Chapter 385

107K 3.4K 988
                                    

A/N: Thank you sa lahat ng bumati ng Author's Day. Hope you guys enjoy this update.

The Explorer

Bag pack . . . Bag pack . . . Bag pack . . . Bag pack . . .

Feeling ko talaga ako si Dora kahit nasa taxi naman ako at hindi naglalakad. Sinusundan ko ang jeep na sinakyan ni Drew. Ito talaga ang kalokohang pumasok sa isip ko. Napapapikit na lang ako sa metro ng presyo na babayaran ko. Mas lalo kasing lumalaki ang presyo habang tumatagal, dahil na rin sa bagal ng traffic.

Sana magkasya ang dala kong pera, kundi mapipilitan akong tawagan si Aries para manghingi ng pambayad. Eh hindi nga niya alam na nasa galaan ako. Pero nagtext naman ako sa kanya, sabi ko mauna na siya dahil may pupuntahan ako.

Hindi ko nga lang tinignan ang reply niya.

Wag sana niya kong isumbong kay Kuya Angelo. Syempre malilintikan ako ro'n, ayaw nga niyang ipaalam sa 'kin ang plano nila. 

Napatingin ako sa harap ng taxi ng huminto ang jeep at makita kong bumaba si Drew. Sinundan ko siya ng tingin sandali bago utusan ang driver na ibaba ako sa hindi kalayuan. Mabuti na lang at hindi na lumaki pa ang babayaran kong pamasahe. Agad akong bumaba at hinanap ang pakay ko.

Naglakad siya sa isang kalsada, dahan-dahan ko siyang sinundan para hindi ako mahalata, sunod tago sa mga pwedeng pagtaguan kapag lumingon siya. Tuloy lang ako sa ginagawa ko hanggang sa pumasok siya sa isang malaking lumang gate. Papasok 'yon sa isang subdivision.

Mga luma ang mga bahay, malalaki at matataas ang mga bakod ng iba. Parang ayaw ipasilip kahit pinto man lang. Siguro, sobrang yaman ng mga tao dito, tapos meron ding pinagtataguan. Dapat yata rito rin tumira sina Sir Alvin at Ma'am Cindy.

Walang gaurd na nakabantay sa gate. Sinubukan kong pumasok pero wala namang sumita. Nang sundan ko ang dinaanan ni Drew, hindi ko na siya makita. Bigla na lang siyang nawala. Hindi ko man lang napansin kung may pinasukan siyang gate o iskinita.

Hala, paano na 'to? Wala naman ako pwedeng pagtanungan.

Mukang kailangan kong isa-isahin ang mga bahay at maghanap ng pwedeng clue kung saan pwedeng nakatira si Drew. Iniisip ko namang tawagan si Blaster, kasi sabi ni Ci nakapunta na si Blas sa bahay nila. Kaso kung magtatanong ako sa kanya, baka isumbong niya ko kay Keifer o kaya sa iba pang kapwa niya Ulupong, edi nalintikan pa ko. Wag na nga, baka mapurnada pa plano ko.

Pilit kong tinandaan kung saan ko siya huling nakita. Tumayo ako sa parehong lugar at tinignan ang paligid. Sumilip ako sa kanan at sa kaliwa. Sinumulan kong lapitan ang pinaka-maliit na bahay sa paningin ko, kahit imposible dahil lahat naman sila malalaki. Sinilip kong pilit ang mga bahay sa maliit na siwang sa gate. Tumalon-talon din ako, nagbabaka-sakali na mataas akong tumalon. Kaso naalog lang ang kapiraso utak ko sa ginawa ko.

Bola 'yan?

Isang bahay na lang ang naiisip kong silipin, nakabukas ang maliit na gate nila pero hindi ko naman pwedeng pasukin at baka magalit ang may-ari ng bahay. Tanaw ko ang malaking bahay sa loob, pero sarado ang pinto at nahaharangan ang mga bintana. Gusto ko sanang lumapit para silipin pa pero nagbago isip ko ng may makita akong naglalakad na babae sa loob, meron siyang yakap-yakap na chess board. 

Napilitan akong bumalik sa kinatatayuan ko kanina. Wala akong makitang clue or possibleng bahay ni Drew. 

Kung umuwi na lang kaya ako.

Nanlulumo akong naupo sa sidewalk na my gutter. Buti na lang walang ibang tao kaya walang makakapuna sa pagkakaupo ko. Kukuhanin ko na sana ang phone ko para tignan kung may message ng may maramdaman akong tao sa tabi ko.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon