CHAPTER 14

354 8 0
                                    

Chapter 14: Crush?

"OPO SOBRA. Ang Tiya at Tiyo ko lang po ang nagluto ng mga pagkain na nakahanda lahat. Tapos sa tulong pa ng dalawa kong kuya," pagbibida ko pa.

"Sir Elton, maupo na po kayo," pag-aaya ni Tiya Beth nang makalapit sa amin.

"Kahit tawagin niyo na lamang ho ako sa pangalan ko, Ma'am," sabi niya. Kahit sa Tiya ko ay super bait niya rin.

"Oh... Siya sige. Huwag kayong mahiya na kumain, ha? Kung may kailangan kayo ay nandiyan naman si Eyse."

"Maraming salamat po talaga!"

"Wala iyon. Sige na, kumain na kayo. Doon lang ako sa kanilang mesa. Eyse, ikaw na ang bahala, anak?" ani Tiya at hinagod pa niya ang likod ko.

"Opo, Tiya," sagot ko naman.

"Amoy pa lang ay masarap na," puna ni Ms. Yena. Magkatabi kaming nakaupo ni Sir Elton at nasa aming harapan naman sina Minny at Ms. Yenna.

Nasa kabilang mesa sina Kuya at tahimik na nanonood sa amin. Sinimangutan ko silang dalawa nang magtagpo ang mga mata namin. Bakit ganyan sila makatingin kay Sir Elton? Kanina pa sila sa school, ah. Parang nagkaroon ng atraso sa kanila na handa na nilang susugurin ano mang oras.

Hanggang sa hindi na nga nakapagpigil pa ang mga pinsan ko. Binuhat nila ang dalawang upuan nila at naki-table rin sila sa amin. Nagulat pa nga ang kasamahan ko sa biglaan nilang paglapit.

"Hi, I'm Sebastian Salvatore. Nakatatandang pinsan ako ni Ella--- ni Eyse. Isa ako sa nagpapaaral sa batang iyan." Inirapan ko siya dahil sa itinawag niya sa akin. Hindi na kaya ako bata.

"Sin Elton Baudelaire, I'm her mentor," pagpapakilala naman ni Sir Elton.

"Dezustian Salvatore, isang taon lang ang agwat namin ni Eyse. Ikaw? Ilang taon ka na ba?" Ay, bakit iyon pa ang tinanong ni Kuya Dez? Kung sabagay naman maski nga ako ay hindi ko rin alam kung ano na ang edad ni Sir Elton. Alam ko naman na mas matanda siya kaysa sa akin.

"I'm 27 years old," sagot nito sa tanong ng aking kuya.

Twenty seven? 27 na nga siya? Mas matanda pa pala siya kaysa kay Kuya Seb, hindi lang sa akin.

"Ano ba ang tingin mo sa pinsan ko? Iyang si Eyse ay parang nakababatang kapatid na namin iyan," ani Kuya Seb.

Sina Ms. Yena at Minny ay patuloy lang sila sa pagkain nila pero nakikinig at nanonood pa rin sila.

"Kuya, ano'ng klaseng tanong po ba iyan? Bakit po ba kayo nangungulit sa amin?" tanong ko at pasimple ko silang pinandilatan ng mga mata. Pero hindi ko nakuha sa masamang tingin lang. Ang kulit nila talagang magkapatid.

"Ano ang tingin ko kay Eyse?" tanong ni Sir Elton at sinulyapan pa ako nito. Naninimbang na tiningnan niya ako. "Parang estudyante ko lang naman siya at ako bilang guro niya ay ginagawa ko ang lahat para maabot niya ang mga pangarap niya," dagdag pang sambit niya. "Parang isa ring kapatid at kagaya niyo ay isa rin akong kuya niya. Huwag kayong mag-aalala, wala naman akong masamang motibo sa pinsan ninyo," aniya at hayan na naman ang paninikip sa dibdib ko. Parang isang kapatid at kuya? Hays.

"Mabuti kung nagkaiintindihan tayo."

"Kuya naman kasi, eh!" sigaw ko sa kanila.

"Sige, kumain na kayo. Pasensiya na sa abala," sabi ni Kuya Dez saka sila bumalik sa puwesto nila kanina. Doon sila kina Tita Beth at Tiyo Geb. Pambihira naman sila, oh.

"Sorry po sa kanilang dalawa. Makulit po kasi sila, eh," sabi ko.

"I understand, Eyse. Siguro kung ako rin ang nasa sitwasyon nila ay baka ganoon din ang gagawin ko," ani Sir Elton.

CDS #2: Fragile Ties of Passion (COMPLETED)Where stories live. Discover now