CHAPTER 18

365 12 0
                                    

Chapter 18: Elton's fiancé

TATLONG buwan pa ang nakalipas at ang akala ko na tapos na rin ang issue ni Ms. Allona tungkol sa unang kanta na na-released namin ay hindi pa pala.

Nang papasok na ako sa SRE ay sinadya niya akong puntahan sa studio. Masyado pang maaga kaya hindi pa dumarating sina Minny at Ms. Yena kahit nasa iisang apartment lang kami ng kompanya. Nauna na kasi akong pumasok, eh. Minsan lang kami kung magsabay kung wala kaming pasok pero bihira lang din ang walang pasok.

Kapag half-day ng klase namin ay dumidiretso rin naman ako sa SRE. Doon na rin ako nagpapalit ng uniporme ko.

"Bakit po kayo nandito, Ms. Allona?" tanong ko. Kahit masama ang tingin niya sa akin ay ginagalang ko pa rin naman siya. Ayokong magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa kanya. Lalo pa na producer nga siya ng kompanya.

"This is your second song na ire-release natin as soon as possible. Wala kang magagawa kundi ang pag-aralan itong kantahin, Eyse. Dahil wala rito ang fiancé ko para ipagtanggol ka." Humigpit ang hawak ko sa sling ng bag ko dahil sa sinabi niya.

Gagawin niya talaga ito para lang patunayan ang mga hinala niya? At nasaan naman si Sir Elton? Bakit sinabi niyang wala rito? Ano naman ang ibig niyang sabihin doon?

Hindi ko rin siya maintindihan kung bakit galit na galit siya sa akin. Kung tungkol naman ito kay Sir Elton ay dapat wala siyang ikabahala dahil hindi naman ako manggugulo. Nandito lang naman ako para sa pangarap ko. Kaya bakit at ano pa ang mga dahilan niya para gawin sa akin ang mga ito? Hindi pa nga ako nakapapasok ay alam ko na ayaw na niya agad sa akin.

"H-Hindi naman po ako pinagtatanggol ni Sir Elton, Ms. Allona. Trainee niya lamang po ako kaya mali po ang mga sinasabi niyo sa akin," depensa ko at ngumisi lang siya sa akin.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa sofa at dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin. May hawak siyang notes, baka iyong lyrics ng kanta na gusto niyang i-practice kong kantahin.

Umatras naman ako at napataas ang kilay niya. "Natatakot ka ba sa akin? Mukha ba akong masamang tao? Ah... Iba na pala ang tingin mo sa akin dahil na-discourage ka sa mga sinabi ko sa 'yo last three months, 'di ba?" nakangising tanong niya sa akin.

Matapang na sinalubong ko lamang ang mga mata niya. Wala akong dapat katakutan sa mga sinasabi niya sa akin at dapat paniwalaan ko ang mga sinabi sa akin ni Sir Elton.

"Bakit niyo po ba ito ginagawa sa akin? Wala naman po akong ginagawang masama," sabi ko.

"Wala ka ngang ginagawa, Eyse. Pero hindi ko gusto ang paglapit-lapit mo sa fiancé ko," walang emosyon na sabi pa niya. Hindi naman ako lumalapit, ah.

"Wala naman po kaming ginagawang masama. Tinutulungan lang po ako ni Sir Elton. Ms. Allona, huwag niyo pong bigyan ng malisya ang pagiging malapit namin sa isa't isa. Tinuturuan niya lamang po ako, eh," paliwanag ko.

Hanggang ngayon din ay walang sinasabi si Sir Elton na may fiancé na siya at ni hindi rin naman nagsasalita ang dalawa ko pang kasama tungkol sa kanila.

"Paanong hindi ko bibigyan ng malisya, Eyse? Isa kang...banta para sa relasyon naming mag-fiancé," mariin na saad niya. Paano naman ako naging banta sa relasyon nila? Hindi naman ako nanggugulo, 'di ba? Bakit naman niya iyon nasabi?

"Ano'ng ginagawa mo, Allona? Tinatakot mo ba si Eyse?" Hindi ko naman inaasahan ang pagdating ni Ms. Veronica.

Pumagitna siya sa amin at humakbang naman ako paatras. "Oh, nandito pala ang isa mo pang kasama, Eyse. Well, nagsama ang parehong...hmm..." sabi niya at pinagkrus pa niya ang dalawang braso niya sa dibdib niya.

CDS #2: Fragile Ties of Passion (COMPLETED)Where stories live. Discover now