CHAPTER 23

343 8 0
                                    

Chapter 23: Komplikado

NAKANGITING pumasok na rin si Sir Efrain at katabi niya si Sir Elton. Kompara talaga sa pinsan niya ay siya ang mas masaya kung titingnan. Parang hyper din at mas maaliwalas ang bukas ng mukha niya.

Hindi naman katulad ni Sir Elton. Palagi itong tahimik at kung minsan ay seryoso lang ang mukha niya pero mabait naman siya kahit ganoon. Komportable rin ako na makasama siya, dahil siguro ay nasasanay na ako sa presensiya niya kahit na minsan ay nakakakaba pa rin siya.

"Kailan ka pa nakarating dito, Efrain?" tanong ni Sir Elton sa pinsan niya at parang ang tsismosa ko lang dahil hinintay ko rin siya na magsalita.

"Kadarating ko lang kahapon," sagot nito at sumilip sa akin. "Ang suwerte mo sa trainee mo, pinsan. Habang patagal nang patagal ay gumaganda na ang career niya. Napagsasabay niya ang pag-aaral niya at ang career niya. Sigurado ako na proud na proud ka sa kanya, 'no? May potensyal nga siya sa music industry," pangdadaldal pa nito. Nahihiyang ngumiti ako dahil sa sinabi niya na proud na proud sa akin ang pinsan niya. Isang papuri na naman ang natanggap ko mula sa kanya.

"Dapat nagpapahinga ka pa muna ngayon bago ka bumalik sa trabaho mo, eh," sabi ni Sir Elton na ikinalingon ko sa kanya dahil may bahid na inis ang boses niya.

Kunot-noong binalingan naman niya ako at nag-iwas lang siya nang tingin sa akin nang bumukas ang elevator. Napaayos ako sa pagkakatayo ko nang makita ko si Ms. Allona. Kasama niya si Ms. Veronica. Ang akala ko ay magkagalit silang dalawa pero kung titingnan ay parang magkaibigan naman pala sila. Siguro ay ayos naman na ang relasyon nila, isa pa matagal na rin naman kasi iyon, eh.

"Hi, Allona, Veronica," masayang bati pa ni Sir Efrain.

"Nakauwi ka na pala, Efrain. Kumusta naman ang pagta-travel mo?" tanong naman sa kanya ni Ms. Veronica.

"It was good. What are you waiting for? Pumasok na kayo," pag-aaya pa niya. Nanatiling walang imik si Sir Elton. Ni hindi niya binati ang nobya niya.

Nakita ko naman ang pagsulyap sa amin ni Ms. Allona pero bumaba lang iyon sa... Namimilog naman ang mga mata ko nang makita ko ang kamay namin ni Sir Elton. Hindi pa niya binitawan ang pulso ko at hindi ko iyon napansin. Hala naman baka kung ano na naman ang iisipin ng mga ito sa amin.

Kahit si Ms. Veronica ay napatingin din doon. Nang sinubukan kong bawiin ang kamay ko ay tila ayaw pa nitong bitawan pero nang mapansin niya ang pagkailang ko ay saka niya ako binitawan.

"Sorry."

"Kumusta kayo ng pinsan ko, Allona? Isang taon na ang nakalipas ay hindi pa ba naaayos ang relasyon ninyo?" bigla ay tanong ni sir Efrain.

"Efrain," sambit ni Sir Elton sa pangalan nito na may pagbabanta sa kanyang boses.

"Kailan mo pakakasalan si Allona, pinsan? Alam mong...matagal na kayong engaged," sabi pa nito.

"Hindi ito ang oras para pag-usapan iyan, Efrain," malamig na sabi ni Ms. Allona.

"Allona, alam mong nagpaubaya ako sa pinsan ko dati, ah. Dapat hindi masayang ang pagsasakripisyo ko."

Nagpaubaya at sakripisyo?

Ano naman kaya ang mayroon sa kanilang tatlo? Bakit tila involved na naman si Sir Efrain sa relasyon ni Ms. Allona at Sir Elton. Ano ba ang tawag doon? Love triangle? May ganoon kaya sa pagitan nila?

"Allona is right, Efrain. Huwag mong i-bring out ang topic na iyon especially may ibang tao rito," pagsingit ni Ms. Veronica sa usapan namin at napasulyap pa siya sa akin kaya iniwas ko sa ibang direksyon ang tingin ko. Ako kaya yata ang pinaparinggan ni Ms. Veronica na ibang tao.

CDS #2: Fragile Ties of Passion (COMPLETED)Where stories live. Discover now