CHAPTER 28

362 8 0
                                    

Chapter 28: First and last date

"BUKAS na ang first debut mo at ang issue ninyo ni Elton ay hindi iyon nakabubuti para sa career mo. Isang taon ka ring nag-training sa pagkanta at mabilis man na umusad ang maganda mong career ay masasabi kong baguhan ka pa lamang sa music industry, Ms. Eyse. Ang pakikipagrelasyon sa isang lalaki ay magiging distraction mo lamang iyan. Hindi ka makakapag-focus sa goal mo," mahabang saad ni Ms. Lesse.

Kinausap niya ako para lang sa debut ko bukas at tungkol na rin sa issue namin ni Sir Elton. Na kumakalat na rin ngayon sa internet.

"Naiintindihan ko po."

"Isantabi mo muna ang buhay pag-ibig. Hindi ko ito sinasabi sa iyo dahil lang sa hindi kita gusto para kay Elton. Sinasabi ko ito sa iyo dahil katulad mo rin ako noon. Inuna ko ang pangarap ko kaysa sa pag-ibig na iyon. Ayokong... masira ang isang bagay na pinaghihirapan mo ngayon. Mahirap kung mag-uumpisa ka pa lamang kaya hanggang nandito ka na ay kailangan mong mag-focus as a singer."

Napatango na lamang ako dahil nauunawaan ko ang sinabi niya. Ang mahirap lang na gawin ay ang sinasabi niyang... isantabi ko raw muna ang buhay pag-ibig ko.

Wala pa nga, hindi pa nga opisyal ang relasyon namin ni Sir Elton ay talagang ang dami na ng may hadlang sa amin. Isa na roon ang career ko pero kung wala naman siya ay alam ko rin na wala rin ako rito sa mga oras na ito.

"Ms. Lesse, isa po sa inspirasyon ko si Sir Elton kaya huwag ninyo po sana akong sasabihan na kalimutan ko ang nararamdaman ko para sa kanya. Siya po ang nagbibigay sa akin nang lakas ng loob para magpatuloy. Kasi po kahit pangarap mo pa ang pagkanta ay kung wala ka namang inspirasyon at pinagkukuhanan nang lakas ng loob ay hindi mo maaabot ang posisyong nasaan ka man ngayon," makahulugang sabi ko na ikinahinto niya at parang nahulog siya sa malalim na pag-iisip. "Puwede po ba akong magtanong sa inyo?"

"S-Sige."

"May isang bagay o tao na po ba kayo na isinakripisyo para lamang matupad ang pangarap ninyo?" tanong ko sa kanya. Hindi nakaligtaan ng mga mata ko ang panginginig ng mga kamay niya. Nagtataka ako kung bakit parang kinabahan siya.

"Bakit...kung mayroon man ako na isinakripisyo noon ay ano naman sa akin? Ang mahalaga ay natupad ang pangarap ko," sagot niya sa akin.

"Masaya po ba kayo sa pinili ninyong landas?" muling tanong ko. "Kung may isinakripisyo man kayo noon, Ms. Lesse. Natupad man po ang pangarap ninyo ay pansamantala rin ang nararamdaman ninyo na kasiyahan. Kahit sariling pangarap natin ay mabilis din po tayong magsasawa sa buhay natin at hindi po natin makakalimutan ang isang bagay na iniwan natin noon. Sinasabi ko po ito sa inyo hindi dahil... nagmamagaling ako. Sinasabi ko ito ay dahil hindi na natin kailangan pang magsakripisyo kung pareho naman nating pagsabay-sabayin ang dalawang bagay na mahalaga para sa atin. Hindi sa aabot tayo sa puntong... pagsisisihan natin ang ginawa natin. Kaya kung marami po ang hahadlang sa amin ni Sir Elton ay hindi po ako magdadalawang isip na piliin siya kaysa sa pangarap ko. Ano pa po ba ang saysay ng career ko kung mawawala ang isang taong mahalaga pa kaysa sa sarili kong buhay? Habangbuhay ko rin po iyon pagsisisihan. Dahil hindi po lahat ng bagay na binibitawan natin ay bumabalik pa sa atin," mahabang saad ko at saka ako nagpaalam sa kanya.

Tumunog ang ringtone alert ng cellphone ko at nang makita ko kung sino ang nag-text sa akin ay napangiti ako.

Si Kuya Seb, nandito na yata sila.

"Sir Elton?" gulat kong sambit sa pangalan niya.

"Narinig ko iyon lahat. Mas pipiliin mo pala ako kaysa sa pangarap mo na pinangarap ko rin para sa iyo, ha?" aniya at marahan na pinitik na naman niya ang aking noo. Nakangiwing hinimas-himas ko iyon.

CDS #2: Fragile Ties of Passion (COMPLETED)Where stories live. Discover now