CHAPTER 8

446 34 32
                                    

It's been a month since I last posted an update. I suggest you read the last part(Chap 7) before proceeding with this chap para maka keep up sa pangyayari. 😁

Enjoy reading!

Chapter 8

Pagkarating namin sa tinutuluyan niya ay bumaba muna ako para buksan ang gate. Pagkatapos ay tsaka ko lang siya kinarga papasok dahil malabong gigising pa 'to. At isa pa, kung gumising man siya, wala rin, lasing pa rin, kakargahin ko pa rin.

Inaamin kong habang tumatagal ay mas bumibigat siya, ang hirap pa naman maglakad dahil madilim na at tanging ilaw lang sa poste ang nagsisilbing liwanag dito. Nang pihitin ko ang doorknob ng apartment niya, naka lock pa, pisti.

Ibinalik ko na lang muna siya sa loob ng kotse. Kinuha ko ang bag niya at hinanap doon ang susi ng apartment niya. Madali ko lang naman iyong nakita pero pahirapan sa panghuhula kung ano ang susi ng pinto dito dahil sa dami.

But at last, I still managed to open the door.

Binuksan ko muna ang ilaw at inayos ang kama niya bago ko siya muling kinarga papasok sa loob. I carefully laid her on the bed and fixed her clothes before sighing. Bigat mo rin pala, ma'am.

Kumunot ang noo niya at gumawa siya ng mahihinang tunog na para bang naiirita. Maya-maya ay bumukas na lang bigla ang mga mata niya. Nakanguso pa siya habang naniningkit ang mga mata.

"Asan ako? Sino ka?" Tiningnan niya ako ng maigi. "Bakit ka naka mask? Magnanakaw ka ba? Magnanakaw!"

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang siyang sumigaw. Kaya mabilis ko siyang nilapitan at tinakpan ang bibig. She kept shouting while trying to get rid of my hand covering her mouth.

"Ah! Aray!" Mabilis kong inalis ang pagkakatakip ko sa bibig niya nang kagatin niya ang kamay ko.

"Sino ka ha?! Saan mo 'ko dinala?!" Now, she was trying to stand in order to stay away from me.

"It's Ken!" Iritado kong sabi sabay alis ng suot kong mask at hood. "Wag kang maingay, madaling araw na." Bawal ko sa kaniya.

Tumigil na siya sa pagsigaw pero tinitigan na naman niya ako ng maigi. Dahan-dahan siyang bumangon at hinawakan ang panga ko para suriin ang mukha ko. Kinunotan ko siya ng noo nang bigla na lang siyang ngumiti.

"Ken," tawag niya sa 'kin na para bang ngayon niya lang na-realize.

Kunot noo ko lang siyang tiningnan.

"Alam mo naiinis pa rin ako sa'yo kasi dinelete mo yung video eh." Tinuro pa niya ako habang nakanguso. "Pero okay lang." Kinagat niya ang ibaba niyang labi. She moved her thumb on my cheek that made me blink twice. "Ang gwapo mo pala sa malapitan 'no?" Aniya sabay hagikgik.

Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa panga ko tsaka ko siya nilayuan ng bahagya para huminga ng maayos, it felt a bit awkward to talk about it. Talagang hindi pa siya nakaka move on dun sa video? Tagal na nun ah.

She kept staring at me with a naughty smile on her lips that made me quite uncomfortable, but not in a bad way. I don't know how to explain.

"Alis na 'ko." Paalam ko sa kaniya sabay tayo sa kama.

"Wait," mabilis niyang hinawakan ang braso ko tsaka niya ako hinatak dahilan para mapaupo ulit ako sa kama. "Remake na lang natin para 'di na 'ko magalit." Buong ngisi niyang sabi, mata sa mata.

Hindi agad ako nakasagot, sa halip ay bumulong na lang. "Buang."

Tumayo na ulit ako at akmang lalakad na paalis pero hinatak na naman niya ako at pinaupo sa kama. At nang makaupo na ako ay mabilis niyang pinaikot ang braso niya sa bewang ko habang nakahiga.

Second Time Around • SB19 Ken [On-going]Where stories live. Discover now