang pakikitungo namin sa isa’t isa.

Humingi na siya ng paumanhin sa akin dati. Naiintindihan ko naman siya dahil mahal niya si Sir Elton pero balita ko ay nagdi-date na rin sila ni Sir Efrain. I’m happy for them though. Sana nga ay sila na lang dalawa sa huli. Bagay naman sila.

Sumabay ako kay Nanay sa kotse niya kahit may sarili rin naman akong sasakyan. Siya ang nagda-drive kahit nagpresenta ako na maging driver.

“Nandiyan sa loob ng paper bag ang coat mo, Eyse. In case na lamigin ka.” One-shoulder kasi ang style ng crop top ko at hapit pa talaga siya sa katawan ko.

“Nasanay na po ako sa lamig ng aircon, 'Nay,” ani ko.

“Do you think tama talaga ang hula mo na may girlfriend na si Elton?”

“Kung wala po, 'Nay. Sino naman ang babaeng kasama niya? Kung nakita ninyo lang po sila ay sweet sila sa isa’t isa pero hindi naman po sila bagay, eh,” ani ko at lumalabas ang pagiging bitter ko.

“Baka malay mo naman hindi naman sila mag-boyfriend at girlfriend,” wika niya.

“Imposible naman po iyan, 'Nay.”

“By the way, anak. May tumawag ba sa iyo kahapon?” tanong niya bigla.

“Tumawag po? Sino naman po?” kunot-noong tanong ko.

“Walang tumawag sa iyo kahapon?” curious niyang tanong at pinisil ko pa ang tungki ng ilong niya.

“546, last three digits po ng number na tumawag sa akin kahapon. Unregistered number po, Inay. Alam ninyo naman po na hindi ko sinasagot ang mga bagong numero na wala sa phonebook ko. Turo po iyan sa akin ni Ms. Yena,” ani ko at napatango siya.

CDS #2: Fragile Ties of Passion (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum