CHAPTER 1

932 32 86
                                    

Warning! ⚠️ This chapter contains mature scene. Read at your own risk.

Chapter 1

"Jomari, perfect."

"Wooh! Galing talaga, idol!"

"Ice cream na mamaya! Deserve natin mag ice cream!"

Nakangiting lumapit sa akin si Jom para kuhanin ang test paper niya. Binigyan ko rin siya ng proud na ngiti.

"Good job." Bahagya ko siyang tinanguan.

Gamit ang dalawang kamay ay inabot niya ang papel mula sa kamay ko. "Thank you po, ma'am." Bahagya siyang yumuko bago bumalik sa kaniyang pwesto.

Nagpatuloy ako sa pag a-announce ng score at pagbabaik ng test paper ng mga estudyante ko, pagkatapos ay dinismiss ko na rin sila kahit na may thirty minutes pa dahil wala naman nang gagawin.

"Maiwan yung cleaners, ha. Paki patay na lang yung ilaw at electric fan. Yung pinto rin, paki lock." Bilin ko sa iilang estudyanteng natira sa room.

"Bye, ma'am! Ingat po!"

I gave them a small smile. "Bye, ingat din. Wag nang pupunta kung saan-saan, diretso uwi na. Pag may nangyari sa inyo, absent." Biro ko at nag tawanan naman sila. "Charot lang. Basta mag iingat."

"Yes po, ma'am. Ingat din po." Sagot naman nila.

Bitbit ang laptop, pencil case, tumbler, at phone ko, ay umakyat na ako sa second floor kung nasaan ang faculty room. Iilan na lang din ang co-teachers ko dito, ang iba ay umuwi na ata, ang iba naman ay nasa klase pa.

Kumunot ang noo ko nang mapansin ang isang iced chocolate na nasa gilid ng table ko. Nang kunin ko iyon ay mayroon pang handwritten note na nakalagay sa ilalim.

Thank you, ma'am :)

Napangiti ako nang mabasa iyon. Naupo muna ako sa swivel chair tsaka ko binuksan ang cellphone ko. I dialed his number and waited for him to pick up. It took him some time to answer but it doesn't matter. Alam ko naman kasing nasa trabaho pa siya ngayon.

[Hello, babe?] Isang baritonong boses ang bumungad sa akin.

"Babe, thank you for the iced chocolate." Nakangiti kong saad habang tinititigan ang maliit na note.

Minsan kasi ay kinokontsaba niya ang mga ka-work mates ko para bilhan ako ng pagkain at maglagay pa ng note. Kaya tuwing may pagkain at note sa mesa ko ay alam kong siya ang may pakana no'n.

[Huh? Iced chocolate?] Nagtataka niyang tanong.

Pati tuloy ako ay nag taka na rin. Hindi ba sa kaniya galing 'to?

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko. "Ahm, oo, may iced chocolate kasi dito sa mesa ko." I shook my head lightly. "Nevermind, baka pala students ko yung may pakana nito. Marami kasi sa kanila, mataas yung score kanina sa quiz sa subject ko." Sagot ko na lang.

[Hmm, baka nga.]

Ibinalik ko naman agad ang ngiti ko. "Uwian na nga rin pala namin. Masusundo mo ba ako?" Umaasa kong tanong.

[Ah, sorry, babe.] huminga siya ng malalim. [May biglaang meeting kasi kami ngayong araw. Maybe tomorrow.]

I nodded. "Ayos lang. Ingat ka pauwi mamaya. Sa condo ka ba kakain?"

[Baka hindi na rin. Baka may food mamaya galing kay boss.]

"Hmm, sige. Take care, Tomtom."

[You too. Bye.]

"Bye."

Bumuga na lang ako ng hangin nang ibaba na niya ang tawag. Napapadalas ang meeting ni Tom these past few weeks. Ang sabi niya kasi ay on process na raw ang promotion niya sa kompanyang pinag tatrabahuhan niya. Naiintindihan ko naman iyon at wala iyong kaso sa akin. He's always been like that, workaholic but still finds time to be with me.

Second Time Around • SB19 Ken [On-going]Where stories live. Discover now