CHAPTER 1

1K 19 9
                                    

CHAPTER 1: Her Dreams

EYSELLA ROMEL’S POV

“WHOA Eyse!”

“Ikaw na, Eyse! Ikaw na ang idol ko!”

“Eyse, ang ganda-ganda mo talaga!”

“Ang ganda-ganda ng boses mo, Eyse! Para kang anghel na nahulog sa langit!”

Napapangiti na lamang ako nang marinig ko ang sigawan ng mga fans ko. Ito talaga ang pinakagusto ko sa lahat. Ang papuri nila sa akin.

Hindi na maglaho pa ang mga ngiti ko sa labi at mas nagkaroon pa ako ng inspirasyon.

“This is my last song that I sang for you guys!” sigaw ko sa mikropono at sumabong ang malakas na palakpakan at ang mga sigawan nila. Buhay na buhay talaga ang dugo ko sa kanila. “Sabayan niyo akong kumanta, guys!” sigaw ko ulit at nagpatugtog na ang kasamahan ko.

Ngayong gabi ay kakantahin ko ang kanta ni Yeng Constantino, ang ‘Ikaw’. Ang paborito kong kanta. Magsisimula na sana akong kumanta nang makita ko ang Tiya Beth ko. Napahinto pa ako.

“T-Tiya Beth?” kinakabahan kong sambit sa pangalan niya at mabilis na tumingin ako sa paligid at parang nag-iba bigla ito. Alam ko na kung bakit nandito si Tiya!

Urgh! Tiya Beth!

“Hoy Eyse! Gising na! Gumising ka na! Ang batang ito, kahit na kailan ay tulog mantika talaga, oh! Eysella!”

Napabalikwas ako nang bangon, dahil sa malakas na boses ng Tiya ko at napabusangot na lamang ako sa napagtanto ko.

Kahit na kailan talaga si Tiya Beth ay panira ng moment! Palaging kontrabida sa buhay ko at maging sa panaginip ko ay naroon pa rin siya!

Hindi ba puwedeng manahimik na lang si Tiya Beth? Nakaiinis siya, palagi niyang sinisira ang panaginip ko! Kainis na talaga siya! Ang ganda-ganda na no’n eh.

“Eysella!” Napaigtad ako sa pagtawag ni Tiya sa akin.

“Oo na po, babangon na Tiya! Heto na nga, oh!” nakabusangot na sigaw ko.

Bumangon na nga ako at inayos ang pinagtulugan ko. Simpleng maliit na kuwarto lang naman ang mayroon ako. Maliit na kama na wala namang kutson, masakit siya kasi nga matigas, gawa sa kahoy, eh. May maliit na kabinet, kung saan naroon lahat ang mga damit ko. May maliit na mesa, maraming libro, ballpen at may maliit na silya.

Isang maliit na bintana na may puting kurtina na may tulipan. Gawa sa kawayan ang munting bahay namin. Kahit hindi masyadong malaki at may kalumaan na ay malinis naman ang bahay namin.

Sinuklay ko lang ang buhok ko na gamit ang mga daliri ko at lumabas na mula sa kuwarto ko.

Naabutan ko sa maliit naming kusina sina Tiya Beth, Tiyo Geb, sina Kuya Dez at Kuya Seb. Pati na ang cute kong batang pinsan na si Enza. Nag-iisang anak na babae nina Tiya at pinakabunso sa lahat.

“Magandang umaga po,” bati ko sa kanilang lahat at umupo sa tabi ni Kuya Seb.

Si Kuya Seb na mabait at guwapo, si Kuya Dez na masungit at guwapo rin naman siya.

“Magandang umaga rin sa ’yo, Eyse. Pero bakit hindi naman yata maganda ang mood mo ngayon?” tanong sa akin ni Kuya Seb at may ngisi pa sa labi.

“Sigurado akong nananaginip na naman ’yan ng maganda pero sinira ni Nanay,” singit na sabi ni Kuya Dez na hindi nakatingin sa akin.

“Tumpak Kuya Dez! Ikaw na po ang manghuhula!” tuwang-tuwa na sabi ko rito at napatawa sina Tiyo Geb at Kuya Seb. Si Enza na ngumingiti lang.
Sampung taong gulang na siya pero hindi mawalay sa tabi nina Tiya Beth.

CDS #2: Fragile Ties of Passion (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora