CHAPTER 9

385 14 5
                                    

CHAPTER 9: Salo-salo

PAGDATING namin sa Baguio ay mukhang inaasahan nila ang pagbabalik namin ni Kuya Seb dahil nakaabang agad sila sa amin. Nakatutuwa naman dahil ramdam na ramdam ko ang pagsuporta sa akin ng mga kapitbahay ko at ang naniniwala sa kakayahan at talento ko. Nakatataba ng puso ang effort nila para sa akin.

"Pagbati sa 'yo, Eyse!"

"Sabi na, eh! Makakapasok ka, Eyse!"

"Binabati ka namin, Eyse!"

"Ikaw talaga ang pambato ng Baguio!"

"Maraming salamat po! Kayo po kasi ang naging inspirasyon ko, eh!" masayang saad ko at hinanap ng mga mata ko si Tiya Beth. Nakita ko naman siya sa pintuan na bahagya lang nakasilip. Nang makita nga niya ako ay bigla rin siyang umalis doon. "Pupuntahan ko lang po ang tiya ko," paalam ko sa kanilang lahat at patakbong pumasok sa munting tahanan namin. "Tiya Beth!" tawag ko sa aking tiya nang makapasok na ako sa loob ng bahay namin.

Wala sa sala ang aking tiya kaya nagtungo ako sa kusina. Nandoon naman siya at nagpupunas siya ng mga basang plato na katatapos lang din na hugasan. Nakatayo lamang siya malapit sa hapag namin. Nagkukunwari lang si Tiya na balewala ang pagdating namin ni Kuya Seb.

"Masaya ka ba, Eyse?" tanong niya sa akin nang hindi siya nakatingin sa direksyon ko. Hindi ko mawari kung galit ba si Tiya o masaya siya? Dahil ang kaswal nang pagkakasabi niya.

"Oo naman po, Tiya! Hindi ko po kayo binigo!" masayang bulalas ko.

"Tapos ang sunod mong gagawin ay aalis na rito sa bahay, tama?" tanong niya sa akin na ikinahinto ko. Lumapit ako sa kanya at umupo roon.

"Tiya, masaya po ba kayo dahil nakapasok po ako?" mahinahon kong tanong.

"Masaya ako, Eyse. Masaya ako sa mga bagay na nagagawa mo. Masaya ako sa mga achievements mo. Masaya ako sa lahat-lahat na may kinalaman sa 'yo. Pero hindi ko rin maiwasan ang malungkot dahil tama nga ang mga kuya mo. Darating ang araw ay sa ibang bahay ka na mananatili at aalis ka rin sa poder namin," sabi niya at nasa boses na niya ang lungkot.

"Tiya Beth..."

"Walang tiyahin na hindi masaya dahil may pamangkin siyang mabait at may talento sa pagkanta."

"Gusto ninyo po ba...na tigilan ko na lamang ito, Tiya Beth? A-Ayoko naman pong maging makasarili dahil inuuna ko po ang kasiyahan ko at pangarap ko kaysa sa inyo. Ayoko lang po na malungkot kayo ng dahil lang sa akin," mahinang saad ko. Isa sa pamilyang ito ang pinapahalagahan ko ng sobra-sobra.

"Eyse, mahirap ang kinalakihan mong pamilya, anak. Tingnan mo nga ang bahay natin, maliit lang at simple. Puro gulay rin naman ang ulam natin, ang agahan natin ay minsan saging lang. Ang kaya ko lang gawin sa 'yo ay ang pakainin ka ng apat o sampung beses sa isang araw. Isinasama pa kita para magtrabaho. Pinag-aral ka nga pero may plano pa ako na huwag ka na munang magkolehiyo sa susunod na taon. Ang habilin sa akin ng iyong Itay ay ang alagaan kita at ituring na parang tunay naming anak ng Tiyo mo. Nangako rin ako sa kanya na hindi kita pababayaan at palalakihin na may takot sa Diyos. Hindi naman ako nabigo sa mga bagay na iyon, Eyse. Nagawa ko naman ng tama ang responsibilidad ko sa 'yo," mahabang sabi niya at narinig ko pa ang pagsinghot niya. Iyakin naman pala talaga si Tiya.

"Bakit po ba ninyo sinasabi iyan sa akin, Tiya?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Sinasabi ko ito sa 'yo dahil alam kong aalis ka na. Tandaan mo, anak. Hindi ibig sabihin na hinahadlangan kita sa pangarap mo ay ayokong magkaroon ka ng marangyang buhay, na wala ka ng iisipin pa na problema. Hindi ko lang kayang magising na... araw-araw ay hindi ko nakikita iyang nakaiinis mong pagmumukha," sabi niya pero pumiyok pa ang kanyang boses at kitang-kita ko ang pagtulo ng mga luha niya. Alam kong nagbibiro lang siya sa huling sinabi niya.

CDS #2: Fragile Ties of Passion (COMPLETED)Where stories live. Discover now