CHAPTER 38

581 21 22
                                    

Chapter 38

Kael's POV

Ligtas kaming nakabalik sa unit ni Ken pagkatapos ng nakakakabang pangyayari kanina. We waited for the police's report before going back. Pare-parehas kami ng reaksyon, disappointed.

I told Ken via message that we'll be back soon, so I guess he's been anxiously waiting for us. Ilang segundo lang ang lumipas matapos naming mag doorbell ay bumukas na agad ang pinto. Pagpasok namin ay sinalubong ako ni Ken ng yakap, he also gave Joshuel a bro hug, also ate Leah.

"Kumusta? Anong nangyari? Nahuli na siya?" Sunod-sunod niyang tanong.

Base sa reaksyon naming tatlo ay mukhang alam na niya ang balitang aasahan niya.

"Maupo muna tayo." aya ko sa kanila.

We went to the living room and sat on the sofa. Of course, Ken sat beside me.

Si ate Leah na ang nagpaliwanag. "Hindi siya nahuli."

Pure disappointment was written in Ken's face.

"Nahanap namin ang sasakyan niya, nalapitan siya ng pulis pero binangga niya yung pulis tsaka siya humarurot paalis. Balak ata niyang sundan si Kael at Joshuel, that means gusto niyang malaman ang tinutuluyan mo ngayon."

Ken scoffed. "Halata naman," he sighed. "Anong nangyari sa pulis? Tsaka dun sa babae?"

"Naagapan agad ng medic yung pulis. Yung babaita naman hinabol ng ibang mga pulis kaya nakipag karerahan siya. Imbis na habulin sila Kael, pilit niyang nililigaw yung mga pulis. In the end, she got trapped in a narrow street, kaya binangga na lang niya ang kotse sa poste tsaka siya umalis bitbit ang lahat ng gamit niya." Ate Leah answered. "I know what you're thinking, i-trace ang may ari ng kotse. Well, they have already done that, at lumalabas na for rent na naman ang kotseng 'yon at hindi siya ang nag re-rent, instead, she must be paying other people to rent it for her, para hindi siya mahuli." Napailing si ate. "Mautak ang babaeng 'yon."

Sumandal si Ken at napahinga nv malalim. I can see frustration in him, salubong ang kilay niya at seryosong seryoso ang tingin.

"I know it's frustrating. Naiinis na rin kami, natatakot na rin kami sa mga pwede niyang gawin. Kung dati hindi pa tayo natatakot sa pwede niyang gawin, well after everything that happened for the past few weeks, dapat na natin siyang katakutan." She sighed too. "She's so obsessed with you, gagawin niya lahat. She needs serious mental help."

Joshuel nodded in agreement.

"So, anong plano?" Ken asked.

"Just like before, be careful and be alert. Wala tayong magagawa kundi ang mag ingat babang naghihintay sa update ng mga pulis."

"The police are kinda suspicious tho," singit ni Joshuel.

"I know, may something din akong nararamdaman sa kanila. It felt like they're not doing their best to capture that girl. Hindi malayong may koneksyon din ang babaeng 'yon sa mga authorities kaya lagi siyang nakakalusot." Napailing ulit siya. "So disappointing."

I nodded to show my agreement.

After our short conversation, my stomach suddenly grumbled. Anong oras na rin, malapit na mag hapunan.

"Uhm, dito na lang kayo mag hapunan Joshuel, ate Leah." Aya ko sa kanila.

"Oo nga, kumain muna kayo bago kayo umuwi." Pag sang-ayon ni Ken.

Bago pa sila makapag isip ay nagsalita na ako. "Magluluto lang ako," paalam ko sa kanila.

Wala na silang nagawa nang tumayo na ako at dumiretso sa kusina. I cooked giniling for us since iyon ang una kong nakita sa ref.

Second Time Around • SB19 Ken [On-going]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt