CHAPTER 4

465 11 6
                                    

Chapter 4: Keychain

ISANG linggo na ang nakalipas simula nang nagkasagutan sina Tiya Beth at Kuya Seb. Nang dahil lang sa akin ay nag-away pa sila.

Hindi ko na nakausap pa si Tiya simula noon, saka iniiwasan niya na rin ako. Si Kuya Seb naman ay hindi ko na rin nakausap pa pero alam kong ginagawa lang naman ni Kuya ang gusto kong gawin.

Ang sabi rin sa akin ni Kuya Dez ay lalamig din ang init ng ulo ni Tiya at darating din ang panahon na papayagan na ako nito, para makapasok sa Singing Contest.

Pero isang linggo na nga ang nakakaraan, eh wala pang nangyayari. Malamig pa rin ang pakikitungo sa akin ni Tiya.

Mas gugustuhin ko pa yata iyong araw-araw niya akong sinisita. Kasi magkabati kami, hindi ngayon na walang kibuan at galit talaga siya sa akin. Hindi ko pa naman natatagalan ang galit sa akin ni Tiya.

Napabuntong-hininga ako at napatingala ako sa itaas. Nandito ako ngayon sa open field at nakaupo sa damuhan.

Masarap ang simoy ng hangin dito at medyo tahimik din. Makikita sa open field ang campus ng St. Baguio High School. Kahit pampublikong paaralan lang ito ay maganda naman ang mga silid-aralan at may silid-aklatan din naman kami.

Sinukbit ko sa balikat ko ang backpack ko saka ako tumayo. Kung ganito ang kalagayan ko ay dapat may bagay akong ginagawa. Lalo na kung mabigat ang pakiramdam ko.

Para gumaan ang bigat sa dibdib ko ay tinungo ko ang music room. Sa halip na pumunta sa cafeteria at kumain ng pananghalian ay tinungo ko ang silid kung saan na alam kong magiging masaya ako roon.

Katulad ng inaasahan ko ay walang estudyante sa loob. Malaki ang music room, dahil kompleto lahat ang instrumento nito. Nandoon ang byolin, gitara, piano at iba pang mga instrumento ng musika.

Nasa kanang bahagi ang malaking piano. Tatlo ito at nasa kanang bahagi naman ang mga gitara.

May mga cord at books para sa musika. Dito kami nag-eensayo sa loob ng music room na ito. At madalas dito rin ako tumatambay.

Umupo ako sa isang mataas na upuan na gawa sa kawayan ngunit maganda ang pagkakagawa nito.

Inabot ko ang gitara at ipinuwesto ko ito sa kandungan ko. Napatingin ako sa mga kamay ko at nag-iisip kung ano ba ang magandang kakantahin ko ngayon.

Oo, marunong akong maggitara. Si Kuya Seb kasi ay hilig niya rin ang magpatugtog ng gitara at tinuruan niya ako noon, siyam na taong gulang pa lamang ako. May interest naman akong matuto at saka, sira na rin ang gitara ni Kuya Seb, dahil may kalumaan na ito. Matagal na kasi niya iyon ginagamit eh.

At iyong kapitbahay namin na anak nina Aleng Saly na kaibigan ko rin ay may gitara rin sila. Minsan pumupunta pa ako sa bahay nila para lang manghiram.

Kaso nga lang, kailangan ko pang magtago mula kay Tiya at dapat sa mga oras na iyon ay wala akong ginagawa o tapos na ang gawain ko sa bahay.

Paano ba naman kasi, ayaw na ayaw ni Tiya ang kumakanta ako at masyado nga siyang mahigpit. Kailangan ay nasa bahay lang ako. Puwede naman akong mamasyal pero limitado rin ang oras ko.

Kung minsan din ay kung lumalabas si Tiya ay dapat sa bahay lang talaga ako manatili.

Nakalalabas lang yata ako kung pumapasok ako sa eskuwelahan o kung sinasama ako ni Tiya sa palengke. Oo, binabakuran ako ng tiyahin ko.

Naiintindihan ko naman kasi na nagdadalaga pa lang daw ako at baka pagpiyestehan daw ako ng kung sino-sinong mga tambay o lasenggero.

Lalo na raw sa panahon ngayon eh, marami na ang mga masasamang loob at walang pinipiling tao ang mga ito.

CDS #2: Fragile Ties of Passion (COMPLETED)Where stories live. Discover now