CHAPTER 27

379 10 0
                                    

Chapter 27: Rumours & First kiss

"NO... Ms. Lesse, sorry po kung nagkamali na naman kayo ng hula," nahihiyang sabi ni Ms. Veronica at namumula pa ang magkabilang pisngi niya.

"Ha? N-Nagkamali na naman ako ng hula? Maliban nga sa dalawang babae na kilala ko ay kayo lang naman ang bumabagay kay Elton. So...sino naman ang ibang babae na tinutukoy ni Elton?" interesadong tanong niya at napatingin siya sa gawi ko.

Salubong ang manipis niyang kilay pero hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at matagal niyang tinitigan ang mukha ko. Nag-iwas din siya nang tingin sa akin at mukhang hindi niya ako nagustuhan sa paraan lang nang pagtitig niya.

Sa mga oras na iyon ay parang ang baba ng tingin niya sa akin at ganoon na rin ang naramdaman ko. Ayoko kasi na tinitingnan ako ng ganoon.

"I'm also disappointed, Ms. Lesse but I can't do anything about it. It was his decision and his choice to choose a woman na makakasama niya habang buhay. Nasa tamang edad na siya at hindi ko na siya dapat pinapangunahan pa sa mga bagay na gusto niya," mahabang saad ng Papa niya.

Hindi ko inakala na isa siya sa mga magulang na madaling umintindi sa mga anak nila at hindi na nila ito pinapangunahan pa sa desisyon na pinipili ng mga ito.

"Is that so? Sorry about that, Elton. I hope na maipakilala mo siya sa akin."

"No need to wait for that, Ms. Lesse," sabi ni Sir Elton at namimilog ang mga mata ko nang hawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop niya ang mga daliri namin.

"S-Sir Elton..."

"She's the girl I like the most, Ms. Lesse. Meet her." Mas lalong dumoble ang bilis nang pintig ng puso ko sa sinabi niya dahil ipinakilala niya talaga ako na ako nga ang babaeng gusto niya.

Sa harapan mismo ng kanyang ama. Si Sir Efrain ay parang proud pa siya nang sabihin iyon ng pinsan niya. Hindi ito nagdalawang isip na sabihin ang totoo.

"Glad to meet you, hija. Ikaw pala...ang babaeng nakakuha ng puso ni Elton. Well, magaling naman talagang mamili si Elton. Maganda ka at...simple lang."

Ramdam na ramdam ko ang pagbigat ng tensyon sa paligid namin pero nang maramdaman ko rin ang paghigpit ng kamay ni Sir Elton ay naglaho ang nararamdaman kong kaba. Napatingin ako sa kanya at ngumiti pa siya kaya wala akong dapat na katakutan pa. Ngumiti rin ako sa kanya pabalik.

Akala ko ay magiging madali para sa amin ang lahat. Dahil alam na ng Papa ni Sir Elton kung sino ang babaeng gusto niya at nasabi na rin niya sa harapan nina Ms. Allona at Ms. Veronica pero kinabukasan ay kumalat na ng tuluyan ang isyu namin, hindi lang sa SRE dahil lumabas din iyon sa karamihan.

Ang masama pa rito ay bukas na rin ang hinahanda naming first debut ko. Nagkalat din sa internet ang iilan na litrato naming magkasama. Doon lang din nailabas sa lahat ang mukha ko. Na kahit wala rin kasiguraduhan na kung ako nga ba talaga ang babaeng nasa litrato ay may pangalan pa rin ako.

"Gusto ka nga ni Sir Elton, Eyse." Nahihiya ako dahil marami na talaga ang nakaaalam.

"I can't believe this, Eyse. Kaya naman pala... napapansin ko na super lapit ninyo nga sa isa't isa," sabi naman ni Ms. Yena. Napahawak ako sa pisngi ko dahil alam kong namumula na naman ito.

"Eh, Ms. Yena... W-Wala naman po kaming... relasyon ni Sir Elton," pagtatama ko kasi baka isipin din nila na baka nga mas lumalalim na ang namamagitan sa amin.

"Ah. Hindi pa ba? Ano lang ang tawag? Mutual feelings? Iyong nagkakaunawaan na kayo," sabi niya.

"Yes, mukhang iyon nga ang mayroon sila, Ms. Yena," pagsang-ayon ni Minny at makikita ang kasiyahan sa mukha niya.

CDS #2: Fragile Ties of Passion (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon