CHAPTER 3

470 15 7
                                    

CHAPTER 3: Galit

NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ko ang mainit na malambot na bagay sa pisngi ko at pababa sa leeg ko.

Nagmulat ako ng mga mata at nakita ko si Tiya na pinupunasan ako. Parang may malambot na kamay ang humaplos sa puso ko.

Kahit na hindi man ako sinusuportahan ni Tiya ay ramdam ko naman ang pag-aalala niya at pagmamahal sa akin.

Katulad naman ngayon ay inaalagaan niya ako. Sa edad kong ito ay heto't pinupunasan pa ako ni Tiya.

"Tiya," tawag ko kay Tiya at tiningnan niya ako. Nakaupo siya ngayon sa gilid ng maliit na kama ko.

"Ikaw talagang bata ka. Bago ka matulog ay maglinis ka na muna ng katawan mo. Ang tanda-tanda mo na at hindi mo inaalagaan ang sarili mo," pangangaral niya sa akin.

Napangiti na lamang ako sa tinuran ng Tiya ko. Ang suwerte ko rin kahit papaano, hindi ko man naranasan ang alagaan ng Nanay ko ay heto at pinaparamdam ni Tiya sa akin kung paano alagaan ng isang ina.

Kaya minsan talaga, naiingit ako sa iba. May kompletong pamilya, may Nanay na mag-aalaga sa 'yo, magluluto at maglalaba. May Tatay na mag-aalaga rin sa 'yo.

At siya ang magtatrabaho para sa kabuhayan ng pamilya niya at para sa kinabukasan mo rin.

Naiingit ako kasi hindi ko alam ang pakiramdam ang mayroong mga magulang na tatawagin mong 'nanay at tatay,' hindi ko alam ang pakiramdam iyong kasama mo ang dalawang tao na dahilan para mabuhay ka sa mundong ibabaw.

Masaya kaya? Masaya kaya kung kapiling mo sila? Siyempre masaya, iyon ang nakikita ko sa mga masuwerteng tao na nandiyan ang mga magulang nila.

Inaalagaan, minamahal at pinapahalagahan. Masarap sa pakiramdam iyong lalaki ka sa poder nila.

Kaya kayo, hangga't nandiyan pa sa tabi niyo ang Nana't Tatay niyo, hangga't nabubuhay pa sila sa mundo ay alagaan niyo sila at mamahalin.

Kasi masakit kung wala kang mga magulang sa tabi, masakit kung hindi mo na sila makikita pa. Masakit na masakit talaga siya.

Bumalik sa realidad ang pag-iisip ko nang maramdaman kong may pumitik sa noo ko at napahawak ako roon.

"Tiya naman, eh," nakangusong sabi ko.

"Bumangon ka na riyan, kakain na tayo ng hapunan mayamaya lang. Magpalit ka na ng damit," sambit ni Tiya at tumayo na siya sa pagkakaupo sa kama ko, saka siya lumabas sa loob ng kuwarto ko.

Humugot ako nang malalim na hininga bago bumangon at lumapit sa kabinet.

Kumuha ako ng puting damit na medyo may kalakihan at itim na jogging pants.

Tumingin na muna ako sa maliit na salamin na nakadikit sa dingding na malapit lang sa maliit kong mesa.

Napangiti ako nang makita ang hitsura ko sa salamin. Ang suwerte ko rin sa mukha ko.

Maganda ako, haha. Iyong kilay ko na makapal at madalas sinasabi sa akin ng kaibigan kong si Macky na bawasan ko raw ito pero ayaw naman ni Tiya. Pagagalitan ako no'n sa oras na ginalaw ko ang kilay ko.

Iyong mga mata kong may kulay na tsokolate at may mahahaba at malalantik na pilikmata. May maliit at matangos na ilong, ang labi kong natural na pula. Saka makinis na pisngi. Pero...

"Naligaw ka na naman pimples?" nakangusong saad ko. Paano ba naman may pimples na ako sa kanang pisngi ko.

"Eyse!" Napaigtad ako nang marinig ko na naman ang boses ni Tiya. Kahit na kailan ay hindi talaga ako nasasanay kay Tiya.

CDS #2: Fragile Ties of Passion (COMPLETED)Where stories live. Discover now